"Signs that you are inlove?"
"Ay anak ka ng sakang na kabayo!!!!" Gulat na wika ni Karylle matapos marinig ang boses ng kaibigan niya. Dali-dali niyang binura ang mga letra na nai-type nito sa search bar ng google.
"Uy ano yan girl? Inlove ka?! For real?!" Eksaheradang tanong ni Anne sa kanyang kaibigan habang umuupo sa tabi nito. Kasalukuyan silang nasa cafeteria ng school.
"Hindi ah. Hehehe" sagot ni Karylle habang inililigpit ang kanyang laptop.
"What's with the "hehehe"? Ang harot ha! Tell me Ana Karylle, Who's the lucky guy?"
"Ang ku---"
*Pst ganda! May tumatawag
*Pst ganda! May tumatawag
*Pst ganda! May tumatawag
Naudlot ang sasabihin ni Karylle nang biglang mag-ring ang cellphone ng kaibigan. Agad naman itong sinagot ni Anne.
"Yes hello?"
"Uhuh, ako po yun."
"OMG!!!!! IS IT FOR REAL?"
"Thank you miss, thank you. Yea, I'll be there in a minute."
"Ok thanks bye!"Wika ni Anne na hindi maitago ang saya.
"Hey, ano yun? Ang saya mo naman yata, Anning." Tanong ni Karylle sa kaibigan na kasalukuyang nagme-make up.
"Hay nako girl, this is really is it! Ito na yun!" Excited na wika ni Anne habang inililigpit ang mga gamit.
"Huh? Pinagsasabi mo jan?"
"Mamaya na ang chika. Or not? Baka bukas na lang. Hihi bye girl! I love you, I love this day, I love myself, I love my family, and ofcourse my sweetheart, I love Vhooooong!" Sigaw ni Anne habang naglalakad palabas ng cafeteria.
"Ang ganda na sana, may sapak nga lang yata." Rinig ni Karylle sa lalaking nakaupo sa harap nya.
"Hoy anong sabi mo? Bestfriend ko yun!"
"Huh? Who says what? Wala akong sinasabi miss." Sabi ng lalaki kay Karylle sabay kagat sa cheeseburger nito.
"Teka nga. Bakit ka ba nandito? Di ka man lang nagpa-alam na uupo ka? Kabute ka ba? Basta basta na lang sumusulpot! Tss!"
Bigla namang tumayo ang lalaki, tumalikod ng kaunti at humarap muli kay Karylle; para ulitin ang pag-upo nito.
"Hi miss, pwede maki-upo? Wala na kasing ibang mauupuan eh." Sabi ng lalaki kay Karylle at ngiting ngiti pa ito.
"He must be crazy. Ang dami pa kayang mauupuan." Sabi ni Karylle sa sarili.
"Oo na! May magagawa pa ba ako?" Pataray na sagot ng dalaga.
"Payag din naman pala, nagpa-promdatap pa! Mga babae talaga" pabulong na sabi ng lalaki. Pero dahil mahilig mag cotton buds ang ating bida, narinig nya ito.
"Hoy mister, narinig ko yun ha! At May diperensya ba yang mata mo? Ang dami pa kayang mauupuan oh! Bakanteng bakante yung table na yun!" Turo ni karylle sa lamesa na di kalayuan sa kanila.
"Sorry pero di ako umuupo sa table. I have manners." Seryosong wika ng lalaki.
"Seriously? Maaga akong mamamatay sayo alam mo yun?" Karylle shouted in gritted teeth.
"Uhm, nope. But don't worry, now I know." Seryosong sagot uli ng lalaki sakanya.
"Ugh! I hate you!" Sabi ni Karylle sa lalaki sabay kuha ng kanyang mga gamit para umalis.
Akmang maglalakad na si Karylle nang hinawakan ng lalaki ang kanyang braso.
"Hahaha wait. I'm just kidding miss. Ang dali mo naman mapikon."
"Bitaw nga! Wala akong pakialam! May klase pa ako, che!" Maglalakad na sana si Karylle nang hinawakan na naman ng lalaki ang kanyang braso.
"Bitaw!" Sigaw ni Karylle habang hinihila ang kanyang braso mula sa lalaki.
"Ayaw!" Sagot naman nito sa kanya.
"Bitaw sabi!" Sabi ni Karylle sabay hila ng malakas sa kanyang braso. Sakto namang binitawan na rin sya ng lalaki kaya ayun, na-fall ang ating bida at walang sumalo sa kanya.
"Bakit mo ako binitawan? Ang sakit! Bwiset ka!" Sabi ni Karylle habang hinihimas ang kabilang braso na unang tumama sa sahig mula sa kanyang pagkaka-bagsak.
"Sabi mo kasi bitawan kita. Tss. Halika nga." Sabi ng lalaki at inalalayan si Karylle sa pagtayo.
"Thanks. Una na ko!" Sabi ni Karylle sa lalaki at tuluyan nang umalis para tumungo sa susunod nyang klase.
Naiwan namang naka-ngiti ang lalaki.
"She's cute huh." Bulong nito sa kanyang sarili.
AN: This is what you called, SSU (Short Sabaw Update). Hahaha! Sino kaya yung lalaki? Kailan magkikita ang ViceRylle? Tingnan natin sa mga susunod na kabanata.
Tweet me: majjviceral ;)