UAAP Season...of Love

126 1 0
                                    

Vice's POV

Nagyayaya ang mga volleyball teamates ko para magcheer for the basketball team. FEU vs Ateneo daw sa Araneta Coliseum. Aarte pa ba?? Syempre hindi! Ako pa ba? Basketball kaya yun noh! Helloooo! Hahaha. Makikita ko nanaman si Baby Boy na over, sagad, hongoling goling talagang magshoot. Tigidig my heart nanaman ako nito. Yieeeeha! Ay kabayong kabayo lang?? Maygahd! Maghunusdili ka nga, Vice! Susme! Talandi ko talaga e. Hm, teka, maisuot nga tong FEU varsity jacket ko. Ayan! Shit! Ang pogi ko lang, but, ugh! Nevermind.



Narration: 'Yan si Jose Marie Borja Viceral. Vice kung tawagin ng mga kaibigan niyang beki at Tutoy naman sa kanilang bahay. Ika nga ng iba, Vice sa gabi, Viceral sa umaga. Star player siya sa larangan ng volleyball ng isang sikat na Unibersidad sa Morayta, ang FEU. Kumukuha ng kursong Political Science sa naturang unibersidad, kasalukuyang nasa 4th yr niya sa kolehiyo. Nagsusumigaw ang kabaklaan sa puso niya ngunit medyo naiilang na ilantad ito ng lubusan dahil sa di pagsangayon ng kanyang ama. Maraming nagkakagusto rito dahil sa kagalingan nito sa naturang larangan at marahil na rin sa angking kagawapuhan at sa pormahan nito. PoGay nga naman talagang maituturing itong si Vice.



Karylle's POV

Hm, what to wear, what to wear? Ugh, I can't choose any. OMG! Ma-le-late ako nito for the game! Ay, this na lang nga, my Ateneo varsity jacket to show support talaga. Go, Ateneo! One Big Fight! I'm so excited! This is my first time to watch a UAAP basketball game. Yipee!



Narration: Now, 'yan naman si Ana Karylle Padilla Tatlonghari. Karylle or K kung tawagin ng iba. Pamilyar na siya sa marami dahil anak siya ng isang magaling na singer na si Ms. Zsazsa Padilla. Soft- spoken, conservative, maganda ang mukha, at pati na rin ang hubog ng katawan. Kumukha ng kursong Management major in Communications Technology Management sa AdMU, kasalukuyang nasa unang taon niya sa kolehiyo. Sa murang edad ay nahilig na siya sa theatro at pati narin sa pagkanta tulad ng kanyang ina.


Sa labas ng Araneta Coliseum, bago ang FEU vs Ateneo basketball game.


Vice: (inis na sabi nito habang panay ang pagcheck sa kanyang cellphone) Susme! Ang aga aga ko rito! Karakaraka akong pumunta tapos antagal tagal ng mga kasama ko. Yung totoo lang ha. Argh! Malilintikan tong mga to e. Nasisira ang beauty ko!

Teammate1: Beks! Sorry! Natraffic kami. Wag ka na magalit. Pog...maganda ka naman today, Beks. (Pagsuyo nito kay Vice)

Teammate 2: (sandal sa kaibigan) huy...sorry na. Alangan namang hawiin namin yung mga sasakyan.

V: (tingin sa 2) Hiyang hiya ako sa before lunch ah! Nagkainan na mga bituka ko rito noh! Antagal ninyo. At Oo! Sana hinawi na ninyo ang mga sasakyan at nag-ala Moises kayo dun! Susmiyo.


Patuloy naman ang paglalambing ng mga kaibigan nito.


T1: Wag ka na magalit, sagot na namin ticket mo.

T2: Sige na, Beks. Yieeee. Di na yan galit. Ako na sa merienda mo mamaya. Smile ka na! Di kami sanay ha.

V: (natatawa) Mga sira! Oo na. Di naman ako galit. Charot lang yun. (Yakap naman sa 2)

Teammate 3: Hay nako. Tara mga, Pre. Pasok na tayo at baka magsimula na.

V, T1, T2: Hoy! Wag mo kaming ma-pre-pre! Kung ayaw mo makatikim ng tadyak ng kabayo! (Tingin kay Vice)

V: (tingin sa tatlong kaibigan) Mga pakyu kayo. Hoy, paminta mode muna ako ha, alam niyo namang kayo lang may alam nito. Mahirap na baka may makakita pa. Kaya kalma lang tayo ha. Susme, mabubugbog ako ng tatay ko nito e.

T3: (akbay sa 3, hababang tumatawa) oh siya, oh siya. Tara na. Baka kayo pa magrumble niyan mamaya ha.


At lumakad na nga ang magkakaibigan tungo sa entrance, sa di kalayuan, meron palang nagmamasid sa kanila.


Karylle: (hinihila ang kaibigan) Girl, did you see him?? Ang gwapo, Girl! (Kikilig na kilig habang ubod ng mahinhin niya itong sinasabi sa kaibigan)

Friend 1: (tingin) Alin dun, Girl? Yung kalbo? (Nakasemi kalbo si T3 noon)

K: Nooooo! The one wearing an FEU varsity jacket! (Hila sa kaibigan na may kasamang dabog)

Friend 2: Oh my gosh! Dito pa ata matatagpuan ni K si Mr. Right niya. Terno pa kayo ha. (Tawa naman nito)

F1: (natawa narin sa itsura ng kaibigan) Hay nako, Ana Karylle, we'll tell Tita Z yan.

K: (nagworry) huuuy. Grabe naman, nagwapuhan lang naman ako sa kanya.

F2: (hila na ang 2) oh bago pa kayo magsabunutan. Let's go na. The game is about to start.


Naglakad na nga ang tatlo papunta sa entrance at pagkapasok ay dumiretso na sa area na nakalaan para sa supporters ng AdMU.


Karylle's POV

Wow! Shoot! Yaaaay! Argh! Ano ba 'to? Can't focus on the game. Gosh! Ang gwapo niya! Hope to see him again later. I don't know his name pero at least I have a lead na of his school. Plus, alam ko na, na he's part of the volleyball team, kasi it's on his jacket din. Terno pa kaming nakavarsity jacket! Hay Mr. Right. Ikaw na ba yan?




To be continued...








Ghost from the Past: A Vicerylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon