"Hyung(Kuya)! Gising! Ang sama yata ng panaginip mo."
Agad na napabalikwas si Joshua dahil sa sigaw ng kapatid niya na si Woozi.
Pawis na pawis si Joshua at halatang kinakabahan. Inabutan naman siya ni Woozi ng panyo at tubig.Umupo siya sa higaan ng kaniyang kuya.
"Hyung, anong napanaginipan mo? Mukhang masama yun ah." Tanong ni Woozi sa kuya niya.
Huminga muna ng malalim si Joshua at nagsimulang magsalita.
"Hindi ko ma-explain ng maayos. Ang alam ko lang, sumasanib ako sa mga kaklase ko para lang makita ang mga sagot nila. Tapos, isusulat ko ang nakita ko sa papel ko para hindi ako bumagsak sa test." Pagpapaliwanag ni Joshua sa kaniyang nakakabatang kapatid.
"Eh? Hyung, ibig sabihin, yun yung paraan mo ng pagkopya? May kapangyarihan ka?" Nalilitong tanong ni Woozi.
"Oo? Hindi ko alam. Siguro nga kapangyarihan ko yon, sa panaginip lang." Ani Joshua.
"Bakit naman kabadong kabado ka nung nagising ka?" Tanong ni Woozi.
"Nung sumanib kasi ako sa isang kaklase ko, hindi na ko makaalis sa katawan niya. Natakot ako dahil hindi ko na kayo makikita." Joshua.
"Sino yung classmate mo na iyon,hyung?" Woozi.
"Si Suho, yung pinakamayaman sa amin." Joshua.
Napakunot naman ang noo ni Woozi. Halatang interesado siya sa panaginip ng kuya niya.
"Tapos anong nangyari, Joshua hyung?" Woozi.
"Ayun nga, hindi na ako naka-alis sa katawan niya. Hanggang dun nalang." Joshua.
Medyo nalilito pa si Woozi sa mga naikwento sa kaniya. Maya-maya nagsalita siya.
"Astig naman nun hyung! Sana magkaroon ka rin ng kapangyarihan!" Woozi.
Ipinatong ni Joshua ang kamay nito sa ulo ng nakababatang kapatid at ngumiti.
"Ang imahinasyon nga naman ng mga bata. Osya, maligo ka na. Malapit nang maghapon eh." Joshua.
Tumango naman si Woozi at agad na tumakbo papuntang palikuran.
Tumayo na si Joshua mula sa kaniyang pagkaka-upo. Sa sofa lamang siya natulog. Biglang may kumatok sa kanilang bahay at lumapit naman siya upang buksan ang pintuan.
"Anak."
Gulat na gulat si Joshua sa nkita niya. Narito na kasi ang ama niya na mula pa sa ibang bansa. May dala itong plastik at bag.
" Itay, napaaga yata ang uwi niyo."
Sabi ni Joshua sabay nagmano sa ama.Pumasok ang kanyang ama at umupo sa sofa kasama si Joshua.
"May kaunting problema hijo. Nasaan nga pala ang kapatid mo?"
"Naliligo po--"Joshua.
"Itay?!" Woozi.
Tumakbo si Woozi at niyakap ang ama sabay nagmano.
"Ang laki mo na. Eto oh, mga tsokolate, paghatian niyo yan ah."
Ibinigay ng ama ang plastik kay Woozi at manghang-mangha naman ang bata.
"Wow tay! Masasarap ito!" Woozi.
Hinati ni Joshua ang mga tsokolate. Inalok pa nito ang ama ngunit tumanggi lamang ito.
Nagulantang ang maga-ama ng may sirena ng pulisya ang kanilang narinig sa tapat ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
Nakaw Na Piso (One Shot)
Short StoryYung akala mo sobrang yaman mo na dahil sa kapangyarihan mo na maglaan ng pera. Nakaw pala lahat yun. Pero nakaw nga ba? O, nahihibang ka lang talaga?