Hi Miss! [One Shot]

62 1 2
                                    

Hi Miss!

written by: Suddenblisss

***

Hi \'hì(-è)\

-used especially as a greeting.

Yan ang sabi sa dictionary. Kung bakit may ganyan?

Wala. Trip ko lang. ^___^

Ako si Sheena. Ang nag-iisang dyosa na anak ng nanay at tatay ko.

Malapit na ang pasukan. Ilang kembot na lang.. gigising na naman ako ng maaga. Pero hindi na tulad ng dati na ilang tumbling lang e nasa school na agad ako. Kahit na gumising ako ng 30 minutes bago mag-bell keribells pang hindi ma-late.

Noon kasi yun..

Nung 4th year high school pa ako.

Syempre graduate na ang kagandahan ko sa high school. Move on move na ang peg ko. Good bye na sa blue and white na uniform ko na long sleeve pa na akala mo fully-airconditioned ang mga classroom nila. (__")

Kasi 1st year college na ako! Hello mas malaking baon. Sa uniform na hindi long sleeve, sa fully-airconditioned room. Mas malaking school na ang papasukan ko kaya university is the right term! At syempre say hello na rin ang kagandahan ko sa mas madaming gwapong nilalang. ^0^

Pero bago ang excitement sa pagbo-boy haunt---este...pagpasok sa university. Bili bili din ng mga gamit na kailangan. Madami kasi akong dapat bilhin. Medyo malayo ang university na papasukan ko sa bahay namin kaya minabuti ko ng mag-dorm. Yung tipong ilang tumbling lang din ang kailangan at nasa school na ako.

Okay lang naman daw kina Mama at Papa na mag-dorm ako. Kahit na far far away sa kanila. Hu. Mami-miss ko sila.

TTOTT

Siguro naman mami-miss din nila ako?

Wala ng taga-hugas ng pinggan kada tapos nang kumain. Wala ng taga-saing ng bigas bago mag-alasais ng hapon. Wala ng taga-luto ng almusal nila. Kumbaga sa katulong, e all around ako.

Ikaw ba namang magkaron ng kapatid na nuknukan ng katamaran! Pasalamat sila mabait at maganda ang ate nila! ^_____^

So eto nga, pupunta ako ngayon ng mall. Ang pang-masang mall, SM.

Yan lang naman kasi ang pinakamalapit na mall dito sa amin. Yung dun mo talaga makikita ung mga kailangan mo. Sa ibang mall kasi hindi kumpleto eh. Walang wafuu. -___- wahehe. Joke langs!

Sumakay ako sa mala-roller coaster na jeep papunta dun. Kung anong kinaayos ng buhok ko pag-alis ng bahay. Siya namang kinagulo ng buhok ko pagdating dito sa SM. Kaya ginamit ko na munang suklay ang mga daliri ko.

Pero bago ako bumaba... binigyan ko muna ng death glare si manong driver na pangarap atang maging operator ng roller coaster balang araw. Umiwas naman siya ng tingin.

Pagkapasok ko sa mall, dumiretso na muna ako ng C.R para naman makita ko ang itsura ko sa salamin.

OH MY G--anda ko talaga!! ^______^

Pero sa isip ko lang yan nasabi. Mahirap na.. maraming insecure sa mundo!

Dumiretso na ako sa national para bumili ng mga kailangan ko..

Notebook..

Ballpens..

Pencil..

Calculator..

at ung mga kailangan ko nga. XD

*beep beep* (text yan hindi busina.)

1 message received

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hi Miss! [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon