"Janela, hmm pwede favor? Biglang tanong ng best friend kong si Carlo. Actually gusto ko siya e. Ssshhh wag kayong maingay!
"Ano yun?" Tanong ko
"Pwedi moba akong tulungang ligawan si Jessy?" Sabi niya. Ouch naman!Ang mahal ko may may mahal ng iba?
"Ahhh, Oo naman!" Nag fake smile ako. Ayaw kong tanggihan siya, gusto ko kung saan siya masaya, doon din ako.
Masakit kapag ang mahal mo ay may mahal ng iba, wala ka namang magagawa kung hindi ang tanggapin ang desisyon niya.
Mahal niya ako, oo, pero bilang kaibigan lang, bilang best friend langAndito ako ngayon sa harap ng room ni Jessy , may plano kame ni Carlo. Planong nagpapabigat ng nararamdaman ko
Lumingon ako at nakita ko si Jessy, agad ko siyang nilapitan
"Oh, Janela?" nakangiting tanong niya. "Jessy magpapatulong sana ako e" sabi ko. Hindi naman kami masyadong close pero mabait siya, matalino at maganda, kaya nga nagustuhan siya ni Carlo e
"Ano yun?" Nakangiting tanong niya "Sa Field, mamayang 5:30 sana" sabi ko at mabilis naman siyang pumayag
Masakit saking gawin to, pero para sa mahal ko at best friend kopa, kakayanin ko
Andito ako ngayonvsa gilidbng puno, mukhang hinahanap nako ni Jessy at mukhang nagtataka pa siyab dahil merong table don na may candle light , winebat paborito DAW niyang pagkain. Sa bandang likod niya may nakasulat na 'Be my girlfriend, Jessy' hindi niya ata nakita.
Maya maya nag play na ang music 'A thousand years' ako ang pumili ng kantang yon at sana ako ren ang piliin ni Carlo
Pinanood kolang sila. Dumating na si Carlo at nagulat naman si Jessy. Sinayaw ni Carlo si Jessy.
Bagay sila, pero mas bagay kame
Mukhang gusto naman ni Jessy si Carlo e. Sino ba naman ang hinde? Mabait, gwapo, matalino at marespeto.
Biglang tumulo ang luha ko ng biglang halikan ni Carlo i Jessy, hudyat na sinagot na niya ito
Umalis nako.
Diba yan naman ang gusto mo Janela?! Ang maging masaya ang taong mahal mo? Kaya pati ang sarili kong Kaligayahan ay sinugal kona
(5 months later)
Limang buwan na ang nakalipas, eto parin ako, nasasaktan
*Kring!*
From: Carlo dabest!
Hey! Iniiwasan moba ko? Simula ng naging kami ni Jessy, parang lumayo kana saken :(
BINABASA MO ANG
I Love You Bestfriend ( One Shot )
Teen FictionPaano kung nainlove ka sa bestfriend mo? Pero ang tingin niya sayo ay kaibigan lang?