Kate's POV
After namin kumain ni Jaco naligo na ako.
Nagtext kasi si Justin na papunta na siya.
Nung nagreply nga ako ng maliligo pa lang ako ang reply ba naman sakin ay
"Nako patay! Maliligo ka palang? Tatlong oras akong maghihintay nyan! Pwedeng bilisan mo?"
Parang tanga lang! Ang OA ng tatlong oras niya. -_-
Pagkabasa ko nun, naligo na ako.
Di na ako nagreply.
Jaco's POV
Parang tanga si Kate.
Nangingiti habang hawak yung cp niya.
Bakit kaya?
At ano ang dahilan ng pag ngiti niya?
O s....ino?
Ano ba tong iniisip ko.
Para akong ewan.
Eh ano naman kung may ibang nagpapangiti kay Kate?
Anong magagawa ko?
Alangan namang pigilan ko siyang ngumiti ng dahil sa iba.
Ano ba to! Para akong tanga!
Nakita ko na nilapag niya yung cellphone niya at pumasok na ng cr.
Siguro maliligo na yun.
Dala niya yung tuwalya niya eh.
Edi malamang maliligo na nga siya.
Ay ewan ko!!
Napatinggin naman ako sa cellphone niya.
Aist! Ano ba tong iniisip ko!
Wag kang lalapit Jaco!
Wag kang mangielam ng bagay na hindi sayo!
Masama yun!
Pero parang hindi yun narinig ng kamay at paa ko.
Parang may sariling utak ang kamay at paa ko at ayun, kinuha nila ang cellphone ni Kate.
Pagtinggin ko,
Hindi ito naka lock.
At may nabasa akong text.
"Nako patay! Maliligo ka palang? Tatlong oras akong maghihintay nyan! Pwedeng bilisan mo?"
Nung tinignan ko yung sender
Justin Rivera
Siguro eto yung Justin na sinasabi niya kanina?
At siguro kaya siya naliligo dahil papunta na 'to?
At teka, ETO YUNG DAHILAN NG PAG NGITI NIYA?!
Gulat na tanong ko sa sarili ko.
Hala ang tanga ko lang sa part na yun.
Malamang eto nga.
Pero, anong nakakatuwa dito?
Eh naasar pa nga ako nung nabasa ko 'to eh?
Bat si Kate natuwa?
Hala, don't tell me....
Kaya natuwa si Kate kasi....
G....usto niya tong Justin?
Sa naisip kong yun, di ko alam kung bakit...
pero nanghina bigla yung tuhod ko.
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Lesbian
Teen FictionWhat if the one you hated the most is the one whom you'll love that much? What if the one whom you love is LESBIAN? Can you stand what other's think just for you to be happy? Will you fight just for your love for HER? This story is my Life. And it b...