*KRIIIIIIIIING*
Yeeeeey! Dismissal naaaaa! Ang bilis no? Haha! Excited lang talaga akong umuwi kasi may surprise daw sakin si Alyza. Ano kaya yun? Excited na meeeeeee!
"Bess! Tara naaaaa!" sigaw ni Alyza sa akin.
"Okaaaaaaaay!" excited na sagot ko.
Anyway, hindi pa nakakaalis ang mga kaklase ko sa classroom namin. Nakasanayan na kasi namin na t ulong-tulong sa paglilinis ng room bago umalis, pero since nakapagpaalam na kami ni bess na uuna na, pinayagan naman nila kami.
"Alis na kami ha! Byeeeeee!" sigaw ko sa mga classmate namin.
*Tok* *Tok*
Biglang nagbukas ang pinto namin pero hindi ako nakatingin sa may pinto(rinig ko lang yung pagbukas nung pinto) kasi nga iniisa ko pa sila sa aking pagbaba-bye. Hihi!
"Good afternoon po. May training po ngayon ang mga sasali sa DSPC. Sumunod na lang po yung mga kasali sa akin."
Ahhhhh! Nakalimutan ko nga pala na may training kami ngayon. Tumingin ako kay bess para sabihin na mauna na siya pauwi, pero bago ko pa masabi yun eh nagsalita na siya.
"E-eh.... B-bess, wr-wrong timing nga-ngayon... T-tingin k-a s-sa p-ppinto...." ano kayang problema ni bess? Nanginginig ang boses eh.
"Bess, okay ka lang?"
"H-hindi....." ha? Bakit?
"Hindi? Bakit?"
"Oo pala.... O-okay lang ako! Promise!" sabay taas ng kanang kamay.... "Pero ikaw, baka hindi ka maging okay..." bulong niya. Pero rinig ko naman.
"Ako? Hindi magiging okay? Bakit naman?" tanong ko kasi hindi ko nga gets eh.
"Ehem..."
Lumingon ako para makita kung sino yun... Pero huli na! Nakita ko na yung lalaking kahuli-hulihang gusto kong makita!
"S-sige b-bess.... I gotta go!"
"Teka!" sabi ko pero umalis na siya ng tuluyan.
"Darlene, tara na." sabi ni Lance. 'AYAW KOOOO!'
Pansin ko lang..... Kung maka-ate o kaya kuya, o kaya naman maka-po siya sa mga kaklase ko wagas, pero kapag sa akin waley??? Kahit man lang i-address niya ako na ate, 'di ba?
"Dar-Dar!" YES! You're my hero, my savior Jic-Jic!
"Jic-Jic!" sabi ko sabay pumunta siya palapit sa akin.
"Ang Dar-Dar ko ba ang kailangan mo?" mahinahong sabi ni Jico kay Lance.
"Dar-Dar? Dar-Dar mo?"
"Oo, bakit?"
"Kasi sa pagkakaalam ko po, Darlene ang pangalan niya."
Uh-oh! Ano 'to? Pinag-aawayan nila ang pangalan ko? Achuchuchu! Assumingera! Feelingera! Syempre, di no!
"Eh bakit ba?! Kami na kaya pwede kaming magtawagan sa kahit ano mang pangalan!" hinawakan naman ni Jico ang aking kamay na parang pinapahiwatig na 'okay lang'.
Para namang nabigla si Lance sa sinabi ni Jico. Pero naisip ko na ba't kaya naman nagulat si Lance? Baka naman??? Haaaay.... Dream on, Darlene... As if he cares!
"Ah... Sorry, Kuya Jico. Hehe! Akala ko kung sino yun eh." kakamot-kamot na tumingin siya sa akin. Pati 'kuya'? "Uhm... Darlene, tara na. Kanina pa siguro tayo hinahanap ni Sir Jam. Baka mag-alboroto na naman yun." tumingin naman siya kay Jico. "Sige kuya Jico... Pahiram muna sa Dar-Dar mo ha?"
BINABASA MO ANG
In Love Ako Kay Dota Boy!
Teen FictionHindi ko ine-expect na mai-inlove ako sa kanya. Bigla ko na lang namalayan na gusto ko na siya. Hindi ako sanay sa nararamdamang ito eh. Ngayon lang talaga. 'Di naman siya masyado KAGWAPUHAN. Pero meron talagang kakaiba sa kanya. 'Di ko alam kung an...