TULA 9: Tinulak-tulak, Niyakap-yakap

53 8 2
                                    

Isang araw

nagulat ako

nang sinabi niya

na tumigil na ako

sa panliligaw

sa kanya


Hindi ko alam kung bakit

Ayaw niyang sabihin kung bakit


"Ganoon na lang ba iyon?"

sabi ko.

"Bakit ba?

Ano'ng problema?"


"Wala.

Walang problema.

Basta,

tumigil ka na!"


Pakiramdam ko

para akong nakatayo

sa buhangin

na kung itutulak

ay tila mahuhulog sa bangin


"Hindi ako ganoon.

Hindi ako titigil

nang gano'n-gano'n lang."


Pumatak

ang kanina pang nangingilid

na mapait na tubig

mula sa kanyang mga paningin


"Gusto kita.

Pero hindi ka gusto

ng mga magulang ko."


"Pero ako,

mahal mo ba ako?

Alam kong mahal mo na ako.

Mahal mo ako.

Sabihin mong mahal mo ako."


Hinintay ko siyang sumagot

Ngunit siya'y bahagyang yumuko

Namagitan

ang katahimikan

sa aming dalawa


Hinintay ko pa

ang sagot niya

Subalit

mukhang gusto niya

na ako'y umalis na


Tumalikod ako

Naglakad palayo

Ngunit ilang hakbang pa lang

ang nagawa ko

naramdaman ko

ang yakap niya

mula sa likuran ko


"Oo!

Oo, Raffy.

Mahal kita.

Mahal na mahal kita."


Humarap ako

Niyakap ko siya

Sandali lang ay naramdaman ko

kaagad

ang mga kamay niya

sa likod ko


"Salamat, Rose Marie.

Asahan mong nandito lang ako

palagi.

Mahal na mahal kita.

Hindi kita ipagpapalit."


"Ayaw ko sanang suwayin

ang mga magulang ko.

Pero ano'ng magagawa ko?

Nasa iyo na rin ang puso ko."


"Alam ko,

mga bata pa tayo.

Parehong nasa unang taon

sa kolehiyo.

Pero mukhang

hindi ko kayang

pigilan ang aking sarili.

Saksi

ang sementadong upuan,

ang puno

na ating sinisilungan

dito sa walang taong bahagi

ng pamantasan,

pati

ang asul na langit

na may mapuputing ulap,

nais ko

na gawin ito."


Mga labi ko

ay aking idinikit

sa mga labi niyang maninipis

Mga mata namin

ay halos sabay na pumikit

Mga labi namin

ay sabay na gumalaw

Sabay na gumanti

Pinagsaluhan ang tamis

ng unang halik


Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon