Jaco's POV
Anong oras na wala padin si Kate.
Mag a'alas otso na.
Ano na kaya nangyari dun?
Masaya kaya siya na kasama yung Justin?
O baka naman napahamak siya? o.O
T-teka ano ba tong mga iniisip ko!
Buong araw ata si Kate lang ang iniisip ko.
Ano ba tong nangyayari sakin?!
Bakit puro yung masungit na babaeng yun ang iniisip ko?
Hay lumabas ako ng kwarto at bumaba para magpahangin at bibili nadin ako ng makakain kaso..
Nakita ko si Kate na bumaba ng kotse.
At may isang lalake siyang kasama.
Yun siguro yung Justin.
Ang gwapo niya at wala akong panama sakanya.
A-ano ba tong pinag iisip ko?
Eh ano naman kung gwapo siya?
Wala akong pake. Psh
Nang mapatinggin ako kay Kate,
Yung ngiti niyang yun.
Di ko pa yun nakikita.
Yung ngiti niya halatang masaya talaga siya.
Yung ngiting di niya pa napapakita sa akin.
Ewan ko pero, bat ganito yung nararamdaman ko?
Naaasar na naiinggit na di maipaliwanag.
Umakyat nalang ako ng kwarto..
At nagtalukbong ng kumot.
Matutulog nalang ako.
Kate's POV
Pag baba ko ng kotse ni Justin, nag usap lang kami saglit at nag thanks ulit ako sakanya.
At umakyat na ako.
Pagpasok ko, madilim.
Teka, si Jaco di ba takot sa dilim?
Binuksan ko yung ilaw at ayun, nakita ko siya sa kama niya na nakahiga.
Nakatalukbong pa ng kumot.
Ano kaya nangyari sakanya?
"Jaco, ok ka lang? Bat nakapatay ang ilaw?" Tanong ko agad.
"Masakit ang ulo ko." Matipid niyang sagot.
"Eh bakit kailangan nakapatay ang ilaw?"
"Basta." Sabi niya.
Teka ano ba nangyayari sakanya?
Para siyang ewan.
"Uminom ka na ba ng gamot?"
Tumango tango siya.
Lumapit ako sakanya.
"Taking pill isn't enough. Tara imamasahe kita."
Hindi siya umimik.
At di rin naman siya pumalag ng hawakan ko ang ulo niya.
Siguro sobrang sakit ng ulo niya.
Di naman kasi ganyan si Jaco na tahimik.
Ang ingay ingay kaya niya.
Nakatinggin lang ako sakanya
ng biglang nagmulat ang mata niya.
Yung mata niya, nakikipagtitigan sa mga mata ko.
At hindi ko malaman kung bakit,
di ko siya magawang tignan ng maayos.
Naiilang ako.
Kaya umiwas ako ng tinggin habang minamasahe ko ang ulo niya..
Ng may biglang kumatok.
At parang alam ko na kung sino.
Ganitong oras, sino pa ba ang kakatok dito?
At tama ako ng hinala.
Si Xiela.
"Bakit bes?" Tanong ko.
"Bes, dito ko ulit tutulog. Please?" Aba at nag puppy eyes pa ang bruha.
"Bes, may sakit si Jaco. Wag muna." Sabi ko.
Halata sa mukha niya ang pagkagulat.
"May sakit siya?!" Tanong niya na mejo napalakas.
Tumango nalang ako.
At siya, deretsyo pasok sa kwarto namin.
"May sakit ka daw Jaco? Ano ba masakit sayo?"
Si Jaco naman tinuro lang ang ulo niya.
"Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong ni Xiela na may pag aalala.
Tumango lang si Jaco.
"Hindi sapat ang gamot lang, let me massage you." Sabi ni Xiela.
Si Jaco, halatang gusto ng matulog.
"Bes, let Jaco sleep. Sa ibang araw ka nalang matulog dito, ok?"
Tuminggin sakin si Xiela at halatang nagmamakaawa ang itsura niya.
"Bes. Intindihin mo si Jaco, may sakit siya."
Yumuko siya at lumabas.
"Thanks. Sige matutulog na ako. Goodnight." Sabi ni Jaco at tinalikuran ako.
Ako naman, nag hilamos at nag palit lang ng damit para makatulog narin ako.
Napagod ako sa saya kanina.
Bati na sila mama at papa.
Thank God.
Napatinggin ako kay Jaco,
At sa di malamang dahilan parang gusto ko na yakapin siya.
A-ay ano ba to! Para naman akong ewan sa iniisip ko.
Matutulog na lang nga ako.
Pinikit ko ang mata ko.
At pagpikit ko, mukha ni Jaco ang nakita ko nung nakatinggin siya sakin kanina.
Yung mata niya.
Parang malungkot.
Bakit, bakit siya ganon tuminggin?
[A/N ok. Next chapter ulit :)]
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Lesbian
Novela JuvenilWhat if the one you hated the most is the one whom you'll love that much? What if the one whom you love is LESBIAN? Can you stand what other's think just for you to be happy? Will you fight just for your love for HER? This story is my Life. And it b...