Chapter 7
Ilang beses nang pinihit ni Bloom ang doorknob ng pinto pero ayaw talagang bumukas noon. Naasar na siya kaya naman sinipa-sipa na niya ang pinto. Hindi niya iyon tinigilan hanggang sa humingal na siya dala ng pagod. Pawis na pawis na siya at nanghihinang napaupo sa kama. Nagsisimula na siyang mag-panic. Naiiyak na siya at nahihirapan na rin siyang huminga. Pilit niyang pinapakalma ang sarili niya pero nanginginig na siyang talaga. Napakislot siya ng makarinig siya ng malalakas na katok sa bintana ng kuwarto. Agad siyang pumunta doon at binuksan ang kurtina, kasunod ang bintana. Nakahinga siya ng maluwag ng makita niya si Clear. Nabawasan ang kabang nararamdaman niya.
"Ayos ka lang?"
Pinunasan ni Bloom ang pawis at mga luha niya. Napatango-tango siya sa binata.
"A-Ayos lang ako. Salamat, dumating ka na."
Sinipat ng binata ang paligid ng bahay niya.
"Kailangan kong sirain ang kisame ng kuwarto mo. Aakyat ako sa itaas at papasok sa siwang. Ayos lang ba?"
"Wasakin mo na ang kailangang wasakin. Basta, makaalis na ako dito." naiiyak niyang wika.
"Huwag ka nang matakot. Nandito na ako. Okay lang ang lahat..."
Hindi umimik si Bloom pero amaze siyang napatingin sa binata. Pinupunasan kasi nito ang mga luha niya. At dahil sa gesture na ginawa nito ay na-comfort siya kahit paano.
"Aakyat na ako." paalam ng binata.
"Sige. Mag-iingat ka."
"Oo, salamat sa concern."
Nagsimula na itong umakyat. Tumuntong ito sa grills ng bintana. Patagilid na pumasok sa loob ng kisame si Clear. Medyo napaubo siya dahil sa makapal na alikabok. Inilislis niya ang pantalon niya at kinuha ang nakasukbit niyang army knife doon. Nang makuha niya iyon ay agad niyang ginamit para bakbakin ang kisame at nang sa ganoon ay makapasok siya sa loob ng silid. Ilang sandali lang ay tuluyan na niyang nabakbak ang kisame. Marahan siyang bumuwelo at tumalon. Kasabay ng pagbaba niya ang laglagan ng mga agiw at alikabok na naipon sa loob ng kisame. Napaubo siya at pinagpagan ang sarili. Pinunasan din niya maging ang mukha niya.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Bloom.
Punung-puno ng alikabok sa katawan ang binata.
"I'm fine. Huwag kang mag-alala."
Pumunta na ito sa may pinto at pinihit ang seradura. Ilang ulit din nito iyong ginawa pero ayaw talagang magbukas ng pinto.
"Bumigay na siguro iyong nasa loob nito. Sira na talaga siya. Babaklasin ko na."
"Sige."
Gamit ang screw driver ay nagsimula na nga sa pagbabaklas si Clear.
Samantala... Nagtatawanan sina Ervine at ang iba pa.
"Ibang klase din ang Clear na iyon oh. Nagka-lovelife lang, hindi na magkandaugaga ang loko." natatawang wika ni Siege.
Napangisi ng pilyo si Ervine.
"Di ba malapit lang sa residence area natin ang bahay ng nililigawan niya?" tanong ni Ervine.
"Ngayon?" sagot ni Gin.
"Ano kaya kung biglang magbrown-out? Makabaklas pa kaya ng sirang doorknob si Clear? Ano kaya ang gagawin niya kung pati siya ma-trap?"
Napataas ng kilay si Chase at napahalukipkip.
"You gotta be kidding, Ervine... Gagawin mo?" amaze na wika ni Chase.
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 6: CLEAR IMPERIAL
RomanceNaholdap si Bloom at blessing in disguise na iniligtas siya ng isang guwapo at tisoy na Taxi driver na si Clear Imperial... Iyon nga lang, duda siya kung totoo ba talagang taxi driver ito?