Nagsimula ang lahat sa isang liham para sa akin na may sulat-kamay ni Aurora. Noon ay bisperas ng pasko.
Wala akong alam sa liham na ginawa niya para sa akin. Nagkataon lang na pumunta ako sa kanilang bahay upang kumustahin sila. Nguni't hindi ko inasahan ang tagpong tinadtad nang saksak ni Agosto si Aurora. Tumambad sa akin ang duguang katawan ng kanyang kasintahan.
Sinabi ni Agosto na tatakas si Aurora at ako ang hihihintay niya. Nalaman niya iyon sa liham ni Aurora na hawak-hawak nito. Aniya, nagdilim ang kanyang paningin. Sinakal nang sinakal niya si Aurora hanggang sa malagutan ito nang hininga. Hindi pa raw siya nakontento at tinadtad niya pa ito nang maraming saksak sa dibdib kung saan naabutan kong nakahandusay sa sahig si Aurora.
Magkahalong kaba, takot at galit ang naramdaman ko nang mga oras na iyon. Alam kong ako ang susunod niyang puntirya. Kaya, hindi ako nagpakita nang anumang kaduwagan sa harapan ni Agosto. Hawak-hawak niya ang matulis na kutsilyong anumang oras ay itataga niya sa akin.
Inihanda ko na rin ang aking sarili. Bago niya ako sugurin ay inihagis niya sa akin ang isang lukot na lukot na papel. Nasalo ko ito pero hindi ko na muna tiningnan at binasa.
Pansin na pansin na kasi ang matatalim na titig nito. Kaagad akong inambahan nito ng saksak. Nakailag ako at sinuntok naman siya tagiliran. Nang namimilipit siya sa sakit, hindi ko pinalampas ang pagkakataong makatakas.
Hindi ako lumingon. Tumakbo ako nang tumakbo. Hanggang sa napadpad ako sa ilalim ng punong manggang una naming tagpuan ni Aurora.
Napasandal ako sandali. Huminga nang malalim. Umupo at isinandal ang katawan sa puno at binasa ang papel na initsa sa akin ni Agosto. Sumusunod sa sulat-kamay ni Aurora ang aking mga mata.
Mahal kong Eduardo,
Sumumpa ako sa kaibigan mong si Agosto na ako'y hindi kailanman makikipagkita sa iyo. Alam niyang may lihim parin akong pagtingin sayo.
Patawarin mo sana ako kung hiniwalayan kita noon. Mga bata pa tayo at masyado pang mapusok. Ngayong nasa tamang edad na, mahirap palang turuan ang puso.
Pinagsisihan kong naging kami ni Agosto. Oo, minahal ko siya. Natutunan ko siyang mahalin pero pinagkaitan niya ako ng kalayaan. Napakaseloso niyang tao.
Naranasan ko ang lupit nang kanyang galit. Isang beses, bumili ako sa tindahan sa tapat ng aming bahay. Bumili ako ng toyo at suka na gagamitin ko sa lulutuin kong adobong manok.
Hindi ko sukat akalaing binantayan niya pala ako. Ayaw na ayaw niyang nakikisalamuha ako sa ibang tao lalong-lalo na sa mga lalaki.
Pagdating na pagdating ko sa aming tahanan ay sinuntok niya ako sa sikmura. Sinampal-sampal ng ilang beses sa mukha. At ang masaklap pa, ang sukang puti na binili ko ay binuksan niya at ipinainom sa akin.
Akala ko katapusan ko na, pero nagising na lamang akong nasa ospital at iyak nang iyak. Mag-isa na lang ako sa buhay at wala ng pamilyang uuwian.
Nang gumaling ako, akala ko ay magbabago na siya. Nagkamali ako dahil isang gabing nagpapahinga ako sa aming kwarto ay naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang mga kamay. Hinipuan niya ako.
Bigla akong nagising. Pumalag ako pero tinutukan niya ako ng kutsilyo habang malaya ang isang kamay niya pagsakal sa akin.
Wala akong kalaban-laban sa kanya. Nagpaubaya ako sa takot na tuluyan na niya akong lagutan ng hininga. Kapag nagpupumiglas ako ay pinapakain niya ako ng iba't-ibang bagay na mahawakan niya gaya ng pira-pirasong papel.
Kaya heto ako ngayon, nagsusulat gamit ang lapis at papel upang ipaalam sa iyo ang sinapit ko sa piling ng iyong matalik na kaibigan.
Tulungan mo ako Eduardo. Ikaw lang ang tanging taong alam kong makakatulong sa akin. Gusto kong magkita tayo sa bisperas ng pasko.
Kung sakaling makatakas tayo ay sabay nating sasalubungin ang araw ng kapanganakan ng ating mahal na Panginoon.
Kung ano man ang pagkukulang ko sa iyo, sana mapatawad mo ako.
Hihintayin kita sa lugar kung saan ua tayong nagkakilala. Doon sa ilalim ng punong mangga.
Ps. Hanggang ngayon mahal pa rin kita.
Nagmamakaawa at maghihintay sa iyo,
Aurora
Parang gripong tuloy-tuloy sa pagpatak ang aking mga luha. Naihilamos ko ang papel na binabasa ko hanggang sa ito'y mabasa at mapunit.
Nagkamali ako sa paghabilin sa kanya kay Agosto. Dati na kasing lulong sa droga si Agosto. Binigyan ko siya ng pagkakataong magbagong buhay dahil tinamaan siya ni Kupido kay Aurora na noo'y akin nagkakalabuan na kaming dalawa.
Malaki ang ipinagbago ni Agosto dahil kay Aurora. At 'yun na nga, nahulog ang loob ni Aurora sa kanya. Ako na ang kumalas sa aming relasyon. Nagparaya ako.
Kung sana'y naipaglaban ko siya, noon. Naging masaya sana siya sa piling ko. Naging masaya sana kami.
"Alam kong dito kita matatagpuan, Romeo. Ito ang tagpuan nating tatlo kaya alam na alam kong mapapadpad ka rito."
Nang marinig ko ang boses na iyon, sumiklab ang galit ko. Lalo pa itong nag-apoy nang binigyan ako ng mala-demonyong ngiti ni Agosto.
"Hayop ka! Pinagkatiwala ko sa'yo si Aurora. Akala ko ay tuluyan ka ng nagbago. Iyon pala may nakatago pang santermo riyan sa katawan mo. Alipin ka pa rin ng droga, Agosto."
Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Agad ko siyang sinuntok sa panga. Nguni't ipinaglihi yata sa buwaya ang balat niya kaya hindi tinablan.
Buong pwersa kong sinangga ang bawat kamao niya. Nanghina ako. Natumba at tumihaya sa damuhan. Sinakal nang sinakal niya ako. Nang maramdaman niyang pumipikit ako, binunot niya ang punyal sa kanyang likuran at isinaksak sa aking dibdib. Bumulwak ang dugo sa aking bibig. Nagmamakaawa ang aking mata sa kanya pero nginitian niya lamang ako at inulit-ulit ang pagsaksak sa akin.
Sa bawat pagbaon at paghugot niya ng punyal sa aking dibdib ay ang unti-unting pagtigil ng tibok sa aking puso. Tumingala na lang ako sa langit hanggang sa maramdaman ko ang huling patak ng mga luha sa aking magkabilang pisngi.
Aurora, mahal pa rin kita. Sa wakas, makakasama na rin kita sa kabilang buhay. Mahal na mahal kita. Doon ay Malaya nating ipagdiwang ang araw ng kapaskuhan.
BINABASA MO ANG
Sakal
HorrorThis is my entry in @DeeJade_Barba Nitty Grity One Shot. This should be five hundred words, but I made it more than 500.