Chapter 3: Friends

274 8 0
                                    

"Ma, Pa, alis na po ako." Paalam ko kina papa at mama

"Hindi ka ba sasabay sa papa mo Red?" Mama

"Hindi na ma. Maglalakad na lang po ako para exercise. Hihihi.." ako

"Oh sige anak. Mag-iingat ka." Mama

"Ingat anak." Papa

Nagmano ako sa kanilang dalawa.

"Red!" Kuya ko

Nilingon ko si kuya na pababa pa ng hagdan.

"What?" Ako

"Di ka ba magpapaalam sa gwapo mong kuya?" Kuya

"Wala naman po akong gwapong kuya." Ako

Nag-ouch si kuya at hinawakan pa ang kanyang dibidib.

"Drama!" Ako

Nagtawanan naman sina papa at mama.

Lumapit ako kay kuya nung nakababa na siya at saka siya niyakap.

"Bye kuya Blue!" Ako

Niyakap rin ako ng kuya ko.

"Bye Red. Ingat ka sa daan. Baka may makasalubong kang aso. Habulin ka pa." Kuya

"Wag ka ngang manakot kuya. Alam mo namang takot ako sa palaboy-laboy na aso eh." Ako

Nagtawanan ulit sila.

Nasa pintuan na ako ng sumigaw ulit si kuya.

"KAGATIN KA SANA RED! HAHAHAHAH!" kuya

Narinig ko si mama na sinabihan si kuya na wag daw akong takutin.

Walangyang kuya yun. Tinatakot ako.

Naglalakad na ako sa daan papuntang school. Dating gawi, kinuha ko ang phone ko, nagplay ng music at pinasak ang earphones sa tenga ko.

Sa pamilya ko, ang tawag nila sa akin ay Red. Pinaikli nila ang Rebecca Desiree. Favorite color kasi ni mama ang red kaya yun ang nickname ko. Parang pangit naman daw kung Red lang ang name ko kaya pinaganda nila. Sila lang ang tumatawag sa akin ng Red.
Si kuya naman Blue Prince ang pangalan niya. Favorite color ni papa ang blue. Nasa college na ang kuya ko, second year college at course niya is culinary arts. Gusto daw niyang maging chef at para rin daw ipagluluto niya ang girlfriend niyang si ate Princess ng masasarap na pagkain. Dagdag points daw kung masarap magluto. Si kuya talaga napakasweet kay ate Princess. Bagay na bagay talaga sila kasi Prince at Princess ang pangalan. Hahaha..
Si papa ay isang architecture at si mama naman ay fashion designer. Nagka-inlababu siguro ang mga magulang ko dahil parehas sila ng hilig, ang pagdrawing. Nagkasundo sila.

Habang naglalakad ako, may kumalabit sa akin. Kahapon meron, ngayon na naman, meron. Ako na talaga ang favorite nilang kalabitin. Eh kasi rin naman, masyado kong navolume up ang pakikinig ko ng music.
Nilingon ko ang kumalabit sa akin.

"Hi Rebecca."

"Ah~~~~ Ricco! Ikaw pala. Good morning!" Bati ko sa kanya at tinanggal ang isang earphone

"Good morning rin. Kanina pa kita tinatawag pero di mo ako nililingon. Nakaearphones ka pala." Ricco

"Ah sorry. Hehe.. Mag-isa ka ata? Sabagay, kahapon ikaw lang din mag-isa nung pumasok ka." Ako

"Ah oo. Malayo kasi ang bahay ko sa bahay ng barkada ko. Si Alex rin, malayo ang bahay niya sa amin. Yung lima, magkakapitbahay lang kaya sabay sila kahapon." Ricco

"Ah ganun ba?" Ako

"Oo. Tara! Sabay na tayo." Ricco

"Okay." Ako

He's Mine. She's Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon