Crushed (One Shot)

2 0 0
                                    

Nagsulat nanaman ako ng story Hehehe enjoy reading :)

2nd year High School ako noong nakilala ko ang First Crush ko.
It was September 18 on the hallway of our school. Naglalakad lang ako papunta sa room namin nang biglang..

(Booogs!)
"Aray, sorry" sabi ni stranger na nabangga ko.

"Ouch. Tingnan mo nam..." natigilan ako sa pagsasalita. Ang gwapo!

"Sorry talaga, kasalanan ko di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko" sincere niyang sabi.

"Okey lang sorry din" pangiti kong sabi. nako naman ang gwapo talaga nakakatunaw!!!

"I'm Daniel and you are?" sabi niya at iniabot niya ang kaniyang kamay.

"Rosemarilyn.." kinikilig kong sabi at iniabot ko rin yung kamay ko.

"Rose nalang ang itatawag ko sayo..." sabi niya at nag shake hands kami.

"See you around?" sabi niya.

"Oo naman!" sabi ko. MayGoodness Cuteness overload.. Ang kinis ng balat niya, maputi, ang kilay at ang ilong para siyang perfect! may nabubuhay pala na taong kagaya niya.

At naglakad na kami. Inihatid niya ako sa room ko at umalis. At ako ngayon halos yanigin ang buong classroom sa kilig. Hindi talaga ako maka get over sa kaniya. Kasi naman parang na print na sa utak ko ang mukha niyang sobrang gwapo. Saan kaya ang classroom niya? hmm
Lunch time na sawakas.

"Psssst." may tumatawag
lumingon lingon ako pero wala naman..

"Pssst psssst."
paglingon ko sa may pinto nagulat ako sa nakita ko. Oh my It's him.. tumatawag sa akin kaya pinuntahan ko siya.

"Oyy ba't naparito ka?" pabebe kong sabi.

"Lunch tayo... treat ko." sabi niya

"Segi!" mahinhin na kinikilig kong sabi.

At nag order na kami sa canteen.

"One beef steak with rice at diet soda.. anong sayo?" sabi niya

"ikaw lang sapat na" mahina kong sabi

"anong sabi mo?"

"Kagaya sayo akin" pangiti kong sabi. Hooo that was close. I need to stop myself from getting wild. Choos!
At kumain na kami. Tinitingnan ko siya habang kumakain. Grabi ang gwapo talaga. Mas nagiging hot siya nung kinakain niya yung beef steak OHMYGOODNESS!
At nag kwentohan kami.

Dumaan ang maraming araw. Pareho lang ang ginagawa namin. Sabay pumasok sa entrance, snack, mag Lunch, at sa pag uwi. Na fafall na ako sa kaniya ng bonggang-bongga. In fact sa closeness namin "Bestiee" na tinawagan namin sa isat-isa. Pagkatapos dun ay Holiday Break na. Walang araw na hindi ako kinikilig kapag naiimagine ko siya.

January na. Nagkita nanaman kami pagkatapos ng holiday break! miss ko na siya ng bonggang-bongga.
Pumunta na ako sa entrance at nakita ko siyang naghihintay. obviously sa akin Hahaha :D

"Oyyy bestieee!!! miss na kita" sabi ko.

"Bestieeee!!!" sigaw niya

At niyakap niya ako. Mygoshh ang bango niya parang gusto kong kagatin. Then pumasok na kami. Sabay ulit kami sa lahat.
And the day had passed by. Foundation day na sa school namin.

Ipina set-up kami ni Daniel sa marriage booth ng mga friends ko. At nagulat ako bakit ako kinidnap nga mga taong naka barong at dinala sa isang lugar.

"Ano ba to?!!" naiinis kong sabi.

"Congratulations! hintay lang at maya-maya tatanggalin na natin yang blind fold mo." sabi ng mga kumidnap sa akin.

Tinanggal na nila ang blindfold ko at nakita ko ang lugar. Ohh emm Geee ang ganda.

"Ano to? Marriage Booth?!!" gulat na gulat kong sabi.

"Yes ma'am hintayin niyo muna sandali ang iyong groom." sabi ng naka costume na Pari

At nakita ko ang isang lalaking nakablind fold rin. Nang inilapit siya sa akin saka ko palang siya na recognized. And I was like.

"Daniel bestiee is that you?" nagtataka kong sabi.

Tinanggal na nila ang blindfold sa kaniya.

"Bestiee ano to?" sabi ni Daniel

"Ikakasal na kayo" sabi ng naka-costume na Pari.

At gulat na gulat si Daniel sa narinig niya.

"AYOKO!!" pasigaw na sabi ni Daniel at umalis siya.

Ohyymyy nagalit si Daniel? And after non di na kami nagkikita. Hinahanap ko siya pero di ko siya makita. Ang OA niya ha.
At lumipas ang maraming araw hindi na kami nagkikita, wala na akong kasabay mag lunch at umuwi. Halos naiiyak ako. Miss na miss ko na siya!!

It was February 14. Valentines day. Araw ng mga puso. Napuno ang Campus ng mga kulay pula, PDA's at mga nag pupublic courting. At ako naglalakad lang.
Habang akoy naglalakad nakita ko si Daniel kasama ng mga friends niya. Agad ko siyang pinuntahan at hinawakan. Dinala ko siya sa isang lugar na tahimik. Naiwan ang kaniyang mga friends.

"Daniel bakit nagalit ka?" galit na sabi ko.

"Di naman ako galit. Di ko lang gusto." sabi niya

"Wala kabang feelings para sa akin?" naiiyak kong sabi

"As friends lang." sabi niya

"Bakit ba hindi mo ako magustohan?" tanong ko sa kaniya na may bahid na galit

Natahimik siya...

"Maganda naman ako, Matalino at higit sa lahat mabait. Close tayo. Bakit hindi?!" pagalit kong sabi

"Mas Maganda kasi ako" ~Daniel

Crushed (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon