Chapter One: Meets

31 3 0
                                    

*Ring*Ring*


Tumunog ang phone ko. May tumatawag. Agad ko namang sinagot.
"Hello? Oh? Bat ka napatawag? Nagkaklase pa kami." pabulong kong sabi. Dahil baka marinig pa ako ng teacher namin dito, kunin pa tong phone ko.

[Andrea! Na......]
"What?! Tell me?!" napasigaw ako kaya nagtinginan lahat ng nasa loob ng classroom at pati ang teacher namin napahinto sa paglelecture. I hold on the call muna.

Napatikhim muna ang teacher ko at nagsalita.
"Ahmm. Miss Austin. Is that something important? Pwede ka namang lumabas muna."

"Ah. Sorry po Maam." Tumango lang siya.

Pagkalabas ko, pumunta ako sa malayo na medyo makakasigaw ako. At tinawagan ko siya ulit.

"Hello again. Sorry kanina, medyo nainis lang ako. Sige, ano nga palang sasabihin mo?"

[Andrea.....Naaksidente si Julius.] sabi niya ng may halong pag-aalala.

Nangingilid na ang luha sa mata ko. Pinilit kong ngumiti, dahil baka nagsisinungaling lang si Tricia sa akin.

"Ano ba yang pinagsasabi mo?" Pumikit-pikit pa ako upang pigilan ang luhang gustong umeskapo sa mga mata ko. Sabihin mong hindi totoo. Sabihin mo.

[Totoo. Andrea, sinugod siya kaagad sa ospital. Kaso, dead on arrival na.] malungkot na sabi niya.

Ang kaninang pinipigilan kong luha ay ngayoy umeskapo sa mata ko. Hindi ko na napigilan mapahagulgol.

"No. This cant be. This cant be happening." sinu-suntok-suntok ko ang noo ko.
" Tell me Im f*cking dreaming. Just tell me." sabi ko habang patuloy akong umiiyak. Hindi ko ata kakayanin to. Ang daya niya, ang daya-daya niya.

[Andrea. Tahan na. Magiging okay rin ang lahat.]

I ended the call.

Tumakbo ako palabas ng campus. Ng lalabas na sana ako, pinigilan ako ng guard.

"Hep!Hep!Hep! Miss, class hours. Bawal umeskapo." sabi ng guard habang hinahawakan ang isang braso ko. Pinahiran ko ang luha ko at humarap sa kanya.

"PWEDE BA KUYA GUARD?! PINALABAS AKO NG TEACHER KO! PAPAUWIIN NIYA AKO KASI NGA MAY EMERGENCY! HINDI MO BA NAKIKITANG UMIIYAK ANG TAO?! O TALAGANG TATANGA-TANGA KA?!" napasigaw ako ng wala sa oras. Siyempre pagdadahilan ko lang yun. Gusto ko munang mapag-isa. Marahas kong binawi ang braso ko sa kanya. Nakita kong nabigla siya sa inasta ko. Nakonsensya naman ako.

"Sorry." cold na pagkakasabi ko at tumakbo na sa kung saan. Wala akong pakialam kung saan ako mapadpad.

Ayokong puntahan siya. Ayokong makita niyang ang hina ko ngayon. Ayokong makikita niya ang weak side ko. Ayoko.

Hingal na hingal na ako kaya, naglakad nalang ako habang nakayuko, at patuloy na tumutulo ang luha ko.
Napahinto ako ng may nabangga ako.

"Miss? Anong nangyari? Ninakawan ka ba?" medyo iniangat niya ang mukha ko, sakto lang para makita niya ito. Hindi ko naman siya tinitignan.

Niyakap ko nalang siya. Wala akong pakialam kung sino siya. Kailangan ko lang ng karamay. Sinuntok-suntok ko pa ang dibdib niya ng mahina gamit ang isa kong kamay. Medyo natigilan siya, pero hindi naman nagtagal niyakap niya rin ako pabalik. Patuloy ang pagsuntok-suntok ko sa dibdib niya.

"Ang daya-daya niya. Sabi niya sa akin noon, hindi niya ako iiwan. Sabi niya, hindi niya ako susukuan. Sabi niya, papakasalan niya pa ako. Pero bakit ngayon ang dali niyang sumuko. Ang duwag-duwag niya." sabi ko habang patuloy na umiiyak. At habang niyayakap niya ako. At niyayakap ko rin siya.

"Tsss. Cry baby." sabi niya habang nakasimangot.

"Ang sungit mo naman." sabi ko sa kanya habang umiiyak. "Pero salamat pa din ha." sabi ko sa kanya habang nakayakap pa rin ako.

"No worries. Ang swerte mo ha. Nakayakap ka sa napakagwapong nilalang." proud niyang sabi. Nilakasan ko ang iyak ko, ng dahil sa pagkapilingero niya.

"Uyy! Sssshh. Tama na. Im just stating the obvious." grabe din naman ang kakapalan ng mukha ng lalaking to. Pero kahit papaano nawawala naman ang sakit ng puso ko ngayon. Pero tama ang gwapo nga niya. Chinito, matangos ang ilong, broad shoulders, matangkad---.

"Tapos ka nabang pagnasaan ako?" psh. kakapalan overload. Nababawas-bawasan rin naman ang dinaramdam ko ngayon dahil sa kakapalan ng lalaking to. Kahit papaano, napapasaya niya ako. Kahit hindi ko siya kilala, kumportableng-kumportable talaga ako sa kanya.

"Kahit hindi ko alam ang problema mo. Alam kong nasasaktan ka." may kinukuha siya sa bulsa niya.

"Oh, eto." sabay lahad niya sa akin ng lollipop.

"Lollipop?" ngumisi naman siya.

"Hindi, lobo." sarkastikong sabi niya.

"Alam ko nga, pero bakit mo ako binigyan nito.?" tanong ko sa kanya.

"Tss. Punasan mo na nga yang luha mo. Ang panget mo pa naman. Sige mauna na ako." sabay talikod sa akin.

"Hey!! Wait!! Sama ako."

"Okay. Pareho rin naman pala tayo ng school eh." sabi niya ng nakangiti.

Habang naglalakad kami papuntang school. Hindi ko maiwasang matanong ang pangalan niya.

"Ahmmm. Ano bang pangalan mo?" hindi pa kasi kami nagpapakilala sa isat-isa eh.

"Bakit?" kunot noong tanong niya.

"Wala lang. Kailangan pa ba ng rason?"

"Fine. Janus Uy."

"Janus. Bakit Janus ang ipinangalan sayo?"

"Siguro type lang ni Mom at Dad. Ikaw anong pangalan mo?"

"Andrea Austin. Salamat ulit kanina Janus ha. Kahit papano nabawas-bawasan ang bigat na nararamdaman ko.

"Basta sa susunod, pag umiyak ka. Hindi na ako dadaan dun. Baka makita mo pa ako." nakangiti niyang sabi. Aba! shett lang.

"Grabe ka naman." sabi ko sakanya.

Nagpapasalamat ako ng marami sa kanya kahit ang kapal ng mukha niya. Sana mas makilala ko pa siya ng maayos. Gusto ko talaga siyang maging kaibigan. Para kasing ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Parang pag nandyan siya ligtas ka, kahit kakakita mo pa lang sa kanya. Masaya na malungkot ang araw ko ngayon. Kumusta na kaya sina Tricia dun? Parang ayoko talagang pumunta.

"Natahimik ka dyan?" nabigla naman ako ng magsalita siya.

"Gutom na ako eh. Kain muna tayo? Treat ko." aya ko sakanya.

"No. Ayokong nagpapalibre, lalo na sa babae." kunot noong sabi niya sa akin.

"K fine! Tara na dun!" hindi na siya nakapalag pa dahil hinila ko na siya. Nakakita kasi kami kaagad ng fastfood. Kaya nga bigla akong nagutom eh.




**

A/N: Hihi!

Barriers of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon