LOUDER (One Shot)

33 1 0
                                    

"Ipasa niyo na ang papel niyo sa unahan." Ang utos ni Professor Oman. Ang science teacher sa University na pinapasukan ng ating Heroine na si...

"SEEEEERRR!!!!! HINDII PA KOOO TAPOOOOSSSS!!!!!" Yes that's right. Ang pinaka maingay na babae sa balat ng lupa!! Walang iba kundi si...

"Ms. Bridgit Adella. Can you please lower your voice?" Yes, Yes, Yes. It's Bridgit Adella. Ang loudmouthed na babae sa 2-B. 

"MAHINA NAMAAN PO SEER!!!"

"No, I don't think it is. Para ngang sinisigawan mo na ko eh." Tumawa ang mga ka-klase ni Bridgit. Ngunit kahit ganoon ang personality niya, milyon milyon naman ang kaibigan niya. Dahil ang tingin nila kay Bridgit ay nakakatawa. Pero...

... mukhang isa lang ata ang may ayaw sa kanya. "THE NOT INTERESTED TYPE." Siya ang Antagonist para sa ating heroine. Walang iba kundi si...

"Mr. Chale Devera. Natutulog ka nanaman sa klase ko."  Yes!!! That's Chale, the cool type at 2-B. Maraming mga babae ang na he-head over heels sakanya, kahit na siya'y bugnutin, tamad, at palaging natutulog sa klase. Ibang-iba siya kay Bridgit na sobrang masayahin at maraming kaibigan. Siya kasi yung type na, cool lang, walang paki-alam sa nangyayari sa kapaligiran niya. Ngunit sa kanyang pes* nagiging sikat siya sa campus.

"Anong natutulog?! Hindi nga ko makatulog sa sobrang ingay ng nasa likuran ko!" Ang kanyang tinutukoy ay walang iba kundi si Bridgit. 

"Hindi mo pa nga yata nagagawa ang pinagagawa ko, Mr. Devera." 

"Paano ako makakagawa kung sobrang ingay ng classroom?! Hindi na nga ko makatulog dahil sa nakakainis na babaeng toh..." Sabay tingin kay Bridgit. "Baguhin mo naman ang sarili mo... kasi NAKAKAINIS kana!" 

Hindi inaasahan ni Bridgit na sasabihin iyon ni Chale sa kanya. Kahit na naiinis din si Bridgit kay Chale ngunit tinatago niya lang ito. Kahit na alam niya na rin na naiinis si Chale sa kanya, pero napa isip si Bridgit na baka naiinis na talaga siya dito ng sobra-sobra, dahil sinabi niya iyon ng harap-harapan.

Matapos iyon ay umalis na si Chale. Wala talagang galang si Chale simula't sa una, pero ang nakakahanga sa kanya ay  kahit na hindi niya pag-aralan ang isang bagay, nakakakuha pa rin siya ng mataas na marka. Hindi natin masasabi na kumukopya siya dahil lumilibot libot ang teacher para tignan sila.

"Bridgit! Grabe naman yung si Chale, wag mo nalang siyang pansinin. Kahit na gwapo siya, ayoko sa ugali niya... panatilihin mo lang ang pagiging cheerful mo. Wag mong ilalagay sa utak mo ang sinasabi niya." Ang payo ng mga kaibigan ni Bridgit sakanya.

"HINDII NAMAN AKO NAG-PAPA APEKTOO EEEHHH ^______^" Ang maingay na sabi ni Bridgit. Pero sa kaloob-looban niya'y apektado talaga siya sa sinabi ni Chale.

Dahil sa kahit naiinis siya dito, ay parang gusto niya rin itong maging ka-close.

"Bridgit! Akin nalang yang bracelet mo! Ang talagal ko nang hinihingi yan ee..." Ang ibang kaibigan naman ni Bridgit, madalas ang kagamitan niya ang napapansin...

"AYOOOKOOO NGAA~~ IMPORTANTE SA AKIN TO NOH!! BLEEEEEHH XP" May pagka childish din itong si Bridgit at may pagka KJ minsan. Ngunit kahit ganoon, may mga good side din siya, katulad ng pagtulong niya kahit hindi naman niya kailangang tumulong. Ang pakikipag socialize niya sa iba't ibang tao, at ang pagiging mabait niya. Kaya nga siya ngkaroon ng maraming ka-close.

Ang total opposite niya ay si Chale. Si Chale, kahit na may makitang matandang ninakawan ng bag hindi niya pa rin papansinin, tuloy tuloy lang siya sa paglalakad. Hindi siya mahilig makipag socialize, ang tanging alam niya lang ay ang tumingin sa langit at matulog. Batugan yan kahit sa school, pero ang side niyang ito ang nagpapanatili sa mata ng ibang tao ng pagiging cool.

LOUDER (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon