Bagong cellphone
@sharabelle_07's POV
Kwento ko po ito at nang aking bagong cellphone.
Mga 8 or 9 years old ako nung nangyari sakin 'to. I was in grade 4. Niregaluhan ako nila Mama ng bagong cellphone. De slide siya. Luma na rin kasi yung Nokia 110 na ginagamit kong pangtext at tawag pag magpapasundo na ako sa uwian kaya ayun yung hiniling kong iregalo nila sa akin, bagong cellphone. Sakto naman nung birthday ko, dumating yung mga pinsan ko. Wala akong handa nun kasi mas pinili ko yung bagong cellphone kesa maghanda ako kaya nakipaglaro na lang ako sa mga pinsan ko.
Mga 6pm nung umuwi ako sa bahay kasama yung isa kong pinsang si Jack (not his real name). Nasa may kusina si Mama nung mga oras na yun kaya naisipan namin na sa kwarto na lang namin ituloy yung nilalaro namin. Kaya lang sabi ni Jack, itry ko na daw yung cellphone ko pero tinanggihan ko kasi gusto ko pag mga 9pm ko na gagamitin. Kada 8pm kasi, sama sama kaming nagdadasal at ako yung mangunguna nung araw na yun.
Mga 8:30pm nun, tapos na kaming magpray. Eh napagpasyahan ni Jack na sa amin na matulog at pumayag naman si Mama. Sama sama lang kami sa kwarto. Bago kami matulog ay naglaro ulit kami kasama yung mga kapatid ko. Habang naglalaro kami, kinuha ko na yung cellphone ko para itry na. Nilagay ko agad sa camera at itinapat sa akin para magselfie. Pinicturan ko din yung mga kapatid ko pati yung pinsan ko. Sinubukan ko rin yung video. Itinapat ko yung video sa mga kapatid kong naglalaro at sa di ko malamang dahilan eh naitapat ko sa may dingding yung camera. Kitang kita ko dun sa camera na may itim na pantalon at barong na damit kaya tiningnan ko yung dingding pero wala. Ni walang nakasabit dun o nakatayo kundi yung puti lang talaga na dingding kaya sinubukan ko ulit pero wala na. Isinave ko yung video at pinakita ko yun kay Lola, nagalit si Lola dahil sa pinakita ko, masamang pangitain daw yun. Idelete ko na daw kaya sinunod ko naman. Pagkatapos nun ay natulog na kami.
Mga pasado alas dose nun nung magising ako. Di ko alam kung bakit kaya pumikit ulit ako. Nung pumikit ako, naalala ko yung hiniling ko nung new year na sana makita ko si lolo kahit isang beses lang. Kahit mabilis lang. Di ko na kasi nakilala ang Lolo ko. Ang alam ko lang at paulit ulit na sinasabi nila Papa sa amin na malapit si Lolo sa mga apo niyang babae. At nung new year, January 1, ilang days bago ang birthday ko at birthday ni Lolo (Jan.7 at Jan.8) dun ko nakita yun. Kaya alam kong si Lolo yun. Hindi man niya naibigay nung new year ang hiling ko na makita siya, naibigay naman niya yun nung birthday ko, nagpakita siya. :)
_END_
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]
HorrorIhanda na ang sariling matakot at kilabutan dahil dito sa pangatlong yugto ng Nginig, sisiguraduhin kong manlalamig ka. Sisiguraduhin kong pagpapawisan ka. At sisiguraduhin kong pagkatapos mong basahin ito... MANINIWALA KA NANG TOTOO SILA!