Chapter fifteen
Nicolle
Naalimpungatan ako sa silaw ng liwanag na nanggagaling sa glass door papunta sa balcony ng room na to. Paano ako napunta sa higaan na ito? Gusot ang pwesto sa tabi ko, tanda na may natulog dito.
Naalala ko ang mga nangyari kagabi, nakatulogan ko na pala ang pagiyak.
Mataas na ang araw sa labas ayun na rin sa liwanag na nanggagaling sa labas.
Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto. May wallpaper na kulay beige. Nasa gitna ang king size bed. May bedside table sa magkabilang gilid. Nasa harap naman ng kama ang tokador. May glass door sa gawing kanan papunta sa balcony. Natatabingan ito ng manipis na light pink curtain. May dalawang ornamental plant sa tigkabilang bahagi ng pinto.
Tiningnan ko ang oras sa alarm clock na nakapatong sa bedside table. Alas nueve na pala ng umaga. Tinanghali na ako ng gising.
Naisip ko ang trabaho ko sa ospital. Paano na ang trabaho ko kung nandito ako? Paano ako makakauwi? At ang tanong makakauwi pa ba ko?
Inalis ko ang comporter na nakapatong sa akin ng mapansin ko na iba na ang suot ko. Nakasuot na ako ng over size t-shirt na puti. Ang alam ko, suot ko pa ang dress ko kagabi eh!, bakit ngayon ito na suot ko? Sinong nagpalit sa akin ng damit? Teka.... Isa lang naman kasama ko kagabi dito di ba?
Umabot sa tuhod ko ang haba ng suot kong t-shirt. Inayos ko muna ang kama at tiningnan ang balcony. May garden table dito at may apat na upuan. Hindi ko na tiningnan ang ibaba ng bahay dahil di rin naman ako magtatagal dito.
Pumasok ako sa banyo at naghilamos. May nakita akong extra toothbrush sa lagayan, ginamit ko ba ito, kinapalan ko na mukha ko kesa naman di ako magtoothbrush di ba.
Paglabas ko, nakita ko yung babae kagabi, Loida ata pangalan niya o Lyda. May dala siyang pagkain sa tray. Nang maamoy ko ang sinangag saka lang ako nakaramdam ng gutom. Hindi nga pala ako nakakain ng hapunan kagabi.
"good morning po, ma'am kainin niyo raw po ito sabi ni sir" Lyda
" magandang umaga,nasan ang sir mo" nakataas ang kilay na sabi ko.
" nasa study room po, may kinakausap po siyang mga taga NGO's ngayon " nakatungong sabi nito.
" sige, salamat, patong mo na lang yan jan" pinatong naman niya ito sa bedside table.
" ahmm Lyda name mo di ba? "tanong ko.
"opo ma'am" sagot nito. " ma'am lalabas na po muna ako, balikan ko na lang po yung tray, may gagawin pa po ako sa baba eh!" paalam nito.
"ah!sige"sabi ko. "ahm Lyda ilalock mo ba yung pinto ng kwarto?" nagdadalawang isip na tanong ko.
"po,hindi po ma'am,hindi po yan nakalock" naguguluhang sagot nito.
" sige, salamat, natanong ko lang" binigyan ko siya ng totoo kong ngiti.
Lumabas na si Lyda ng kwarto. Binuksan ko ang walk-in closet para maghanap ng masusuot kong damit, pamalit dito sa suot kong t-shirt. Pagbukas ko sa kanang bahagi ng closet, nandoon nakahanger ang mga suit.
Binuksan ko ang drawer sa kanan,puro panlalaking white polo shirt at long sleeve ang nandon. Sinunod ko yung ibabang drawer, briefs at sando naman ang nakalagay. Ang isa pang drawer sa baba, nakalagay naman ay necktie at panyo. Napansin ko lang, lahat ng damit ay naka arrange depende sa kulay. Hindi sila magkakasama. Sa kaliwang drawer naman ang mga sapatos na panlalaki.
Wala bang t- shirt dito, di ko naman masuot yung polo shirt at long sleeve na yun eh!
Pinuntahan ko ang kaliwang bahagi ng closet. Pagbukas ko pa lang tumambad na sa paningin ko ang iba't ibang kulay ng dress na nakahanger. Sa ibaba noon ang ibat ibang klase ng sapatos at sandals. May drawer sa isang parte ng closet, pagbukas ko, andon ang blouses and shirts nakatupi depende pa rin sa kulay. Sa gitnang drawer naman ang ibat ibang klase ng jeans. Sa pinakababa ang mga under garments na may mga seal pa, kasama ang mga pambabaeng panyo.
'kaninong mga gamit ito?' pakiramdam ko lahat ng dugo ko pumunta sa mukha ko. ' hindi Nicolle, mali yang iniisip mo' umiiling na pagkausap ko sa sarili ko.
Kinalimutan ko na ang nararamdaman kong hiya at pumili na lang ng pwede kong isuot. Isang fare lang naman ang hihiramin ko eh!
Paglabas ko sa closet, dumeretso ako sa banyo at naligo. Paglabas ko ng banyo, saka pa lang ako kumain. Saktong pagkatapos ko kumain may kumatok sa pinto. Pagkatapos ng talkong katok, pumasok si Lyda.
"ma'am pinapatawag po kayo ni sir sa study room" Lyda.
"sige, salamat, pwede mo ba kong samahan papunta doon?"
"opo, tayo na po" Lyda.
Lumabas na kami ng kwarto at pumunta sa kaliwang bahagi ng second floor. May nilampasan kaming apat na kwarto simula sa pinanggalingan namin. Ang unang pinto ay napipinturahan ng kulay pink, sa sunod naman na katabi nito ay blue. Ang sumunod naman na dalawa ay kulay white na ang kulay.
"nandito na po tayo ma'am" sabi ni Lyda.
Kumatok ito sa pinto ng tatlong beses.
"pasok"sigaw mula sa loob.
Pumasok na ako at kasunod ko naman si Lyda. Nakita ko si Rissel na nakaupo sa swivel chair sa likod ng narra table sa loob ng kwarto. Sa bawat pader ay may nakatayo na cabinet na puno ng libro.
"Lyda pwede mo na kaming ewan, gising na ba yung dalawa?"tanong ni Russel kay Lyda.
"opo sir, gising na po sila at nakakain na." turan ni Lyda.
Pakainin mo na lang muna sila ." Russel.
"opo,maiwan ko na po kayo" Lyda.
Pagkatapos nitong magpaalam ay lumabas na ito ng kwarto. Tumayo lang ako sa harap ng table niya. Nakatingin lang siya sakin pero parang lampasan naman ang tingin niya. Ano bang problema ng lalaking to? Pinatawag ako tapos di naman magsasalita.
"pinatawag mo ba ko para lang patayuin ako dito?"nakataas ang kilay na tanong ko.
" have a seat"muwestra nito sa upuan sa harap ng table.
Umupo ako sa kaliwang upuan.
"sabihin mo na ang dapat mong sabihin para makauwi na ako"
" I run for congress for the second time so I need my wife at my side" Russel said.
"NO, hindi kita matutulu...."hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng may sunod sunod na katok akong narinig.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang batang lalaki kasunod ang isa pang batang babae.
"daddy,good morning,yaya Lyda told us that mommy is here. Where is she?"the boy asked.
"Where is she? Where is she? Where is my mom?" nagtatatalon na tanong ng batang babae.