Ang kwento ng buhay ko

101 0 0
                                    

Sa totoo lang po mga readers bago ko po itype ang mga ito may mga ginawa po akong di kanais nais.

Matatawag ko ang sarili kong

BASTOS na DALAGA

Isip batang Dalaga

Simangot Girl

Mga salitang kahit papaano ay totoo naman talagang ginagawa natin.

'Mahirap mabuhay pero Masayang mabuhay'. Totoo naman po diba?

Sinabihan na nga rin tayo ng mga kapamilya natin ng masakit words dahil sa watty. Yun yung halos araw araw wattpad na lang tayo ng wattpad. Sasabihin nilang:

"Oh ano wattpad na lang ang atupagin mo."

"Tumayo ka na nga diyan. Tignan mo yung kapatid mo lang ang naglilinis ikaw ha, ano puro ka na lang wattpad ng wattpad."

Masakit ang masabihan ng mga salitang ganyan. Hindi ko naman po sinisiraan ang aking mga kapamilya sa mga naririnig ko sa kanila. Hindi ko rin naman po sila masisisi dahil totoo naman pong dakilang tamad ako.

'Dadadadadada puro na lang salita dada.-Lord Patawad.'

Marami sa ating nasa watty world ay aminadong natuto ng mga salitang di natin alam. Katulad na lang ng 'smirk' o 'pagngisi' na kalaunan ay hindi ko alam na ang ibig sabihin naman pala ay 'pagngiti na may halong pang aasar'. Minsan pa nga ay natuto na rin tayong mag english o mag mura ng 'fuck' 'damn' at iba pa. Mga salitang di kagandahan kung papakinggan.

Minsan nga ay nag search ako ng tungkol sa babasahin na may word na 'God'. Sinearch ko iyon para naman ako ay makapagbasa ng tungkol sa kanya ngunit ako ay nainis ng lumabas ang resulta ng aking sinearch. Lumabas ang 'sex goddess' 'sex god' at 'god of sex'. Tandaan sana nating iisa lang ang Diyos. Diyos ng pagtatalik? Naku eh di parang binastos na rin ng mga taong nag title ng ganyan ang pangalan ng iisang Diyos natin. Pero dahil sa ang demonyo ay nasa paligid lang, ako ay natuksong magbasa ng kwento non. Aaminin ko dahil yun ang totoo. Marami akong nalamang di kanais nais na gawain ng mga bida doon. Ngunit aaminin ko parin ako ay naantig. Oo marumi na ang utak ko. Aaminin ko dahil totoo.

Alam kong pinapanood tayo ng Diyos sa bawat kilos natin. Pero dahil sa di maiwasang tukso, nakakagawa tayo ng di kagandahan sa ating sarili. At kapag ginawa natin ang mga yung basahin sa huli naman tayo magsisisi. Naku ganyan talaga tayo noh? Ang bad bad natin.

Kaya sa readers ng mga story ni R.D. ang masasabi ko lang ay tinutukso at pinapahamak niyo lamang ang inyong sarili. Dahil ang mga ginagawa natin ay sinusulat ng isang anghel sa langit at dito tayo hahatulan ng Diyos kung anong mas marami nating ginagawa. Masama ba? O Mabuti?.

Maaaring marami sa inyo ang hindi maniniwala sa akin. Ngunit di ko naman kayo pipilitin. Dahil lahat naman sa atin ay may sari-sariling pananaw.

Laging tandaan:
Magbago ka na po bago pa mahuli ang lahat. Sumamba kay God ang nag-iisang Diyos. Yes, we are not perfect but just always do the right thing.

God & JesusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon