Chapter twelve
Itinapon po talaga niya ko mga kaibigan. Pasalamat na lang ako malambot itong binagsakan ko. Medyo lumihis pa ang suot kong dress ng bumagsak ako sa ibabaw ng kama.
" view baby" he said while a big grin on his lips form.
"tengene mo talaga Salazar, manyakis ka talaga, mamatay ka nang hayop ka"
"sorry sweetheart di pa pwede,ayokong makitang umiyak ka eh!" nakangising saad nito.
"hinding hindi kita iiyakan, magpapa fiesta pa ko kapag nangyari yun"
"sabi mo eh!"Russel
"i hate you Russel Salazar"
"i love you Mrs. Salazar" saad nito habang hinihilot ang balikat.
" ang bigat mo na,kailangan mo na magdiet" dagdag pa nito.
Sarap niya talagang patayin eh! Umikot ang mata ko sa paligid pagkatapos kong maayos ang upo ko sa kama.
Wala na ba itong gagawin at sasabihin kundi ang pintasan ako.
"hindi ko hinihingi ang opinyon mo,katawan ko to kaya wala kang pakialam "
Ngumisi ito at baliwalang naglakad papunta sa isang pinto sa kanan.
Nagulat naman ako ng masilayan ko ang loob ng silid na iyon. Isa itong walk-in closet na may malaking salamin sa gawing kanan ng kwarto.
Naulinigan kong may sinasabi ito ngunit hindi ko maintindihang masyado yung binulong niya.
Ngayon ko lang talaga pinagsisisihan na pumunta pa ako sa reunion na iyon. Ito tuloy ang nangyari sa akin.
Bakit ba kc pumunta pa ako. Tama na nga ang katatanong ko sa sarili ko,nagmumukha na kong tanga eh! Kailangan kong gawin ngayon ay tumakas. Nagawa ko na ito noon at kaya ko ulit gawin yun ngayon. Kailangan ko ng magandang plano kung pano ako makakatakas sa bahay na ito ngayong gabi. Gusto ko ng umuwi. Kalma lang ashley, hindi ka makakapagisip ng maayos kung uunahan ka ng takot sa kanya.Lumabas ito ng walk-in closet at dideretso na sana ito sa isa pang pinto na ang hula ko ay ang comport room ngunit tumingin muna ito sa gawi ko.
"don't you dare try to scape sweetheart kc kapag nahuli kita......" masama ang tingin na sabi nito.
Ayan na naman yung tingin niyang yan. Nakakatakot,para bang kaya niyang pumatay kapag hindi mo siya sinunod. Nakakapanginig ng buto at pakiramdam ko pinagpawisan ang palad ko ng dahil lang sa tingin na yun. Kahit siguro si Satanas matatakot sa tingin na yun.
Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya kaya wala akong nagawa kung hindi magbaba ng tingin.
Nasaan na ang pinaghirapan ko noon. Nawala lang sa isang tingin na yun. Ang sabi ko noon hindi na ko magpapadala sa takot na nararamdaman ko sa kanya.
"good,your my wife so whether you like it or not dito ka lang." dagdag nito.
Bipolar ba siya? Kanina lang pinipintasan pa lang niya ko tapos wala pang isang minuto mabangis naman siya. Alam kong may mali sa kanya. Pero ano yun?
Dumeretso na ito sa banyo. Narinig ko na lang ang lagaslas ng tubig. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa kama. Inalis ko ang suot kong shoes at dahan dahang lumapit sa pinto ng kwarto. Ito na lang ang nakikita kong pagkakataon upang makatakas.
Lumingon ako sa pinto ng banyo ng malapit na ako sa pinto. Ito na,konti na lang
Makakalaya na ulit ako.Nang makalapit sa pinto, hinawakan ko na ang siradora at dahan dahan itong pinihit. Ngunit walang ngyari sa pagpihit ko ng knob. Nakalock ba ito? Hindi ko naman narinig na nilock niya ito kanina eh!. 'shit' di ko mapigilang magmura sa isip ko. Inulit ko ng inulit ang pagpihit sa door knob baka sakaling bumigay ito pero walang nangyari.
Nilingon ko ulit ang pinto. Malapit na siyang matapos. Anong gagawin ko ngayon? wala na kong pagasa na makatakas dito.
From all the frustration that i had basta ko na lang binato ang hawak ko pa ring sapatos. Gusto kong sumigaw para mawala ang panlulumong nararamdaman ko. Tumakas na lahat ng lakas ko sa katawan at nanghihina akong napaupo sa harap ng pinto. Kahit pinipigilan kong lumabas ang mga luha ko, nagpumilit pa rin silang lumabas. Para itong may mga sariling buhay na nagunahan sa pagpatak. Matagal na panahon na rin na may lumabas na luha sa mata ko. Nagpatuloy ang mahina kong pagluha sa lugar na iyon.
Narinig kong nawala na ang lagaslas ng tubig. Hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy lang ang pagiyak. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo na sinundan ng paglabas ng taong my kagagawan ng paghihirap kong ito.
Lumabas itong nakataping towel lang ang nakasuot sa bewang nito. May hawak itong isa pang towel na pinangtutuyo sa basa pang buhok nito. Ito siguro ang dahilan kaya hindi niya pa ako nakikita sa may harap ng pintuan.
Sa sobrang galit ko sinugod ko ito ng suntok, sampal at kung ano ano pang pwede kong gawin.
"hayop ka talaga," lumuluhang sabi ko. Patuloy pa rin ang sampal at suntok na pinapakawalan ko. Sa pagkabigla nito ay hindi agad ito nakapaghanda ng gagawin kaya tumatama pa ang mga suntok at sampal ko.
"hindi ka pa ba kuntento na hindi naging masaya ang buhay ko, wala kang kasing sama" nagwawalang sabi ko. Noon lang ito nakabawi sa pagwawala ko, nahawakan nya ang dalawang kamay ko para di ako makagalaw,dagdagan pa na naubos na rin ang lakas ko.
"matagal ko nang sinabi sayo,akin ka lang sa ayaw at sa gusto mo" pagkatapos niyang sabihin ito saka niya ko niyakap.
After that,darkness enveloped me but the last thing i heared is "im sorry but i need you and ....."