Nandito na naman ako sa usual na tambayan ko. Patuloy na nakatingin sa langit. Haaaay.
" Haaaay. Sana magkagusto din siya sakin. " sabi ko sa ate ko.
Nasa sementeryo ako ngayon. Patay na kase ang ate ko. Namatay siya sa isang car accident 3 years ago.
Ako nga pala si Katelyn Mendoza. 16 years old at 4th year highschool sa isang public school.
" Ate, ayoko na. Di naman kami close pero. Hayst. Di ko alam kung bakit ganito kalakas ang tama ko sa kanya. " patuloy na sabi ko.
Napansin kong mag gagabi na kaya nag ayos na ko ng aking sarili bago magpaalam kay ate.
" Ate, alis na ko ah. May gagawin pa kase akong mga assignments. Basta promise ko bukas babalik ulit ako dito. At magkukwento ako sayo. " sabi ko.
Tumayo na ko. Nang paalis na ko. May nakita akong lalaki. Nacurious ako sa kanya kaya nagtago ako sa isang puno malapit sa kanya.
Hala! Si Zack yun ah! Anong ginagawa iya rito? Si Zack ang tinutukoy kong lalaking mahal ko. Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya. Patuloy ko siyang pinagmasdan.
" Achuu! "
Kung minamalas nga namn oh. Ngayon pa ko nabahing! Lagot ako neto.
" Sino yan? May tao ba diyan? " tanong niya.
Inayos ko ang aking sarili habang nagtatago. Nang biglang...
" Anong ginagawa mo diyan? " tanong ni Zack.
" Ay shokoy! " nagulat kong sinabi.
" HAHAHAH! Ang cute mo palang tingnan pag nagugulat ka. " sabi ni zack.
Pano niya nalaman na nandito ako?
Bumalik na ito sa wisyo at muling ngumiti sakin.
" Alam mo di ka marunong mag tago." Sabi niya bigla. Marahil mukhang nababasa niya ang utak ko.
Pero kahit saang angulo siyang tingnan ang gwapo niya parin.
" Tara na, hatid na kita sa inyo. " sabi niya ulit.
Habang naglalakad kami ay nagkukwentuhan kami.
" Alam mo may gusto ako sa isang babae. Kaso hindi niya ata ako gusto eh. Gustong gusto ko siyang kausapin pero di ko magawa. " panimula niya.
" Ganun? Ang tanga naman nung babae. Sa gwapo mong yan? " sabi ko.
Kung alam mo lang. Ikaw yung tinutukoy ko. Sana mahal mo rin ako.
" Ha? May sinasabi ka ba? " tanong ko.
" Wala. HAHAHA. Ikaw? Magkwento ka naman! " sabi niya.
Gusto kong sabihin sayo na mahal kita? Kaso pano? May iba kang gusto.
" May mahal ako. Kaso di kami close eh. Di rin kami masyadong nag uusap. Pano ko siya naging mahal? Ewan. Simula grade 7 crush ko na siya eh. " sabi ko.
" Wow. Ang tindi mo naman. " sabi niya.
" Wala naman akong magagawa eh. Sa kanya lang tumitibok ang puso ko. Kahit anong gawin ko. " sabi ko.
Sana ako na lang siya.
" Ha? Anong sinabi mo? " pagtatanong ko.
" Alam mo, kung ano ano ng naririnig mo. Mabuti pa, ituro mo na lang ang daan patungo sa bahay niyo. " sabi niya.
At yun, naglakad na lang kami. Walang umimik saming dalawa. Ewan ko ba. First time kase to eh. Dati nakakausap ko lang siya, kapag may itatanong ako kung anong gagawin namin sa mga projects, activities or reports namin.