Dedicated sa kanya dahil in-add niya toh sa RL niya. :)
Enjoyyyy!!
___________
Kinuha ko yung dalawang platito at inilagay ito sa dining table.
Sayang naman nito, ako nalang kakain.
Naramdaman ko namang sumunod siya sakin.
"Uhmm, Sabby? Sorry."
Tinignan ko siya habang inaayos yung lasagna.
"Anong sorry? And please quit calling me Sabby." Pero parang hindi siya nakikinig sa sinabi ko,
"Sorry, hindi mo kailangan makita yun."
"Look, it's none of my business. Wala akong pake."
Umupo naman siya, umupo na rin ako para kumain.
Iniabot ko sa kanya ang slice ng lasagna.
"Talaga? Hindi ka nagalet?"
"Bat naman ako magagalit? Patawa ka rin eh noh? Nakikitira lang ako. Bahala ka kung hahalikan mo at dadalhin lahat ng babae mo dito." Maginaw na sagot ko sa kanya.
"Hindi na yun mauulit."
"We'll see. Let's eat."
Sumubo naman siya ng napakalaking lasagna.
"Ang sharap naman ng lashagna mo."
Wow, ang saya-saya niya.
Buti pa siya.
Simpleng lasagna, napapasaya na siya.
Eh ako, nalimutan ko na kung kelan ako napangiti ng ganyan.
"I'm going to sleep already. Just leave the plates there. I'm gonna wash it tomorrow."
Tumayo ako at dumiretso sa kwarto niya.
Aissh! Ang lungkot naman ng buhay ko! Birthday ko bukas pero bakit hindi ako masaya?
Kailan pa ba ako sasaya?
Sa kakaisip ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Happy birthday to you!
Happy birthday to you!"
Wow, ang ganda naman ng panaginip ko.
Ang saya!
Ang liwanag ng mukha ko.
"Happy birthday, happy birthday, happy birthday, Sabby."
O____O
Sabby?!
Minulat ko yung mata ko.
"A-anong g-ginagawa mo sa kwarto mo?"sabi ko.
Andito si John sa kwarto niya at nakaupo sa gilid ng kama niya.
"Hahahaha! Tinatanong mo kung ano ang ginagawa KO sa kwarto KO?"
Umupo ako ng maayos.
"Sino naman ang nagsabi sayo na birthday ko ngayon?"
Ayaw ko na may makaalam na birthday ko ngayon.
Ayaw ko ng birthday.
Ito ang araw na nagpapa-alala sakin na walang nagmamahal sakin.
"Eh di sa facebook!" Sagot niya.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"For your information, wala akong facebook!"
Wala naman talaga akong facebook eh.
Kinamot niya yung ulo niya.
"Wala ka ngang facebook pero meron kang fan page sa fb."
Bwisit naman! Bakit ba kasi ang raming pakialamera sa mundong ito!
Naalala ko pala na may fan page ako. Mga 200,000 likes na nga yun eh.
Hindi ko alam kung sino may gawa nun.
Kung sino man siya, mabangga sana siya!
"Oo, birthday ko ngayon. Labas!" Tinuro ko yung pinto.
"Grabe ka naman!"
Yumuko siya at parang may kinuha sa baba.
"Happy birthday!!" Hawak niya ang isang chocolate cake na tantsa kong nasa 18 yung candles.
"Ano yan?!" Sigaw ko sa kanya.
Ayaw ko talaga ng mga bagay na nagpapa-alala na birthday ko ngayon.
Tinignan ko si John. Ang laki ng ngiti niya.
"Cake mo. Sige na. Blow the candles!"
"John, please go out."
Humiga ako at nagtalukbong.
Pero kinuha niya ito.
"Anuba?!" Inis na sabi ko sa kanya.
"Grabe ka naman. Hipan mo naman tong cake. Nag-effort pa ako mag-bake nito."
"Ikaw nag bake nito?"
Itinaas niya naman yung ulo niya na para bang nagmamayabang.
"Oo. Special toh kasi rare ang flavor. Chocolate."
Kita ko ngang hindi masyadong common tong binake niya.
"Tsk, woooooohh!!!"
Nag-blow na naman ako ng birthday candles after 13 years.
__________
A/N: Naiiklian ba kayo sa chapters? Tell me what you think. :)
BINABASA MO ANG
I'M HIS HOUSEMATE [ongoing]
Ficción GeneralLIVING WITH THE MAN YOU HATE THE MOST. Isang babaeng may madilim na nakaraan na ipinalayas sa kanyang bahay at kinupkop ng isang lalakeng ubod ng bait pero medyo manyak. Parang may mangyayaring hindi maganda. So, sit back, relax, and enjoy this stor...