Magulo ang isip ko simula nung pumasok ako kanina sa office. Mula umaga ay wala akong tinanggap na kahit anong appointment para lang maisip ko ang dapat gawin. Even when Max knocked on my door to remind me it’s already lunch time, I didn’t budged.
Buong araw akong nakatingin sa papel na binigay ni Max sa akin. Halos makabisado ko na nga ang penmanship ni Max. At kung nakakatunaw lang talaga ang titig malamang ay natunaw na ito.
Kung iisipin mo ay okay naman ang mga nakasulat dito. But something inside my head tells me that it isn’t enough. Sure, I can make all these things possible. Pero basta, parang may kulang pa.
Think.
Think.
Think.
Argh. Giving up, I tear the paper into tiny pieces and put it in the trash can under my desk. Damn that checklist! Hindi ko kailangang sumunod sa isang pirasong papel. I’ll do this in my own way.
I grabbed my clipboard with some blank bond papers in it. I started scribbling all the things that comes to my mind.
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-
Pagkatapos na pagkatapos kong magsulat ay minasahe ko ang balikat ko. Nangawit kasi ito. Ikaw ba naman ang magsulat ng magsulat ng nasa isang posisyon hindi ka ba mangangawit? Masyado kasi akong absorbed sa ginagawa ko kaya ni magstrech ng likod ay di ko nagawa.
Binasa ko ulit ang mga sinulat ko. Sapat na sa akin ang mga ito. Sinara ko na ang clipboard at nilagay sa isang cabinet ng desk.
Napatingin ako sa glass wall sa likod ko na overlooking ang lake sa likod ng building namin.
Oh my. Gabi na pala? So ilang oras na rin pala akong nagsusulat? Daig ko pa ang isang writer ng novel na nagkukumahog matapos ang huling chapter para maipasa na sa editor niya.
Oh well, ganoon talaga siguro kapag gumana ng matino ang isip mo.
Gumala ang tingin ko sa desk ko. Gabundok na crumpled papers ang nakakalat. Isang rim ata ang naubos ko. Di bale, uso naman ang recycle sa office.
Isa-isa kong dinampot ang mga papel at isiniksik sa maliit kong trash can. Nagulat ako ng may kumatok sa pinto.
Gabi na ah? Sino kaya ‘to?
“Aren’t you done yet?” tanong ng taong nasa labas.
“Why?” Sagot ko. Pero di ko pa din binubuksan ang pinto.
“I’m worried. You haven’t eaten since lunch, baby girl.” He is worried about me. I smiled. Kaya mahal na mahal ko ‘tong lalaking ‘to eh.
I opened the door and in an instant he hugged me.
BINABASA MO ANG
The Sex Teacher
HumorSELENA'S POV Ilang taon na ang nakalipas pero di ko parin maiwasang maging bitter. Paano kasi di pa ko nakakaganti sa ginawa ng hayup na lalaking un! Sinira niya lang naman ang teenage life ko noh! Oh well, mali siya ng binangga! Kung dati di ako gu...