What If

4 0 0
                                    

"Jess? Anong gagawin mo if you were given a chance to do time travel? Any point in your life para lang itama ang sa tingin mong nagawa na mali or you just simply wanna relive it?" Tanong ni Ran sa kaniya. They have been best friends for more than half of their life. Bata pa lang sila ni Jess ay magkakilala na sila kaya alam na alam na nila ang bawat isa.

" Ikaw ba? Anong pipiliin mo?" Balik na tanong ni Jess habang nakasandal sila sa headboard ng kama niya enjoying the view sa kaniyang penthouse.

"Ako? Hmm. Remember when we were 11? Di ko alam, naglakas loob akong sabihin kay Dan na crush ko siya. Pathetic no? I went to him and told him I like him. Hahaha. Pero God knows kung gaano ako nasaktan nun." Sagot ni Ran sa tanong ni Jess.

"Young love. Sobrang iyak ka nga nun eh. Ang pangit mo pa namang umiyak. Hahahaha" Pang-aasar niya kay Ran.

" Pangit ka jan! Pero alam mo, I wanna thank you. And I think that was the highlight of our relationship. Kung di ko ginawa yun di ko malalaman kung gaano ako kahalaga sa'yo. Doon ko nalaman na hinding hindi mo ako iiwan. I'm so lucky to have you in my life Jess. If I could relive it, I will. Kahit paulit ulit ako magmukhang tanga sa harap ni Dan. Alam ko namang darating ka sa buhay ko. Thank you for being the BEST best friend! Ikaw naman!!!!" Tanong ulit ni Ran sa kaniya

"Ako? Hmmm...", napaisip si Jess sa tanong ni Ran pero alam niya sa puso niya na may isang bagay lang siyang gusting balikan at kung maaari ay itama. Biglang nanariwa sa isip niya ang araw na nais niyang baguhin.

" Sana magustuhan niya ito. Sana maging successful!" bulong ni Jess sa sarili niya habang dala dala ang card na may puso at tsokolate. Laking gulat na lang niya ng masalubong niyang umiiyak si Ran.

"Anong nangyari sa'yo? Ba't ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong niya kay Ran.

"Ang tanga tanga ko Jess. Sinabi ko kay Dan na gusto ko siya. Pero tinawanan niya lang ako at ng mga barkada niya. " humahagulgol pa rin si Ran kay Jess.

"Tahan na. 'wag mo na iyakan yung lalaking yun. He's not worth it. Mas may nararapat pang lalaki para sa'yo. Yung di ka paiiyakin.", alo ni Jess sa kaniya. Itinago din ni Jess ang dala niyang card at tsokolate.

"Salamat Jess. Buti na lang at lagi kang nanjan para sa akin. Ikaw na lang yata ang natitirang matinong lalaki sa mundo. And I'm very lucky to have you as my friend." Sabi ni Ran sa kaniya sabay yakap niya kay Jess.

"O heto chocolate para naman sumaya ka. Bibigay ko sana dun sa liligawan ko. Pero wag na lang. ahe" inabot ni Jess ang chocolate kay Ran at naiisip na hindi muna niya aaminin dito ang nararamdaman.

" Salamat! Bilhan mo na lang ulit. From now on mag Best Friends na tayo. Salamat Best!" sagot ni Ran habang kinakain ang tsokolate na binigay ni Jess sa kaniya.

" Oo naman. Ako ang magiging best friend mo. Forever." Tila may pait sa lalamunan ni Jess ng sabihin niya ang mga katagang iyon. Hindi na niya na amin ang totoo kay Ran ay pinangakuan pa niya ito na magiging matalik na magkaibigan sila habang buhay.

"Ui! Ano na? Anong gusto mong balikan? To Relive ba o para ayusin ang nagawa mo?" Nagbalik sa realidad si Jess ng yugyugin siya ni Ran sa balikat habang tinatanong siya ni Ran.

" Oo nga pala. Hahaha siyempre pareho tayo. The day I promised you that I will be the Best Friend you'll ever have. " Pagsisinungaling ni Jess kay Ran.

" Ang sweet mo talaga." Sabay yakap ni Ran kay Jess. Biglang nag ring ang phone ni Ran at tila na excite siya ng Makita kung sino ang tumawag sa kaniya.

"Ay! Excuse me. Yes Hon. I'll be there na. I'm just here at Jess' place. See you in a while. Love you too. " sagot ni Ran sa tumawag sa kaniya.

"Jess, I need to go. Dan's on his way sa date namin. Remember? It's our 3rd Anniversary!" paalam niya kay Jess. Tumayo na siya at kinuha ang bag niya.

" Ah! Yah! Congratulations Ran." Secretly, ay kinuha ni Jess ang singsing sa kaniyang bulsa at niyakap si Ran.

"Thanks Best! You really are the best!" niyakap din niya si Jess at nag beso sila. Hinigpitan ni Jess ang hawak sa singsing upang hindi ito mapansin ni Ran.

"Bye Jess!" Paalam ni Ran

" Bye Ran! Take Care." Sagot naman ni Jess na tila nagpapaalam na rin sa natitirang pag-asa niya na magkakaroon sila ng chance ni Ran sa pag-ibig.

Paglabas ni Ran ng penthouse ay malungkot na sumandal ulit si Jess sa kaniyang kama habang tinititigan ang singsing. Naisip na lang niya na hindi talaga siguro sila nakatakda ng bestfriend niya para sa isa't-isa at magiging mas maganda ang relasyon nila kung mananatili silang magkaibigan. Dahan dahan niyang binuksan ang drawer sa tabi ng kama niya at nilagay doon ang singsing. Tahimik na lang din siyang lumuha sa pag-ibig na kailanman ay di niya makakamit.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What If (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon