FIFTEEN - First Step

37 4 0
                                    

"Ito na ba lahat 'yon?"


"Oo. 'Yan na lahat. Wala na akong itinira kahit isa."


"Good. May dala ka bang lighter?" Kinuha ko 'yong lighter sa bulsa ng jogging pants na suot ko ko saka iniabot sa kanya.


Sinimulan na niyang sindihan lahat ng pictures namin ni Vin at pati na rin 'yong mga sulat n'ya sa akin. Kanina pagkalabas namin galing school ay nagpumilit siyang sumama sa akin dito sa bahay para daw masimulan na namin 'yong 'Five ways to move on' list n'ya. Binigyan n'ya ako ng listahan ng mga dapat kong gawin para daw maka-move on ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa mga nakalagay do'n pero dahil sa kakulitan n'ya wala na akong nagawa kundi ang sumunod.


Habang sinusunog n'ya 'yong mga pictures at sulat ay kinuha kong muli sa bulsa ko 'yong papel kung saan n'ya isinulat 'yong mga paraan daw para maka-move on ako. Napabuntong-hininga na lang ako habang binabasa ko 'yon isa-isa. Kung tutuusin ay lima lang ang nakasulat dito pero habang binabasa ko iyon pakiramdam ko ay napakahirap no'ng gawin. Isa pa, siguradong matagal bago ko ito magawa lahat. Muli na namang pumasok sa isip ko ang tanong na kanina pa naglalaro sa utak ko.


Kaya ko ba?


Kaya ko bang kalimutan si Vin? Kaya ko bang kalimutan at basta na lang itapon lahat ng memories naming dalawa? Kaya ko bang baliwalain lang s'ya? Kaya ko bang hindi s'ya pansinin sa tuwing magkakasalubong kami? Kaya ko bang hindi s'ya tingnan kahit ilang segundo lamang? Pakiramdam ko kasi kapag alam kong malapit s'ya sa akin ay wala na akong ibang gagawin kundi ang titigan s'ya. Nami-miss ko na s'ya ng sobra.


Aaminin ko, kung minsan nawawala s'ya sa isip ko, nagagawa ko siyang kalimutan lalo na kapag kasama ko si mushroom kaya lang kapag mag-isa na ako bigla ko na lang s'ya maiisip tapos maiiyak na lang ako kasi miss na miss ko na s'ya. Palagi kong tinatanong ang sarili ko kung ako kaya? Nami-miss kaya niya ako? Siguro hindi kasi hindi naman talaga n'ya ako minahal. Lalo pa't may Judi na sa tabi n'ya ngayon.


Niyakap ko ng mahigpit si Tamtam at ibinaon ang mukha ko sa malapad at mabalahibong likod n'ya habang nakatayo ako sa may likuran ni mushroom. Amoy na amoy ko pa rin ang pabango ni Vin kay Tamtam. Si Tamtam ang kaisa-isang materyal na bagay na natanggap ko mula kay Vin. Isa siyang teddy bear na may katamtamang laki lang. Binigay ito sa akin ni Vin noong birthday ko. Sobrang saya ko noong ibinigay n'ya 'to sa akin dahil isa 'yong patunay na mahal din niya ako. Ganoon naman 'yon di ba? Nagbibigay tayo ng materyal na bagay sa isang tao kasi mahal natin ang taong 'yon. Minahal nga kaya ako ni Vin?


Napatunghay ako ng bigla kong maramdamang may humihila kay Tamtam. Napatingin ako kay mushroom na nakatayo sa harapan ko habang hawak-hawak ang kaliwang paa ni Tamtam.


"Pati ba ito?" tanong ko sa kanya


"Syempre naman. Nanggaling rin 'yan sa kanya di ba?" pagkasabi niya no'n ay mas lalo kong niyakap ng mahigpit si Tamtam.


"Wag na 'to mushroom, please?" pagmamakaawa ko saka muling ibinaon ang mukha ko sa likod ni Tamtam.


"Ano ka ba? Di ba sabi ko lahat dapat sunugin mo para wala na. Maalala mo lang s'ya kapag nakita mo 'yang bear na 'yan." Saad n'ya at muling hinila si Tamtam sa paa. Muli akong tumunghay at saka hinila rin si Tamtam para mabitiwan n'ya.

Broken-Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon