Chapter 36 - SHERLOCK?

7.6K 134 3
                                    

Chapter 36

[Marjorie's POV]

Yeah! Saya, two weeks suspension =_____=

Bugnot na bugnot na ko dito sa bahay. Nakakaisang linggo pa lang ako, pero feeling ko ang dami ko ng namiss sa school. Isang linggo pang pagtitiis.

Tss, pano ba naman kasi, bawal din ako lumabas. Bawal din cellphone. Grabe si papa, ang higpit eh. Partida, wala pa ngayon dito si Papa sa bahay dahil nasa business trip sya, kaya paghahandaan ko na lang ang sermon nya pagbalik nya dito. Hindi pa kami nakapag-usap dahil saktong pagdating nung letter galing kay Miss Sanchez eh araw din ng pag-alis ni Papa para nga dun sa business trip.

Pero kung ako din naman ang nasa katayuan nya, kung nalaman kong ganun ang nangyari sa anak ko, eh paghihigpitan ko talaga.

Nag-explain na ako kay Mama, sinabi ko lahat lahat. As in lahat ng katotohanan. Simula dun sa nangyari sa beach, hanggang sa pagsisinungaling ko para maisalba ang graduation ni John.

Una pinagalitan ako ni Mama dahil dun, eh sino ba namang magulang ang hindi magagalit diba? Pero ilang araw lang, okay na ulit kami, bati na kami ni Mama. Ang hindi ko lang nakakausap pa ng masinsinan eh si Papa. Sabi ko na din naman kay Mama na ako na ang magsasabi ng totoo kay Papa, dahil ako naman ang may kasalanan ng lahat ng kasinungalingang iyon.

Sa ngayon ay ako, si Mama at si John pa lang ang nakakaalam ng totoo. Hindi ko pa din kasi nasasabi kanila Jade. Tsaka ko na lang sasabihin pag nakapasok na ko.

Bumaba na lang ako sa living room para malibang naman kahit papano, pagod na yung kama ko dahil maghapon akong nakahilata =_____=

Pagbaba ko eh si Macey agad ang nadatnan ko, kakadating lang yata galing school.

"Ate!"

"Ow?" sagot ko ng hindi sya tinitignan dahil focused ako sa pinapanood ko. Phineas and ferb *u*

"May nagtetext saking unknown number."

"Ow? Congrats."

"Aish ate naman eh!"

"Hehe, joke lang. Eh ano naman kasing pake ko?"

"Kasi si Rafael daw sya."

"Ow? Baka admirer mo?"

"Aish ewan ko sayo ate. Tino mo kausap! Tss, si Rafael eh si kuya Raffy! Si Paeng!"

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon