Chapter 23

542 25 8
                                    

A/N: Okay guys! bare with me please i crei huhu. Since BiGuel fanfic to, save the best for the last wait tama ba? sorry HAHAHA. So yun, pinakahuli ang BiGuel okay? labyu guys mwaaa! keep supporting! may Author's note ulit after this chapter again, sorry HAHAHA. So guys enjoy this chapter!

------------------------------------------------------------------------

Julie's POV

Hellooo guys! hahaha na-miss ko kayo grabe! anyways, nandito na ako ngayon sa school. Currently, naglalakad ako ngayon papunta na ako sa room namin. Nagkahiwa-hiwalay kasi kami nila Bianca nang mag ring yung bell meaning tapos na yung lunch break.

Naghu-hum pa ako habang naglalakad eh kasi naman naka-earphone ako! HAHAHA. At dahil nga naka-earphone ako at feel na feel ko yung tugtog may nakabungguan ako! sa kasamaang palad, lalake pa yung naka-bunggo ko kaya malakas ang impact.

"ARAAAY!" napasigaw ako dahil sa sakit ng bewang ko. "Ayy! hala miss sorry! tulungan na kita." sabi nung guy na naka-bangga ko. Kinuha ko naman yung kamay na nilahad niya.

"Uhh... Okay lang. Wala namang masyadong masakit saken." sabi ko habang pinapagpag ang palda ko. "Mabuti naman. Ako nga pala si Macky Anderson and you are?" sabi nung Macky? wait, Macky? Macky Anderson?

"Macky? Macky ikaw nga!" sigaw ko at napayakap ako kay Macky. "Ako to! Si Julie!" masayang bati ko sa kanya at saka naman siya natauhan. "Julie? ikaw na yan? hindi kita nakilala haha." sabi niya at yumakap pabalik. "Ang ganda ko no? okay corny haha." sabi ko at tumawa. "Yep. Gumanda ka lalo! naaalala ko pa noon sobrang dungis mo at nakikipaglaro ka pa ng tumbang preso sa amin! Hahaha!" sabi niya na nagpasimangot saken.

"Mackyyy! wag kang maingay baka may makarinig sayo ano ka ba!" saway ko sa kanya. "Eh ano naman haha! ang cute mo kaya noon--" hindi na natapos ni Macky ang sinasabi niya nang biglang may tumikhim sa likod ko. Pagkatalikod ko nakita ko si Elmo! hala!

"Uhh hiii Elmo! ahehe." sabi ko at awkward na ngumiti. Ang gulo ko rin! bakit naman ako magiging awkward? "Julie tara na, baka ma-late ka pa." bigla naman naging kalmado si Elmo nang kausapin niya ako. "Ahh sige. Wait! ipapakilala muna kita kay Macky!" sabay hila ko sa kanya.

"Elmo this is Macky my childhood friend ever since! at Macky this is Elmo, my friend." I heard Elmo 'tss' nung pinakilala ko siya. Wait, maysinabi ba akong mali? lumingon ulit ako kay Macky. "Macky by the way, ano nga pa lang meron at nandito ka sa school namin ngayon?" takang tanong ko sa kanya.

"Well, about that--" for the second time, naputol ang sinasabi ni Macky dahil nakita kami ng next teacher namin ni Elmo at pinapasok na kami sa room. I mouthed 'Talk to you later Macky!' ngumiti naman si Macky kaya nagtuloy tuloy na ako ng lakad. Napalingon ako kay Elmo na kasalukuyang lukot na lukot ang mukha.

"Anong ganap Elmo at ganyan ang mukha mo?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako tapos tumingin na ulit siya sa ibang direksyon at sinabing "Wala." tipid niyang sagot tapos iiling-iling pa. Anong problema niya?

Last period na namin at kasalakuyan kong inaayos ang bag ko since maaga kaming dinismiss ng teacher namin. "Julie! may naghahanap sayo sa labas! Macky daw." sigaw nung classmate ko tapos lumabas na siya. "ate Julie sino po si Macky?" tanong ni Bianky. "Oh yeah right! tara guys papakilala ko sa inyo si Macky!" sabi ko. Sumunod naman sila saken palabas ng classroom namin.

"Macky!" sigaw ko sa kanya. Napalingon naman siya sa direksyon namin. May kausap kasi siya sa cellphone niya sumenyas siya na saglit lang. Agad din naman siyang lumapit sa amin.

"Hi Julie, Hi Elmo." nakangiti niyang sabi since si Elmo pa lang ang kilala niya sa barkada ko. "Macky! may bago akong ipapakilala sayo! siya si Joyce, Lexi, Louise at Bianca! kami ang FAB5 dito sa school." sabi ko sa kanya. "Hello Macky ako si Bianca." sabi ni Bianky at nakipag-handshake kay Macky. "Hi. Joyce here." pagpapakilala ni Joyce.

"Lexi here." at nakipag handshake din siya. "Hey Louise here." at ngumiti lang siya. "Hi girls." nakangiting saad ni Macky. "Boys naman, sila si Derrick, Alden, Kristoffer at Miguel kasama si Elmo sila ang YOLO ng school." binati lang nila ng 'pre' o 'tol' si Macky.

"Uhm guys pwede hiramin ko muna si Julie? ako na maghahatid sa kanya sa bahay nila." sabi ni Macky tumango naman silang lahat bukod kay Elmo, seryoso anong problema niya?

"Uyy Macky bakit ka nga pala nandito? hindi mo natuloy yung sinasabi mo kanina eh." sabi ko kay Macky. "May ipapakilala ako sayo Julie dahilan nun kaya nandito ako ngayon sa school niyo." sabi niya at tumigil kami sa labas ng school namin.

May lumabas na isang cute na babae na naka one sided braid at sobrang palangiti. Ang cute cute niya! gusto kong kurutin cheeks niya! pero syempre wag na dahil unang una di kami close hahaha. Lumapit siya sa direksyon namin.

"Hi Mac! kanina ka pa naghintay? sorry." sabi nung babae at kumapit sa braso ni Macky. "Hmm hindi naman kakadating lang rin namin ni Julie. Nga pala, Julie this is Rachel Monteverde my girlfriend." wika ni Macky at tumingin kay Rachel at hinalikan ito sa noo.

"OMG! may girlfriend ka na pala Macky! Uhm Hiii ako si Julie!" sabi ko kay Rachel. "OMG ate Julie as in member po ng FAB5?" sabi niya bakas sa mukha ni Rachel ang pagka-amaze. "Oo. Ako nga." nakangiti kong sabi. "OMGGGG! FAN NIYO PO AKO OMAYGAD OMAYGAD." tila batang nagtatalon-talon si Rachel. Ahaha! ang cute niya.

"Woah Chel huminahon ka!" pagpipigil ni Macky kay Rachel. "Eh pano mo siya nakilala Mac?" tanong ni Rachel. "Childhood friend ko siya Chel, siya yung kinukwento ko sayo." sabi ni Macky. Hinampas ko naman siya. Ba naman! ikwento daw ba ako sa girlfriend niya? baka mamaya magselos pa itong si Rachel.

"Oh small world! HAHAHA ate Julie mall po tayo? para makapag bonding naman po tayong tatlo ni Mac." masiglang sabi ni Rachel. Pumayag na rin ako since wala naman akong masyadong gagawin. Tinext ko na lang si Mommy ko para sabihin na kasama ko si Macky. I'm sure matutuwa yun.

------------------------------------------------------------------------

A/N: 12:28 am! woohoo! hahaha so yun guys sana nagustuhan niyo itong chapter na to. Next update, idk sorry! haha labyu guys mwaaa keep supporting my story!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dream Guy (A BiGuel fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon