Chapter 7

2.4K 21 2
                                    

Dedicated sa kanya. Ang sipag niya mag-vote ehh!! Labyu!! :*

Enjoooyyy!! :)

____________

Pinalabas ko na si John sa kwarto niya dahil magbibihis ako.

May nag-contact kasi sakin na agency na may pictorial daw ngayon.

Buti sabado.

Buti may pagkaka-abalahan ako sa araw ng kapanganakan ko.

Tatlo nga yung tumawag sakin.

IN DEMAND KASI AKO pero isa lang yung kinuha ko. Nakakapagod rin kaya maging model. Ang raming mga mata na nakatingin sayo. Hindi mo alam kung nagagandahan ba sila o minamanyak ka lang.

Pagkatapos ko magbihis, lumabas na ako.

>______

"JOOOOOHN!!" Sumigaw ako. Galit ako. Kulang nalang umusok tong tenga ko.

Tumakbo naman agad si lalake.

"Ano?" Ngiting sabi niya.

"Wag kang ngumiti dyan! Anong ginawa mo sa kusina?!?!?!"

Parang gubat ang kusina sa ginawa niya. Egg shells, flour, tissues, utensils, and boxes everywhere.

Bwisit!!! Nanggagalaiti ako sa inis. Ang pinaka-ayaw ko pa naman, yung madumi!! Ayaw ko ng maduming paligid. Ayaw ko madungisan ang balat ko.

Ibi-nake nga ako pero look! Binigyan niya lang ako ng trabaho!

Sana bumili nalang siya sa bakery!

Pumunta ako sa counter at nagsimula nang maglinis. Buti maaga pa.

"Ako na dyan." Kinukuha niya yung towel sa kamay ko.

"Ako na." Tinulak ko siya ng mahina gamit yung siko ko. If I know, echos niya lang ang pagkuha sa basahan para guilty kuno. Amf!!

Umupo naman siya dun sa malinis na part ng counter.

"Labas tayo ngayon." Sabi niya habang winawagayway yung mga paa niya na hindi maapak-apak sa sahig dahil sa taas ng kitchen counter niya.

"May lakad ako."

"Saan?"

"Wala ka na dun."

"Palagi nalang. Sige na! Let's celebrate your birthday together." Kinindatan niya ako.

Nginitian ko siya ng napakatamis .

"Eww." Tsaka ako bumalik sa blank face ko.

Tumahimik naman siya. Buti naman. Ayaw ko talaga sa mga taong madaldal.

---------

Lumabas ako sa dressing room na naka-robe.

Bathing suits yung imo-model ko ngayon para sa isang fashion magazine.

"Mira, tapos na akong magbihis. Kailan ba toh mag-uumpisa?" Kinausap ko yung manager ko.

"Wala pa kasi yung partner mong lalake pero papunta na daw dito. Just wait for a few more minutes. By the way, happy birthday, sweetheart." Hinalikan niya ako sa cheeks.

"It's not my birthday." Inismiran ko siya.

Nginitian niya nalang ako. Parang sanay na siya sa ugali ko. Si Mira ang manager ko ng isang taon na. Mabait at masipag pero di kami close. Mahirap na magtiwala sa panahon ngayon.

Umupo nalang ako sa stool. Bwisit naman. Sino kaya yung bwisit na lalakeng yun.

Nagulat ang lahat dahil may bumukas ng pinto na napakalakas.

I'M HIS HOUSEMATE [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon