Lesson 5: Know Your Publisher
Tingin ko kailangan ko nang gumawa ng chaper tungkol dito. Madalas ko na kasing nababanggit sa comments, lol.
Anyways, maiksi lang 'to.
Sa pagpapasa ng stories sa publishing companies, hindi dapat basta ka lang magpasa kahit saan. Dapat alamin mo muna kung saang publisher babagay ang story mo. The things that your publisher wants and the rules they have in publishing a book, dapat masunod mo sila. Or malay mo pwede kang makipag-negotiate sa kanila so you can meet somewhere in the middle.
Halimbawa, sa PHR. Ito ang mga tingin kong "tatak" nila.
1. Romance;
2. 3rd person POV;
3. Character's age bracket is about 18-35 (I think?);
4. Story must be 25,000 words.
Sa'min naman sa Kilig Republic (under PSI-COM)
1. Romance ('yung pa-tweetams ang dating, hahaha)
2. 1st person or 3rd person POV
4. Character's age bracket... mostly 18-25 (sa pagkakaalam ko)
5. Target reader: those who are in their teens
6. NO LOVESCENES!
7. Story must be 19,000 words.
Tapos kapag Chic-lit ang sinulat mo, punta ka sa Summit Books.
Sa tingin ko, mas strict sa PHR. At saka in terms sa story, judging from all the PHR books I've read, mas... paano ba 'yung term? Mas limited? I can't find the word, waaaaaaa!
Although sumusunod kasi kami sa "boy meets girl"-"they fall in love"-"insert conflict here"-"bati na sila yehey" pattern, may mga elements kami sa nilalagay sa story na hindi ko madalas nakikita sa PHR books.
Ang hirap i-explain. Bumili kayo ng isang KR saka isang PHR tapos pagkumparahin niyo! Hahahaha. Teka, out of topic na tayo.
Sana naintindihan niyo ang magulo kong explanation.
**P.S.: Baka iniisip niyo may galit ako sa PHR kasi lagi ko siyang ginagamit for comparison. Hindi po, ah. PHR kasi 'yung pinakafamiliar ako, haha.
**P.P.S.: Noong binasa ko 'yung sinulat ko, para akong nagse-salestalk doon sa isang part. Hindi ko po iyon sinasadya. Bow.

BINABASA MO ANG
TARA, SULAT TAYO! (WRITING101)
AcakWriting guide/tutorial. Sana makatulong ako sayo. :)