Chapter 24 : Go out with Him

11.4K 186 2
                                    

After nong nakaka awkward na pangyayare sa min nong alien na yon. Actually bakit ba ako nag rereact ng ganon eh nag papanggap lang naman kami kaya hindi dapat ako kumilos ng ganon. Minsan hindi ko na lang siya kinakausap dahil nakakailang at baka isipin niya na masyado na kong nagiging close sa kanya kaya nga ako na lang ang gumagawa ng way na dumistansya sa kanya dahil in the first place hindi ako pwedeng mag kagusto sa kanya kaya nga hanggat kaya kong itago at ilihim gagawin ko.

Madami ng nangyare, nakausap ko na din si Mama na wag mag alala sa kin dahil ilang buwan na lang makakauwi na ko kahit na sinabi ko na nasa Cebu ako pero ang totoo isang sakay lang nasa bahay na ko, ayuko kasi na maging dahilan yon para malaman nila ang totoo, alam niyo naman na kailangan kong mag sinungaling para lang magawa ng maayos ang pag papanggap na to. Kahit ako gusto ko ng sabihin sa kanila kong ano ang pinasok ko pero kailangan kong itago sana lang maintindihan nila kapag dumating yong time na malaman nila ang totoo.

Ang dami ko na namang iniisip na mga kong ano ano.  Bakit ba ako nag iisip ng ganito at isa pa malapit ng matapos ang contract kaya hindi na dapat ako nag iisip ng kong ano ano.

Dahil ako lang mag-isa ngayon sa bahay, nag lilinis ako ng kwarto ko baka kasi isipin nong Brett na yon na wala akong silbi baka kong mapano ko pa siya. Nagpupunas ako ng sahig ng biglang tumunog yong phone ko kaya naman nag lakad ako papunta sa may bed don ko kasi napatong yong phone ko. Iniisip ko kong sino na naman tong tumawag masyadong disturbo dahil alam na may ginagawa ako saka siya tatawag sa kin.

Kinuha ko yong phone saka ko tiningnan kong sino ang tumatawag....

Alien calling .......

Huminga ako ng malalim saka ko sinagot yong phone.

PHONE CONVERSATION :

"Oh problema mo ?? " sabi ko

"What ?? " Brett

"Sabi ko kong anong problema mo ?? " sabi ko

"Hoy weird para sabihin ko sayo wala akong problema okay , weird mo " Brett

Huminga ako ng malalim saka ko pinipilit na kumalma.

"Anong problema mo bat ka tumawag , gets ?? " sabi ko

"You're so weird talaga TSS , anyway samahan mo ko ngayon " Brett

"Huh ?? " sabi ko

"I said samahan mo ko ngayon, ayuko ng ulitin pa , magbihis ka na at nag aantay na sayo yong guard sa labas " Brett

Tumingin ako sa may bintana at nagulat ako dahil nag aantay sa labas yong dalawang guard na nakasama ko ng isang araw.

"Bigla bigla ka naman nag aaya " sabi ko

"Wag ng maarte in 30 minutes nandito ka na , okay ?? Bye " Brett

END OF PHONE CONVERSATION

Mag sasalita pa sana ako pero bigla na lang nyang pinatay kaya naman napailing na lang ako. Kakaluka anong nakain non at bigla na lang akong niyaya pwede naman na dito sa bahay na lang mag usap may pa labas labas pang nalalaman ang alien na to.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon