SECRET (Oneshot)

29 2 0
                                    

....Thank you din pala dahil kahit nalaman mong may gusto ako sayo, kinakausap mo parin ako. Sana balang araw makilala mo na ako, kahit sa totoo eh kilala mo naman ako pero di mo ako kilala na nag bibigay ng mga letters sayo. Ingat ka lagi! :)

-Ms. 8442

P.S. Mahal kita :D

--------------------------------------------------

Pag kasulat ko nung letter na ginawa ko, ay tinupi ko agad ito at pumunta sa mga locker ng mga grade 8. Pag kakita ko ng locker 'niya' ay ipinasok ko agad ang letter sa may locker niya. At nagmadaling makaalis doon.

Pero maya maya ay nabangga ko 'siya' dahil nga sa pag mamadali ko.

"Oh, Chelsea? Okay ka lang ba?" tanong 'niya'.

"Ah eh, O-oo, oo. Okay lang ako, sige ma una na ako, bye!" sabi ko at tumakbo na paalis sa lugar na iyon.

Ay! Nakalimutan ko pala mag pakilala dahil sa paggawa ko ng ano, ah eh. Basta yun! Ako nga pala si Chelsea, Chelsea Gomez. Grade 7, nag aaral sa KG University. So... yung ginagawan ko ng letter? Siya si Joshua Dizon, my long time crush. Grade 8. Crush ko siya since nung grade 1 pa ako. Yep, close kami. Best friends kami, pero siyempre di niya alam na may gusto ako sa kanya. Ganon naman talaga diba? Pag gusto mo yung best friend mo, palihim mo nalang siya minamahal dahil ayaw mong mag bago yung pakikitungo niya sayo. Ayaw mo siyang lumayo o umiwas.

Habang papunta na ako sa Classroom namin, naalala ko nanaman yung nangyari kanina. Grabe, ganon na ba talaga? Ganon na ba talaga ako kalala? Mahal ko na ba siya talaga? LOL, MUKHA NA AKONG BALIW SA INIISIP KO.

Natapos yung dalawa naming subjects ng di ko namamalayan. And of coarse, I'M SO EXZOOIIITED! Sabay kaming kumain.

"Ehem, narinig lang nag bell, nag ningning na agad mata mo. Excited ka lang kasi makasabay siyang kumain eh." sabi ng kaklase ko na si Angelica.

Nagulat ako ng biglang sumabat yung buong klase ng "OO NGA!!" Pinag tutulungan ako? Ganern? By the way, alam pala ng buong klase na may gusto ako sakanya. Bilis sumagap ng balita eh. LOL HAHA!

So ayun, di ko nalang sila pinansin at nagmadali na akong bumaba papunta sa canteen.

Agad ko naman siya nakita, kaya agad ko din siyang nilapitan.

"Hey" -ako
"Hey, so ano gusto mong kainin?"-'siya'.

"Uhh, kahit ano, katulad nalang ng sayo" sabi ko at humanap na ng mauupuan.

"Sige, hintayin mo nalang ako"-'siya'
Lagi naman akong nag hihintay eh - sabi ko ng pabulong.
"Ano yun?" -Joshua
"Wala" sabi ko, akalain mong bulong nalang, narinig pa niya? Ayun, umalis na din siya agad.

Nag hintay ako ng ilang minuto at dumating na din siya. Habang kumakain ay nag kwekwentuhan na din kami. Ng biglang tinanong niya ito: Sino crush mo?

Sinabi ko nalang "Secret". Di naman na din niya pinilit itanong yun ng sabihin naman niya to.

"Nasabi ko na ba sayo na may nag bibigay ng Letters saakin?" tanong niya.

"Wala pa nga eh, so ano? Sino siya? Who's the girl?" tanong ko bigla.

"Bakit may Who's the girl, who's the girl ka pang nalalaman? may sinabi ba akong LOVE letter?"-Joshua

Hala, ipit na ako, bakit ko ba kasi na tanong eh?! bwisit naman. sabi ko sa isip ko.

"Anong ipit ka na?" tanong niya bigla.

"Nasabi ko ba ng malakas?, basta Secret, ako naman mag tanong, sino crush mo?" tanong ko.

" Secret" sabi niya naman. Pareho nalang kami ng sagot ng 'Secret' eh.

"Bakit Secret?" tanong ko.
"Kasi Secret nga" -siya
"Kasi?"'-ako
"Basta Secret" -siya
"Eh sino nga muna crush mo?" -siya
"SECRET NGA EH!" sasabihin ko lang dapat yun pero nasigaw ko. And FIRST TIME ko siya masigawan ng ganon.
"Huy, sorry na" sabi ko. " Oh sa tingin mo, sino nalang yung nag bibigay ng letters sayo?" yun nalang tinanong ko.
"Secret" sabi niya.
Puro secret nalang ng secret, bwisit na secret yan ah, porque crush ko siya pwede niya na akong ganyanin? NO WAY! sabi ko sa isip na parang baliw na ako.

"Sige na nga, nag tatanong ka diba? tanong mo sino yung crush ko at sino sa tingin ko yung nag lagay ng letters sa locker ko? Eto yung sagot ko...
.











.


















.


















.

Yung nag sasabi ng Secret, ngayon ngayon lang

at










.








.







yung bumubulong sa sarili niya.



.




.
















sa tingin ko nga di na crush yun eh, kundi.






.



.









.



sa tingin ko, mahal ko na din siya" sabi niya.

" Ahh, okay. So Sino nga??? kulit naman oh." sabi ko pero parang hanggang ngayon loading parin yung utak ko.

"Di mo parin kuha? Ikaw yun! Ikaw yun Chelsea Gomez!" sabi niya.

ok wait lang 99% na, tapos error.

"Huh?" sabi ko nalang.

wait 50%

75%




80%



98%

100% complete.

"ANO?!! AKO? AKO YUNG CRUSH MO???!!" Na sigaw ko nalang. grabe, just GRABE!!! G R A B E.
OMG! OMG! OMG! *inhale *exhale.

"Soo, alam mo na ako yung nag lalagay??" tanong ko ng mabilis.

"Na ano? Na ikaw yung naglalagay ng letter sa locker ko? Oo alam ko, bakit? P.S. Mahal kita pala ah? haha Mahal din kita :)" sabi niya na nag patahimik sa akin.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
LOL Alam ko ang corny hahaha pero hayaan na. Btw thank you pala sa mga nag basa parin ng story ko :).

SECRET (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon