Chapter 1

4 0 0
                                    

Ang buhay ay hindi lang puro saya makakaranas ka ng lungkot at aabot sa time na may ma sa sacrifice ka. Masakit man pero kailangan mong magsakripisyo para sa taong mahal mo at sa mga taong gusto mong protektahan even ang kapalit nito ay ang sarili mong kasiyahan. I will do everything kahit masakit.

*ringgggggggg*

*tingin sa kisame ng 10 minutes, unat ng kamay ng 1 minute at bangon*

I have to be early pala sa school may kailangan pa akong gawin dun at tapusin. Kahit ayaw ko pang bumangon dahil sa tinatamad ako kailangan ko pa ring mag-ayos. Its 6:00 in the morning at heto ako ginigising ang sarili ko sa mainit na shower. After kong magpagising ng katawan pumanaog na ako at dumeretso sa hapag na may nakahain ng pagkain.

"Good morning po," sabi ni ate mika.

"Good morning din ate?" Humihikab na sabi ko habang tinitingnan ang mga bakanteng upuan sa harap ko.

"Ang aga niyo ata ngayon? Kung hinahanap niyo po sila andun po sa kwarto nila tulog pa rin po sila hanggang ngayon.. " Siya habang nilalagyan ako ng pagkain.

As expected naman na tulog pa rin ang mga yon. Siguro naglalaway pa yon sa unan nila. Tulog mantika talaga. Inagaw ko ang sandok kay ate dahil sa ayaw kong pinag se serve ako ni ate.

"Ate, diba sabi ko kung ako lang ang kumakain wag niyo na akong ipagsandok? Tsaka sabayan niyo na po ako sa pagkain."

Wala ng nagawa si ate kundi umupo sa tabi ko at kumain kami ng sabay. Nakipag kwentuhan ako kay ate habang kumakain. Ang saya niya talaga kausap parang nawawala ang mga problema at napupunan ng konti ang kulang sa akin. Salamat at kahit papaano andito si ate para punan yon.

Nagpaalam na ako kay ate at umalis na. Pagkalabas ko ng gate ay may nadatnan agad akong may nagbabangayan at nag-aaway. Hay, ano pa ngang bago? Ito na palagi ang makikita mo sa daan merong nagsusuntukan, naghahamon, nagbabangayan at iba pang away. Feeling ko nga immune na ako sa mga eksenang yan.

"Miss shayne!!!!!" Narinig kong sigaw ni kuya miguel mula sa sasakyan.

"Kuya?"

"Hatid ko na po kayo?!" Siya sabay baba sa sasakyan.

"Kuya, ok lang po. Maglalakad nalang po ako, kahit ngayon lang."

"Eh kasi po,,," siya habang kumakamot ng ulo. "Bawal po eh, tsaka lagot po ako"

"Kuya, sige na hayaan niyo na akong maglakad. Malapit lang naman ang school eh."

"Magpahatid kana kay manong!" Cold at seryosong sabi ng tinig sa likod ko.

Gulat ko siyang nilingon nakita ko namang na seryoso at nakakunot siyang nakatingin sa akin. "Manong hatid niyo siya" hindi ako gumalaw at pinalibutan ko lang siya ng mata.

Hinila niya ang kamay ko and the next thing i knew nasa loob na ako ng sasakyan at kausap na niya si manong sa labas. After niyang kausapin si manong pumunta siya sa bintana ng pasenger seat at seryoso akong tiningnan. "Sige na manong at ihatid niyo na siya."

Ng makalayo kami ni kuya tinanong ko siya. "Pinagalitan niya po ba kayo?"

Tiningnan naman ako ni kuya sa mirror ng kote at ngumiti. "Hindi po miss shayne"

Mabuti naman kung ganon, hay kung hindi naku kokonsensyahin na naman ako nito. Ng makarating kami ni kuya sa school ay dumeretso ako agad sa student council at nag-ayos ng papers sa lamesa. Marami pa rin pala akong naiwan dito kahit na dinala ko na ang iba sa bahay.

"Good morning pres, sipag ah!" Nakangising pasok ni myra.

"Madaming tambak na papers eh, tsaka marami ding mga upcoming event dito sa school na aayosin." Ako habang patuloy na nag sa scan ng papers di ko man lang siya tinapunan ng tingin.

Humikab siya at sumandal sa swivel shair na nasa harapan ng lamesa ko. Maya-maya narinig kong humihilik siya, nakatulog pala ang babaeng to. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko hanggang sa tumunog ang bell bilang hudyat na magsisimula na ang klase.

Inayos ko ang papers at ang gamit ko at aalis na sana ako ng maalala kong kay kasama pala ako ditong natutulog ginising ko siya at sabay na kaming pumasok.

"Oy babae, bat ang aga mo kanina tapos matutulog kalang sa office. Hindi mo man lang naisip na tulungan ako."

"Hay naku may sadyang asungot lang talaga, nakakainis ang aga aga kung magising tapos mandadamay pa." Siya habang humihikab.

Natawa naman ako dun, pusta ko matutulog na naman to sa klase mamaya at in the end pagagalitan na naman ito ni mr toni. Lilitaw na naman ang ugat sa leeg ni mr toni mamaya.. Parang na iimagine ko na mangyayari mamaya... Hahahahahahaha..

*ringggggggggg*

Katatapos lang ng klase namin at itong kasama ko ayon nakabusangot dahil pinagalitan na naman. Hahahaha, epic ang mukha. Nasa hallway kami ngayon papuntang canteen dahil nagutom daw tong kasama ko ng may bumangga sa balikat ni myra na dahilan para siya ay muntikan ng matumba.

"Oh! Im sorry my dear myra!" Maarteng sabi ni leizel with poise pa yan ah.

Natawa ako sa reaction ni myra na pinagtaka naman ng tatlong kaharap namin. "Oh my gosh!! Is that you leizel? You know how to apologize?!?"

"Well, my dear myra... I'm bitch and it doesn't mean that i don't know how to apologize... Well, now you know... Lets go girls..." Totoo naman bitch nga si leizel pero hindi naman siya ganun kasama, siguro medyo lang.. Sadyang prangka lang si leizel magsalita.Hindi naman siya kagaya ni clown fish na yon na demonyita... Reyna kaya yon ng ka demonyohan....

Tumawa kami pareho ni myra.

Speaking of the devil rumarampa siya ngayon papunta sa amin kasama ng mga clown din...

"Excuse me!!?,!" Sila at binangga si myra. Bat maraming bumabangga kay myra ngayon. Ok pa yon kanina eh pero ngayon natumba na talaga si myra. Hindi man lang nag sorry tumawa pa sila habang tinitingnan si myra.

"Ey, fritz!!!!" Ako pagkatapos kong tulungan si myra tumayo.

"Yes pres?!" Maarteng sabi ni fritz. Nakakainis na talagang clown fish na to.

"Apologize to myra!" Seryoso kong sabi.

"Oh, what if i don't?!" Siya habang nakatingin sa kamay niya. "Girls lets go to the club later! Ok?"

"If you don't....."

"Pres, don't waste your time, you know kung gano ka demonyita ang babaeng yan. Im sure kahit ipasagasa mo yan sa tren hindi yan mag so sorry mortal sin yon sa kanya eh... Hahahaha... Lets go!!" Myra cut me with her words habang tinitingnan ng mula ulo hanggang paa si fritz.

Rumampa naman si fritz palapit sa amin, ako kinakabahan dito kay myra eh pati na rin kay fritz. Kaya hinarang ko katawan ko kay myra. Walang inaatrasan si fritz alam ko yon, at alam ko ang kaya niyang gawin.

"Fritz, kung ano man yang iniisip mo wag mo nang ituloy?!" Ako

"Step aside pres, i just want to apologize yon lang."

"No need.."

Tinulak niya ako pa gilid pero hindi ako natinag at nanatili ako sa harap ni myra. Hinila ako ng mga alipores niya pero hindi ako natinag.. Si myra naman ayon parang magwawala na rin. Bilang kaibigan ni Myra at concern citizen ni fritz hindi ko hahayaang magbangayan ang dalawang ito at magsakitan.

Pinagtulungan na nila akong hilain at si myra ayon inaaway na rin si fritz nagsisilbing referee ako nila ngayon... Diyosko ang buhok ko ang sakit na ha. Ipapakain ko talaga mamaya ang hair fall ko sa mga clown fish na to. Hanggang sa......

"Aaaaaaaahhhhhhhhh!!!!"

"Shayneeeeeeeeeee!!!!"
"Pres?!"

_________________________________
Omo anong nangyare kay shane?!
_________________________________

First entry and wahhhhhhh hindi ko alam kung pano ko uumpisahan at tatapusin...

Sana magustuhan niyo guys,.. Love.. Love...

*vote* *comment* *like*

Let me know what you feel and what you want... Puro babae pa dito ang bida at isa palang ang mystery guy... Whoaaa hoodoo....

Dark moon nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon