5th Suitor/Erone

13 0 0
                                    

Si snow ay sawi na naman. Hindi na naman nya nakuha ang gusto nya. Perhaps may nabuong loveteam lang naman ng dahil sa kanya. Pumunta nga sila sa bahay nila at sinabi ni renz lahat ng sinabi nya saakin. Nagulat si kuya dahil akala din daw nya ay crush lang din daw ang nararamdaman nya para kay renz pero hindi pala. Mahal na din daw nya ito. Pinaistalk nya ito at nalamang nililigawan ako. Nakipagbreak sya sa partner nya dahil naguguluhan sya. At alam nya na pustahan lang sya ng partner nya at ng girlfriend nya. Kaya yun ang ending. Nagmamahalan pala si kuya at renz. Kaya masaya na sila. Habang ako, eto mukang sabog. Back to aral aral aral na lang ulit. Valedictorian si kuya kaya kami ang title holder. Kay naman running for valedictorian ako. Dalawa pa ang running for valedictorian. Si Noel na since elementary ko pa kalaban sa top. At ang pangalawa ay si Erone daw. Ni hindi ko pa sya nakikita eh. Until one day, nakasalubong at nakabungguan ko pala sya. Sya!

Its Erone Kite Williams ang name nya. At sya. Sya ang aking 5th suitor.

--

Nagaayos na ako ng mga requirements para makapasa sa pagkavaledictorian. Hayss. Dahil nga march na, sobra na ang init. Kaninang umaga nga eh hindi ako nagising sa alarm ko. Pero nagising ako sa sirena ng truck ng bumbero. Wala namang sunog samin kaso naguuli daw sila. Fire prevention Month daw. Ewan ko. Basta ginising nila ako. Tapos eto ako ngayon, naglalakad sa initan. Isang bagay na hindi ginagawa ng isang prinsesa.

Hays. Prinsesa parin ba ako? Ni hindi ko nga mahanap ang true love ko eh. Hanggang sa ligawan nalang ata to eh. Haysss. Sino ba talaga ang para saakin?

"Ayyy! Assddfkllbsisj" Waaaaah! Sa kalagitnaan ng pagsesenti ko, may nabunggo akong lalaki. At nahulog parehas ang dala namin.

"Miss, you ok?" Napatingala agad ako ng marinig ang boses na yun. At nakakita ako ng anghel. Este tao. Isang lalaki na nakasalamin, gwapo, maputi, matangkad, mukhang professional, at mukhang matalino rin.

"Ahh- ehh uhmmm. Y-yang O-oo ayos l-lang ikaw. Ahh- ehh i mean ako. A-ako pala." Gawwwwd! Ang hawwt! Enebe teng nereremdemen ke. Butterflies! Sa stomach! Kenekeleg ekeeee! Emeged. Ngayon lang ata ako nagkaganito.

"Ah. Are you sure miss?" Tanong niya. Mukha syang professor. Kaya dapat kong galangin.

"Opo SIR. Im good." I smiled back. Mukhang napasmirk sya. Kasi parang hindi naniniwalang ok ako. Hayss sir. Ganto lang talaga ako. Mukhang constipated. Tsk! Ano ba naman snow! Umayos ka na nga, hindi ganyan ang mga tatakbong valedictorian.

"Ok miss. See you around! By the way im SIR Williams. Goodluck!" Ngayon ko lang sya nakita sa school. Parang hindi ko naman sya naging teacher. Bago lang ata sya dito. O baka nagaapply? Hayys sayang sir, aalis na ako sa school na to.

Pumunta na ako sa office ng guidance para sa requirements ko. Ipapasa ko na ang lahat. Habang hinihintay ko yung guidance councilor namin, nirecheck ko muna kung wala na akong nalilimutan. Pero nung pahuli na ang aking nirerecheck, may nakita akong document na hindi familiar. Birth certificate.

Name: Erone Kite Ramos Williams.
Birthdate: February 15 xxxx
Birthplace: Makati city, manila
Weight: 3.8 kg
Etc.

Huh? Kanino to? Erone? Dun yun sa kalaban kong maging valedictorian ah! Bat nasaakin to? Williams? Familiar ah! Sino nga ba to? Uhhhm.

"Miss Silva, ito na po yung mga hinihingi ninyong--" At dumating ang isang anghel. Este tao.

"Ikaw!? Ikaw si Erone? Ikaw ang kalaban ko sa pagkavaledictorian?" Wth? Akala ko professor sya! Ohmy! Napahiya ako dun ah. Paktay. Napasmirk naman sya. Sabay sabing

"Opo miss Snowhite Daphney G. Alvares. Ako nga po yung kalaban nyo. Btw, ito pala yung birth certificate mo. Mukhang nagkapalit tayo." Nakaismir nyang sabi. Mukhang natatawa pa. Takte! All this time, yung tinawag kong prof. ay isa lang palang hamak na estudyante na kalaban ko pa. Syeyy!

Snowhite And Her Seven SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon