Palagi akong may naririnig na sigaw, o kumakanta. Pero hindi yung kumakantang kanta, yung "Nanananananananana"
Palagi tuwing hapon, tuwing uwian sa hindi pa tapos gawin na gym ng school namin.
Isang beses, wala akong marinig, kaya tinignan ko yung gym. Walang tao.
Ang daming harang, parang obstacles para makapunta sa kabilang dulo. Sinubukan kong dumaan sa una. Dalawang magkadikit na pader na semento siya, kaso may parang sumobrang bato sa gitna, nastuck ako dun, hindi na ko makagalaw. Naiiyak na ko nang
"Wag ka umiyak, kaya mo yan. Halika tutulungan kita."
Isang lalaki ang tumulong sakin.
"O diba, hindi naman mahirap. Tara sundan mo 'ko!"
Sinundan ko siya tumawid sa mga obstacles.
Yung pangalawa madali lang, tatawid ka lang sa isang bench. Yung pangatlo dadaan ka nanaman sa dalawang sementong pader.
Nagpatuloy 'yon hanggang sa pang apat. Tapos kumakanta pa rin siya ng "Nananananana"
"Ngayong nakatawid ka na, at nalaman mo na rin ang tungkol dito, kasama na kita! Wag mo 'to ipagsasabi ha? Secret base natin 'to."
Maya maya may nakita akong daan sa may gilid papunta sa entrance, hindi ko yun nakita kanina, pero bakit namin kailangang magpakahirap sa pag daan dito?
"Para mas masaya!" ang sagot niya
Minsan nauuna akong tumawid sa kanya, pero mas madali kapag kasama ko siya. Kaya lagi ko siyang hinihintay, palagi din kaming magkasamang tumawid.
Minsan, malakas ang ulan at doon kami nagpapalipas ng ulan, namatay ang kuryente, natakot ako nun. Pero hinila niya ako at tumawid kami ng paulit ulit sa mga obstacles.
Isang beses, hinintay ko siya buong maghapon, hindi siya dumating.
Nagpatuloy 'yon ng mga ilang beses pa. Hanggang sa nakita kong may kasama na siyang iba.
"Ah, siya ba? Nung isang linggo lang naging sila. Mukhang hindi mo na nga siya nakakasama mula noon. Wala na kaming nariring na kumakanta. Kayo ang palaging magkasama hindi ba?"
Hindi na ngayon.
Ang lalaking 'yon ang pumalit sa kanya. Pero hindi ko siya dinadala sa secret base.
Araw araw palagi na akong sinasamahan ng lalaking 'yon. Araw araw ko din silang nakikitang magkasama. Hindi na kami nagkausap noon, na para bang hindi man niya ko nakilala, kailanman.
Pumunta ako sa gym, na "secret base" daw namin. Pumunta ako sa huling pagkakataon, para iwan na doon ang mga alaala namin. Hindi na 'ko dumaan sa "obstacles", dumeretso na 'ko sa kabilang dulo.
"Bakit diyan ka dumaan?" tanong nung lalaking 'yon
"Bakit pa 'ko dadaan sa mga iyan? Pumunta nga ako dito para kalimutan ang lahat hindi ba? Hindi para gunitain."
Bumalik ang lahat sa dati, na parang walang nangyari.
Iniwan na niya ako.