Note: This story happened in real life. Let me rephrase it, this story is actually happening in real life. So.... No harsh comments please? =)))
========================================================
[1]
*4 years ago...*
"Girls! White bluse and pants tayo bukas, ha?" Pagco-confirm ko sa mga kaibigan ko ng susuotin namin sa first day ng klase bukas.
"Sige. Pero okay lang ba'ng hindi tayo may-uniform? Dati na kasi tayong estudyante dun, haller! Hindi po tayo transferee!" Sagot naman nung isang kaibigan ko.
"Hindi yun! Ako bahala! Tsaka... First day pa lang naman. Aryt. See you tomorrow!" At naghiwa-hiwalay na kami.
Back to school na bukas at Grade 6 na kami. Excited na ako'ng pumasok! Bukod sa mga bago kong gamit, excited akong malaman kung may bago ba kaming kaklase. Hihi. *O*
Maaga akong gumising kinabukasan at naghanda para pagpasok sa school. 20 minutes kasi ang byahe mula sa bahay papunta sa school kaya maaga talaga akong gumagayak.
"Aurea, behave. Grade 6 ka na. 'Wag na masyadong madaldal." Paalala ni Mama bago ako bumaba ng sasakyan.
"Oh yes naman, Ma! Hahahaha!" Sagot ko at tuluyan ng bumaba ng sasakyan namin.
Pagtungtong ko sa compund ng school. Nakadama ako ng matinding excitement. *O* May crush kasi akong kaklse ko e. At imagine? 2 months kaming hindi nagkita? Hihi. Kaya ako excited pumasok.
Dahil hindi naman kalakihana ng compund ng school, alam ko na agad kung saan ako dederetso at kung saan ang room ng Grade 6 kaya madali akong nakarating sa room.
"Aurea! Pumyat ka a?" Unang bata nung isa kong kaklase, si Karizze.
"Hahaha! Naman! Ako pa? Sexy ko 'no?" Pakikipagbiruan ko.
"Nahiya naman ako sa bag mo!" Bati naman nung isa kong kaibigan.
"Wag nga kayo! Haha!" At ayun. Nagkwntuhan at nagkumustahan kaming magkakaibigan-slash-magkakaklase.
Private school ang pinapasukan namin. And believe it or not... 18 lang kami. =)))
"Nakakainis naman! Wala ba tayong bagong kaklase man lang? Nakakasawa na yang mga pagmumuka nyo!" Biro ko habang nakaupo na kami sa classroom. Asar lang e. Parang wala pa ata kaming bagong kaklse. =_=
"Hindi! Meron tayong bagong kaklse, dalawa! Hihi! Dalawang lalake." Agad namang nagliwanag ang muka ko at humarap sa katabi kong si Shiela.
"Talaga? Nasan? Nasan sila?" Masigla kong tanong sa kanya. Haha! Mukang sira lang e. =___= Grade 6 pa lang napaghahalataan na. xD
"Yung isa si Xander, kilala ko yun kasi officemate ni Papa ang Mama nya at nabanggit na nya sakin na magt-transfer nga daw yun dito. Tapos yung isa naman... Anak ng bagong lipat na teacher dito at pamangkin ng Principal." Pagpapaliwanag nya.
"Gwapo naman yung Xander?" Pahabol kong tanong.
"Haha! Oo? Errr. May itsura sya. Basta! Makikita mo din yun!"
At ayun na nga. Maya-maya, may dumating na lalake na medyo maangas or "mahangin" ang aura. Psh. 'Wag nyo ng tanungin kung bakit ko nalaman dahil nararamdaman ko talaga unang pasok pa lang nya sa room.
"Yan yung Xander." Bulong sakin ni Shiela. Tumango lang naman ako.
Tumuloy sa likod na upuan yung Xander at hindi ko na sinundan ng tingin. Gwapo nga. Kaso, di ko type. =_=
BINABASA MO ANG
Too Late to Regret?
RomanceHindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan. Pero sa tingin ko, tama ang desisyon ko. Masyana kasi sya ngayon. =))