Kung sino pang hindi nakapagtapos ng pag-aaral
Ay siya pang hindi kapos sa mga aral
Samantalang ang mga edukado't edukada'y
Sila pang hindi marunong maglahad ng kamay.
Ang sistema ng edukasyon sa bansa
Ginawa nalang katawa-tawa ng iba
Dahil kung sino pang nakaluklok sa tuktok
Siya pang nangunguna sa paggawa ng gusot.
"Hindi bale na't mahirap at walang pinag-aralan
Kaysa naman sa mataas nga ang nakamtan
Humuhuthot naman sa kaban ng bayan"
Ani ng aleng nagtitinda ng suman.
Diploma, Digri, papuri at karangalan
Oo nga't mahalaga ang lahat ng iyan
Ngunit kung pagpapahalaga sa kapwa at bayan naman ang kakulangan
Buhay mo'y wala ring patutunguhan.
BINABASA MO ANG
Tula para sa Pilipino
PoetryIsa ka bang Pilipino? Kung gayon ay malugod kitang inaanyayahang basahin ang koleksyon ng mga munting tulang isinulat para sa iyo. -AngHulingPluma