Chapter 13-- My friend
Kamille’s POV
“Christine!” ang aga-aga, sumisigaw na agad ako sa school. Haha. Pagkakitang-pagkakita ko sa kanya, tumakbo agad ako papunta sa kanya.
“O bakit? Ano meron? Bakit ka tumatakbo?” nag-aalalang sabi ni Christine na kadarating pa lang ng school
“Aabsent daw si Dylan? Bakit?” sabi k okay Christine ng medyo hinihingal-hingal pa
“Kala ko kung anong nangyari! Hehe. Uhm, tumawag siya kanina. Nasa ospital daw siya.” Bigla naman lumungkot yung mukha niya. Ganun din naman ako.
“Eh bakit daw?”
“Eh kasi may sakit daw siya. Ayaw nga sabihin kung ano eh. Lagnat lang daw.”
Sobra naman ako nag-alala. Napaka-sakitin kasi nun eh. Kung matatandaan niyo, sa mga naunang chapter, nagkasakit na siya. Dati nga five times siyang na-ospital sa loob ng isang school year. I don’t know kung ano sakit niya, lagi niya din kasi sinasabi na lagnat lang daw yun.
“Uhm, Kamille, pwede ba natin siya puntahan mamaya?” tanong sa’kin ni Christine
“Oo naman! Kita tayo mamayang hapon ha? Pakitanong na din pala kung saang ospital at kung anong room. Thanks! Balik na ko sa room ha!” sabi ko kay Christine.
Sa totoo lang hindi ako makapag-concentrate sa pag-aaral kasi iniisip ko talaga yung condition ni Dylan. Hindi naman siguro basta-bastang sakit yun at kailangan pa siya ma-ospital di ba? Haay, buti hindi ako napapansin ng mga techers na medyo tulala. Wala din kasi ako seatmate eh. Kung sinu-sino tuloy tumatabi sa’kin. Sila Kariz at iba pang mga classmates na, uggh, alam niyo na?
Noong recess time, naisipan namin na sumama kila Shiela, kahit na alam ko na may posibilidad na sermunan na naman ako ni Shiela..
“Te, pagawa nga nitong assignment ko sa Math, please lang. Mamaya na yan after ng break eh.” Sabi sa’kin ni Aira.
“Ay oo buti naalala mo, kokopya na lang ako sayo mamaya ha?” sabi naman ni Erica.
“Pero bago ‘yan, bilhan mo muna kami ng pagkain. Nagugutom na ko.” Saad naman ni Shiela.
Kaya naman hindi pa ko nakakaupo sa may canteen ay dumeretso na ko sa tindahan at binili ang mga inutos nila.. Sinamahan naman ako ni Christine para daw hindi masyado mabigat ang mga dala ko. Haay, ang bait talaga nito. Sabihin na nating hindi siya ganun katalino, pero bawing-bawi naman sa ugali niya.
“Anong balita ha?” bungad sa’kin ni Shiela pagkaabot ko nung pinabili niyang sandwich saka juice
“Ah, ano. Malapit na.” malapit na malapit na kasi talaga eh.
“Last year ko pa naririnig yang malapit na ha. Wag mo ko punuin Kamille.” At nagsisimula na naman mairita si Shiela.
“Uhm Shiela, may tanong lang ako. Paano pag sinabi niyang mahal ka na niya?” kahit masakit mang isipin, kailangan maging ready ako kasi yun naman talaga ang mangyayari
“Bobita ka ba o ano? Syempre pag mahal niya ko kikilalanin niya kung sino talaga ko. At magiging boyfriend ko siya, at tapos na ang mission mo.” :))
Pagkatapos? Magpapanggap siya forever na siya ang nag-effort para kay Errol? Haaay. Ni wala nga siyang alam sa mga ginagawa ko eh. Pero para naman to sa grupo. Kaya, pwede na din.
BINABASA MO ANG
My Love Messenger (ONGOING)
Teen FictionAng so-called "Nerd" ay binigyan ng mission: ang maging Love Messenger. Pakibasa na lang yung Prologue. :)