MYBFBF#1

3 0 0
                                    

The beginning...

Ako si Nadia Lustrevo, 16 years old. Marami akong pangarap sa buhay. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral.At magkaroon ng stayble na trabaho.

Gusto kong makarating sa Hong Kong Disney Land.Mapasyalan ang halos lahat ng tourist destination dito sa Pilipinas. Gusto kong yumaman,yung sobrang yaman.Para mabili ko lahat ng gusto ko at gusto ng pamilya ko.

At syempre kahit bata pa ako,gusto ko na rin magkaboyfriend.Syempre gusto ko gwapo,mayaman at may kotse.Para malibre ako sa pamasahe kada papasok ako sa school. Yung lalaking sobrang lambing at handang ipangalandakan sa buong South Zone Academy na ako lang ang babaeng mahal nya.

Pero isang araw may nakilala ako.

The First meeting.

NADIA

Sobrang haba ng pila ng mga estudyante, na magbabayad na ng tuition fee.

Badtrip.Kasi yung mga pesteng nasa higher year na pasingit ng pasingit ng mga kaklase nila.Unfair.Dahil  higher year,ubra na yon.Pwes kung ubra sa lahat,sakin hindi.

"Pare,pasingitin mo na ko.Kasi kailangan ko na talagang umalis.Please!"pakiusap ng isang gwapong lalaki sa kanyang kaklase na nasa unahan ko lamang sa pila.

Pero kahit gwapo sya.Wala akong pakialam.

"Hoy,Aba kanina pa kami nakapila dito.Tapos kayo nagsisingitan lang.Hoy ikaw kung nagmamadali ka,nagmamadali rin kami dahil halos kalahating araw na kami dito.Tapos ikaw instant isang kembot na lang enrolled na!"singhal ko sa tatlong  lalaki,at sa gwapong lalaki na nakapila na rin dahil sa pagpapasingit ng mga kasamahan nya.

"Sorry Ms. Importante lang talaga.!"pakiusap ng gwapong lalaki.

"No!"matigas kong sagot saka hinila sya palabas ng pila.

"Ms.First year ka pa lang maangas ka na! Pasalamat ka maganda ka!" Usal ng isa nilang kasamahan na di naman kagwapuhan.

"So?Dapat lang maging fair kayo sa mga lower year.Alam nyo bang sa inaakto nyo ay di kayo magandang halimbawa samin.Kaya sana di na maulit to!"sabi ko pa saka umismid sa kanila.

Nakapagbayad na ko,at sa wakas first year high school na ko.

Pakanta-kanta pa ko habang naglalakad sa hallway. Kaso napatigil ako sa isang eksena na nangyayari ngayon sa harapan ko.

"You're late.Sabi ko na nga ba hindi ka pa rin mapagkakatiwalaan.Pinagbigyan na kita Red,pero sinayang mo.Ayaw ko na.It's over.!"sabi nang babae sabay sampal sa mukha ng lalaking agad kong natandaan na sumisingit sa pila kanina.Mukhang malungkot ito,at halos mangiyak-ngiyak pa sa tinuran ng babae.

"Trix,I'm sorry.Let me explain!"pakiusap ng gwapong lalaki,nagtangka pa itong habulin ang babae.Kaso hindi na nya naabutan dahil agad nakasakay sa kotse nito,saka umalis.

Kaya pala sya nagmamadali kanina kasi binigyan na sya ng ultimatum ng girlfriend nya.Kaso dahil pinaalis ko sya ay hindi na sya nakaabot.Last day na rin kasi ng payment today,kaya di na nga talaga pwedeng ipagpabukas pa.

Di ako makapagpatuloy sa paglakad ko,dahil makakasalubong ko sya.At obviously masama ang tingin nya sakin.

"Naku Nadia,Ano ba tong pinasok mo!"bulong ko sa sarili ko,habang bahagyang sinabunutan ang sarili habang nakapikit.

Pero dinaanan lang ako nito.Di ko na sya nilingon saka nagpatuloy na lang ako sa paglalakad,takbo,lakad ang ginawa ko para lang makarating agad sa gate.

Sobrang lalim ng hugot ng hinga ko nang makarating ako sa labas ng gate.

Nagdecide akong maglakad-lakad na lang muna.Para makabili pa ng pasalubong ko sa kapatid kong bunso na si Tetay.

Pero habang busy ako sa pagmili ng ipapasalubong ko sa isang convenience store, paglingon ko malapit sa counter ay naroroon si gwapong lalaki.Kaya binitawan ko ang kinuha ko saka pasimpleng lalabas ng pinto na kung saan masmalapit sya.

Patakbo akong lalabas ng harangin nya ako.

"Oops,Where you going!?"maangas na tanong nito.Saka tinitigan ako,at nilapit ang mukha nya sa mukha ko.Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang paghinga sa mukha ko.Infairness hapon na pero fresh parin ang hininga.

"Ha?Wala pala kasi akong bibilhin.Excuse me!"sabi ko.Actually parang tinatambol ang puso ko sa sobrang kaba.

"Okay!"sagot ni gwapo sa akin.

Akala ko lulubayan na nya ako.Pero sinabayan nya ako sa paglabas.Saka hinawakan nya ako sa braso,papunta sa kotse nya. Sinubukan kong magpumiglas.

"Mag-uusap lang tayo.Arte mo!"bulong nito sa akin.

Pinasakay nya ko sa kwarto nya.

"Ano bang pag-uusapan natin?Eh hindi nga tayo magkakilala diba?Sino ka ba?Ano bang problema mo sakin!?"inis kong pahayag habang nakahalukipkip. Gosh! Ang puso ko para talagang tinatambol.

"Remember kanina sa cashier?Kung pinasingit mo ko.Edi sana kami pa rin ngayon ng girlfriend ko.Last chance ko na kasi yung kanina e.Kaso nawala na,dahil sa pagiging pakialamera mo.!"malumanay lamang na pagkakasabi ni gwapo.

"Kasalanan ko ba yon?Eh bakit kasi late ka na nagpaenroll?Saka di naman talaga fair yung makikisingit ka sa pila.Habang kami at yung iba nagtitiis don.!"pasigaw kong litanya muli.Saka umakto na parang nagdadabog na bata.

"May reason naman kasi.Sanay akong pumila roon,3rd year high school na ko.At naranasan ko yung pumila dyan ng halos maghapon tapos kapag turn mo na biglang cut off na.Kaya lang ako sumisingit kanina dahil may rason ako!"paliwanag ni gwapong lalaki.

Sa narinig ay hindi na ako nakapagsalita.Bagkus ay napayuko na lang.Bigla tuloy akong nakonsensya.

"Sige na nga,Sorry na! Dapat kasi sinabi mo kanina.!" Pahayag ko habang nakayuko pa rin.Saka pasimpleng nilingon sya.

"Kasi bawal nga.Rule yon ni Trix.!"saad muli ni gwapo.

"Ha?Grabe naman yang babae na yan.Pero yun nga.Okay na ba?Basta sorry na.!" sabi ko pa.

"Sorry lang?"tanong ni gwapo saka lumingon sakin.

"Bakit?Ano po ba dapat kong gawin?"kabado kong tanong.

"Tulungan mo akong balikan ni Trix.!" Walang kagatul-gatul na sabi nito.Ako naman ay agad napatas ang ulo saka lumingon sa gwapo nyang mukha.

"Paano!?"tanong ko.

Hindi nya na ko sinagot,basta tinanong nya na lang ang address ko para maihatid na pauwi.

"Okay na dito na lang ako!"sabi ko.

"Magkatabi lang tayo ng bahay,kami yung kalilipat nung isang araw.Kaya wala kang takas.Kailangan mo akong matulungan na maging kami ulit ng ex ko.Okay sige na,bumaba ka na!"pahayag ng lalaki.Akma na akong pababa ng kotse ng muli syang magsalita.

"Ako nga pala si Red.Ikaw?"sabi nito.

"Nadia,Sige Ingat!" Sabi ko na lang.Saka tuluyan ng bumaba sa kotse ni gwapo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My boyfriend is my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon