ang naabot ng pang-unawa

83 0 0
                                    

Anu nga ba ang kakahinatnan?

Kung ang mga susunod wala ng aabutan?

Anu nga ba magiging bukas?

Kung ang susunod ngaun plang ay tila nagwakas?

Anu pa ang tatanawin?

Kung ang mga bundok titibagin?

Anu pa ang tutunguhin?

Kung ang mga bukid ay wala na rin?

Panu na ang pagkabata?

Kung inaagaw na ito ng maagang pagtanda?

Panu na ang edukasyon?

Patuloy na lamang bang magiging ilusyon?

Anu na ang kahihinatnan ang bulong?

Kung ang ang modernisayon ay hindi nakakatulong?

Ni hindi naman tayo sumusulong?

Puro gamit wala naman natutulong.

Anu silbi ng utak na may talino?

Kung puro sa teknolohiya tayo tumutungo?

Anu silbi ng mga kwaderno't aklat?

Kung ang mga kompyuter ang binubuklat?

Panu nga ba taya uunlad?

Kung dapat patakbo tayo, pero bakit puro lang pasikad?

Panu tayo aangat?

Kung ang mga hinahalal ay puro lang sat-sat?

Panu na ang hangin?

Kung baka sa susunod bibilin mu na rin?

Panu na ang pagkain?

Kung ngayon busog ka, bukas wala na rin.

Bka wala nang libre sa susunod na henerasyon.

Hihintayin pa ba natin itong gantong rebelasyon?

Wala na din sigurong berdeng nayon na matatanaw.

Dahil ito ay tuluyan ng malulusaw.

Wala na din ang ibon sa himpapawid.

Dahil ito ay magiging sawi ng di lingid.

Kawawa ang mga susunod na henerasyon

Kung ang madadatnan nila ay puro kunsomisyon.

Panu na nga ba tatawaging langit ang mundo.

Kung puro naman tila impyerno ang nandidito?

Sa larawan nalamang ba matatanaw ang ganda?

Sa kanta nalang ba maririnig ang paghahanda?

Kelan kaya kikilos upang masunod ang mga tanda?

Baka maaari pa masalba

Kung makakagawa tayo ng panangga

Kawawa ang susunod

Kung ngaun palang ang pangarap tila maanod.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

anu ang susunod na henerasyon?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon