Kaibigan lang ba kita?
o mahal na kita?
alam kong hindi pwede
ngunit wala akong magawa
bakit ang gulo-gulo?
Mahal mo ba ako?
o umaasa lang ako?
Isa lang ba ako sa pampalipas oras mo?
O isa lang ako sa mga babaeng nagkakarandapa sa'yo?
Isa lang ba ako sa mga Assumerang Humahangad na mahalin mo rin?
Masakit? Oo masakit.
akala mo ba hindi ako nasasaktan kapag nakikita kitang nasasaktan dahil lang sakanya?
Buti pa siya mahal mo, eh ako kaya?
alam ko naman ang sasabihin mo saakin, "Syempre, Mahal din kita kasi kaibigan kita."
Lagi nalang.
Di mo kasi alam na mahal kita kaya hindi mo alam na kapag sinasabi mo yan saakin nadudurog ang puso ko.
Torpe kasi akong tao.
Natatakot kasi akong aminin yung nararamdaman ko para sa'yo baka kasi layuan mo ako, iwasan, at hindi mo na ako papansinin pa.
sino nga ba ako diba?
Ako'y isang hamak na kaibigan mo lang.
Tama, magkaibigan lang tayo at wala ng hihigit pa doon.
Asa kasi ako ng Asa na baka balang araw matutunan mo rin akong mahalin.
Kaya ako nasasaktan kasi umaasa ako sa mga bagay na walang kasiguraduhan.
sabi nga ng mga kaibigan ko saakin, "Ang pag-ibig ay parang hangin. hindi mo ito nakikita pero nararamdaman mo."
Eh parang kabaligtaran lang pala ako ng hangin.
Nakikita mo nga ako ni pisikal, hindi mo naman ako nararamdaman.
Hindi mo nararamdamang gusto kita.
Kasalanan ko bang minahal kita kahit alam kung hindi pwede?
Tao lang naman ako.
May puso para mag mahal.
Nasasaktan din kagaya ng iba.
Sino ba ang taong hindi makakaranas ng sakit at sakripisyo pag dating sa LOVE diba?
Uso naman ngayon ang mag paka tanga para sa taong mahal natin diba?
Kaya okay lang na marinig ko sa'yo ng paulit-ulit ang salitang "MAHAL DIN KITA KASI KAIBIGAN KITA."
Kahit masakit man ito sa part ko. tatanggapin ko parin 'to ng buong-buo dahil...
MAHAL KITA HIGIT PA SA KAIBIGAN.
BINABASA MO ANG
MAHAL DIN KITA KASI KAIBIGAN KITA (ONE SHOT)
FantasyUmaasang mamahalin mo din ako balang araw.. Umaasang mapapansin mo rin ako.. I'm a Simple person who hides a thousand feelings behind the happiest smile.