"Hoy Angeline, ano nangyari sa iyo at nakasimangot ka na naman?"
Hindi pinansin ni Angeline ang matalik na kaibigan at kasama sa trabaho na si Beverly at nilampasan lang ito. May hawak ito ng tasa ng kape habang nakatayo sa tabi ng cubicle nito. Bestfriend niya ang babae simula college hanggang ngayon na pareho na silang assistant manager ng pinakamalaking bangko ngayon sa pilipinas, ang Banco Royale.
Tuloy-tuloy siyang pumasok sa sariling cubicle na nakalaan sa kaniya. Padabog niyang ibinaba ang dalang bag at padaskol na umupo. Nasulyapan niya ang nakapatong na relo sa mesa. Seven am na. Alas siyete pa lang ng umaga pero sira na ang araw niya. Ay Hindi pala. Kanina pa pala sira ang araw niya pagkagising pa lang niya.
"Hoy! Ano nangyari sa iyo? Ang aga naman niyang pagsimangot mo?"
Nilingon niya ang kaibigan na sumunod pala sa kaniya at nasa bukana ng cubicle niya. A genuine concern shown on her face.
Napabuntong hininga siya. "Bev, sa tingin mo masama ba akong anak? Sa tingin mo ba kulang pa iyong binibigay ko para sa pamilya ko?"
Napapalatak ang kaibigan niya. Alam na agad na nito ang ibig niyang tukuyin. Beverly has been her best friend since collage days kaya alam na alam na nito ang problema niya sa sariling pamilya.
"Ano naman ba nagyari?" lumapit ang kaibigan at umupo ito sa gilid ng lamesa. Ibinaba nito ang tangan na tasa at tinitigan siya. "Sino na naman iyang kaaway mo sa inyo?"
Napabuntong hininga siya. Bahagya niyang hinilot ang sentido na naguumpisa ng sumakit.
"Si Nanay kasi. Hindi pa nga ako nakakabangon pero hinihingan na ako agad ng pambili ng gasul. Naubusan daw ng gas iyong kalan."
Napakunot noo si Beverly sa mga sinabi niya. "Eh akala ko ba nagbigay ka na ng pambili noong sahod natin. Ikaw na nga nagbudget ng mga gastusin sa bahay niyo hindi, ba?"
"Oo nga. Kaso hindi daw nakabili si Nanay kasi kailangan daw ng pera ni Ate."
"Ano?!" bahagyang tumaas ang tinig ng kaibigan. "Saan naman daw gagamitin?"
"Sa eskwelahan daw."
Napangiwi siya ng sunod-sunod na mura ang narinig sa kaibigan. Hindi niya ito sinubukang awatin dahil Sa totoo lang ay iyon din ang gusto niyang gawin kanina nang ginising siya ng ina at sabihin nito kung saan ginamit ang pera.
Her sister married for almost ten years. Palipat lipat ito ng tirahan noon pero sa huli ay sa kanila din ng nanay niya bumagsak. Hindi na kasi nagpapadala ang biyenan nitong nasa America dahil sa kalokohan na pinaggagawa ng bayaw niya na kasalukuyan na namang walang trabaho.
Ayon sa Ate Janine niya ay nagaaral daw ito at kasalukuyang kumukuha ng Law. Hindi niya alam kung saang eskwelahan at kung nasa anong antas na dahil hindi rin naman sinasabi ng kapatid kahit nagtatanong siya. Hindi din niya alam kung saan ito kumukuha ng mga panggastos para sa eskwelahan nito dahil wala ngang trabaho ang asawa nito. Pero ang gastos sa bahay ultimo pambili ng gatas ng mga anak nito ay siya pa ang bumibili. Ayos lang naman sana iyon sa kaniya pero ang hindi niya gusto ay kapag hindi siya nakakapagbigay sa Ate niya. Todo sumbat ito na kesyo wala na naman daw siyang naibigay para sa mga anak nito at hindi niya iniisip ang kapakanan ng mga pamangkin niya. Natural na magalit siya pero ang mas masakit ay kinampihan pa ng nanay niya ang Ate Janine niya. Ayon sa Ina ay hindi naman daw siya marunong umintindi sa kalagayan ng kapatid. Alam naman daw niyang walang trabaho si Kuya David niya na siyang bayaw niya kaya dapat lang daw na tumulong siya sa pagtustos sa mga bata.
Dating nagtatrabaho sa isang call center ang bayaw niya pero agad na nagresign dahil magaabroad na lang daw ito kahit walang siguradong bansa kung saan pupunta. Hanggang ngayon ay nagaasikaso pa din daw ito ng mga papeles nito kaya siya tuloy ang obligado na magbigay dahil sermon na naman ang aabutin niya sa Ina kapag hindi iyon ginawa. Ang Kuya Jhay naman niya na siyang pinakamatanda sa kanilang tatlong magkakapatid ay hindi din naman maasahan pa dahil may sarili na rin itong pamilya. Kung minsan nga ay sa kaniya pa ito lumalapit upang mangutang kapag kinakapos ang sahod.
Ang Tatay naman niya ay kasalukuyang nasa Palawan. Nagpapakadakilang Ama pero hindi sa kanila kundi sa pangapat nitong pamilya. May negosyo ito roon pero hindi rin nakakapagbigay dahil may panibago na naman itong kinakasama na mas bata pa sa kaniya at buntis pa. Lahat naman yata ng babae nito ay nabubuntisan ng tatay niya kaya naglilipana sa kung saang lupalop ng pilipinas ang mga kapatid niya.
"Huwag mo sabihin na nagbigay ka pa?" tanong ni Bev sa inis na tinig.
Nagalinlangan siyang sumagot pero sa huli ay tumango din siya bilang pagamin. "Nagbigay na ako para wala na akong marinig pa kay Nanay."
Naihilamos ni Beverly ang dalawang palad sa mukha. Mukhang mas problemado pa ito kesa sa kaniya.
"Alam mo minsan gusto na kitang sabunutan. Bakit ka ba nagpapaapi diyan sa pamilya mo. Hindi mo naman obligasyon ang pamilya ng kapatid mo. Nagasawa siya kaya dapat na buhayin niya ang pamilya niya kung hindi iyon kayang gawin ng asawa niya. Eh ano kung magalit Nanay mo kung hindi ka magbigay. Karapatan mo iyon Angeline, ano ka ba?"
Hindi siya nakakibo. Alam naman niya iyon. Pero kapag kasi nakikita niya ang mga pamangkin niya ay hindi na siya makatiis pa lalo na kapag nanay niya ang nagsalita.
"Hindi ba matagal ko ng sinasabi sa iyo na bumukod ka na. Kaya mo naman nang mabuhay ng magisa." ani Beverly. Namumula ang mukha nito na tila ito ang mas inapi sa kanilang dalawa.
"Alam mo naman na ayaw kong umalis kapag hindi kasama si Nanay." gusto kasi niya na kapag umalis siya sa kanila ay may sarili na siyang bahay na binili at gusto niyang kasama ang Nanay niya.
"Gusto mo nga isama ang Nanay mo kaso ayaw naman niyang iwan iyang maldita mong kapatid. Ewan ko ba sa iyo kung bakit nagpapakawawa ka diyan sa feeling-matalino mong Ate."
Hindi na lamang siya kumibo pa. Wala naman siyang masabi na kontra sa mga sinabi ng kaibigan dahil lahat ng sinabi ni Beverly ay totoo.
Matagal na niyang gustong umalis sa kanila pero ayaw ng Nanay niya na iwan ang Ate niya kaya napipilitan siyang manatili. Kahit lantaran na pinapaboran ng Ina ang kapatid ay mahal pa din niya ito at alam niyang magiging kawawa ang Ina kapag iniwan niya ito sa poder ng Ate Janine niya.
"Ma'am Angeline."
Sabay silang napalingon ni Beverly ng sumilip sa bukana ng cubicle ang isa mga marketing assistant niya na si Ann.
"Bakit Ann?"
"Pinapatawag daw po kayo ni Ma'am Jane doon sa office niya." ang senior manager nila ang tinutukoy nito.
Mula sa pagkakahalukipkip ay tumayo ng tuwid si Beverly. Tila naalarma. "Bakit naman daw?"
"Hindi po nasabi, eh."
Tumango siya saka ito pilit na nginitian. "Sige Ann, pupunta na ako doon." sagot niya kahit nagtataka. Wala siyang naisip na dahilan para ipatawag ng senior manager nila dahil natapos na niya ang lahat ng trabaho niya bago matapos ang week days. Siniguro din niyang walang mali sa mga report niya at lahat ay nasa ayos pati na ang mga importanteng papeles na papipirmahan.
"Bakit ka kaya pinapatawag?" agad na tanong ni Bev nang makatalikod ang marketing assistant.
"Hindi ko din alam eh." Kinuha niya ang bag at nagretouch. Ayaw naman niyang mag mukhang pinagsakluban ng langit at lupa kapag humarap siya sa senior manager nila kahit iyon pa ang nararamdaman niya.
"Ihahanap kita ng bahay ha." biglang sabi ng kaibigan na ikinalingon niya dito.
"Pero Bev-"
Maagap na itinaas ng kaibigan ang kaliwang palad nito tanda na pinapatigil siya sa kung ano mang ipoprotesta niya.
"Hindi ko tatanggapin iyang pag-tanggi mo. It's time for you to leave on your own, Angeline. Hindi ka naman kaagad lilipat doon. Basta ang importante ay may bahay ka ng malilipatan kapag naisip mo nang bumukod. Okay?"
Napabuntong hininga siya kapagkuwa'y tumango. Siguro nga ay tama ang kaibigan niya. Mas mabuting meron na siyang matitirahan kapag naisipan niyang umalis na sa kanila. Matagal naman na siyang nagtitiis sa ganoong sitwasyon. Tama lang naman siguro na isipin naman niya ang sariling kapakanan.
"Okay sige." aniya bago muling sinulyapan ang kaibigan. "Pero huwag iyong masyadong mahal, ha."
Nakita niya ang pagsilay ng isang ngisi kay Beverly. "Oo naman. Akong bahala!"
YOU ARE READING
Simple Limits
RomanceAt thirty, Masasabi na si Angeline ang buhay na patunay ng mga salitang "NBSB" o no-boyfriend-since-birth. Paano ba naman, busy na nga siya sa trabaho, busy pa siya sa pagpapaimpress sa nanay niya na walang ibang nakikita kundi ang bruhang kapatid n...