---
Andrea's POV
Its been two weeks since Julius passed away. Hindi ako pumunta sa burol niya. Kahit napasaya ako ni Janus these past few days, hindi ko pa rin makalimutan ang sakit nung mamatay si Julius. Naaawa na nga ako sa sarili ko eh.
Nandito nga pala ako sa kwarto ko. Wala kasing klase, kasi Sabado. Sana may mag-aya sa akin na pumuntang mall. Bored na bored na ako. Ayoko namang maglugmok na lang dito, nakakapanis ng laway. Matawagan nga si Janus.
*Ringggg*Ringggg*Rinnngggg*
[The subscriber cannot be reached please try again later. Th--]
Pinress ko ang end call button.
Wag na nga. Baka busy siya.
Namimiss ko na siya. Julius naman kasi.
Biglang tumulo ang luha ko. Naaalala ko na naman siya. Naaalala ko na naman ang mga sweet moments naming dalawa.
Nakita ko yung teddy bear na binigay niya sa akin last month. Hi- nug ko ito. Namimiss ko na talaga siya.
"Bakit kailangang mamatay ka pa? Masaya naman tayo diba? Bakit ka sumuko agad? Sorry. Hindi kita napuntahan sa hospital, sa burol mo. Ayoko lang naman kasing makita mo akong nasasaktan." sabi ko sa sarili ko habang umiiyak.
I heard the door open. Kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko.
"Anak?" Si Mom pala.
"Yes Mom?" sagot ko dito.
"Okay ka na ba? Palagi ka nalang nandyan sa kwarto mo. Kumain ka na. Nakahanda na ang breakfast sa baba. Lika, sabay tayo." concern na sabi ni Mama.
"Okay lang ako Ma'. Mauna na kayo, hindi pa po ako gutom."
" Anak.. Kung hindi ka pa okay, sabihin mo kay Mama. You know Im always here for you.""I know Ma'." tumulo na naman ulit ang luha ko. Arrrghhh!! Ang hina-hina mo Andrea!
"Ma'. Im sorry if im a burden. Im sorry na ang hina-hina ko. Hindi ko nagawang mapasaya kayo. Ang sakit-sakit lang ho kasi. Ang sakit-sakit." bigla akong hinapit ni Mama sa kanyang balikat. Hindi ko na napigilang mapahagulgol.
"Sssshh. Youre not a burden. And stop crying princess, it hurts me a lot. Pakiramdam namin pinapabayaan ka namin. And youre just hurting yourself ng dahil sa ginagawa mo. Sa tingin mo rin ba, sasaya si Julius kapag nakita ka niyang ganyan? Sssshh, tama na. Mahirap makitang nasasaktan ang prinsesa namin."
"I love you Mom." sabi ko sa kanya habang umiiyak.
"I love you more than most." sabi ni mama habang hinahalikan ang ang buhok ko.
-----
"Good Evening Mom!" masiglang bati ko kay Mama na naghahain ng dinner.
"Ang haba ng tulog mo anak. At ang saya-saya ata ng prinsesa namin ngayon."
"Syempre naman Ma'. Makita ko ba naman ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa."
"Ang galing mong mambola anak."
"Ma' totoo naman ah. Saka kahit ano pang sabihin mo, maganda ka parin sa mga mata namin." sabay yakap ko kay Mom mula sa likod.Habang kumakain kami nababanggit ko sakanya si Janus. Gusto niya nga na maging kami. Tss. Si Mama talaga. Sa kalagitnaan din ng dinner namin nagtext si Janus sa akin.
From: Jantoii
Dea! Mall bukas? Oo or Yes?
O diba? Wala akong choice. Kahit kailan talaga, hindi ko siya mahihindian. Tsk.
To: Jantoii
Baliw. Sige anong oras?
.....
From: Jantoii
Susunduin kita dyan! Hintayin mo ko ha! Alam ko na saan bahay niyo! Goodnyt ;*
Oo alam na niya bahay namin, nung isang araw kasi hindi ko alam sinundan niya pala ako. Tss.
To: Jantoii
See you. Goodnight din.
------
*Pipipipip*
Sino ba yun ? Ang aga-aga nambubulabog. Tinignan ko yung alarm clock ko.
10:35 am. Omo! May lakad nga pala kami ni Janus. Napasapo ako sa noo ko.
Sheet!
Madali lang akong natapos sa morning rituals ko. Bumaba ako at nakita ko si Janus na nakasandal sa kanyang kotse. Nakashades pa ha.Samantalang ako naka ripped jeans at white loose t-shirt. Ang gwapo niya ha.
"Ang gwapo ko diba?" proud niyang tanong nang makalapit na ako sa kotse niya.
"Kapal mo din kahit kailan." napairap nalang ako sa kanya.
"Tara na nga." dagdag ko dito.
Pinagbuksan niya ako. Nakapwesto ako sa passengers seat. At siya ang nagdadrive. Sino pa nga ba?
Nang makapwesto na kami, bigla naman siyang nagsalita.
"Ang ganda mo." sabay kindat sa akin.
Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya. How can he let me feel this?
----
A/N: Happy reading!

BINABASA MO ANG
Barriers of LOVE
Short StoryHanggang saan ang inyong pagmamahalan? A twisted love story. #JanDrea shippers