Hindi naging madali ang proseso ng pag aampon namin kay Coder williams dahil maraming kailangang requirements para masabi na pwede namin syang alagaan. Kahit na ganun ay pinatunayan namin na karapat dapat kami. Ilang araw rin ang inantay namin bago na- approve yung request namin na ampunin namin sya. 1 taong at kalahating buwan pa lang nun si coder williams nang mapunta sa amin. Isang himala nga na nakaligtas sya sa aksidenteng naganap noon pero mas maswerte kami dahil dumating sya sa buhay naming dalawa.
Dahil kailangan ko na syang alagaan ay nag resign na ako sa trabaho ko para maasikaso ko sya ng mabuti. Pag umuuwi si coder galing bahay ay mas una pa nyang hinahanap si coder williams kesa sa akin. Mahal na mahal nya talaga si coder williams na parang anak nya. Iniisip ko nga kung gusto na pang magkaanak pa kami pero saka ko na lang sasabihin sa kanya. Sa ngayon ay masaya kami dahil dumating sya sa buhay namin.
Lumipas ang 5 taon ay lumaki na rin si coder williams at napacute nya dahil sa mga maganda nyang mata pati na rin sa blonde nyang buhok. Mas close sila ng ama nya kesa sa akin pero mas love na love naman daw nya ako. Lumalaki na sya pero kami lang ang kalaro nya at ilang sya sa mga batang nakakasalamuha nya sa school.
Nung minsan nga ay kinausap ako ni coder nung nasa room kami .
''Lumalaki na si coder. Kailangan na ata nya ng kapatid?''
''Huh? Masaya naman sya sa atin di ba?''
tapos tumingin ako sa kanya habang nag aayos ng gamit ng anak namin para bukas.
''Gusto ko rin namang magkaroon ng kapatid si coder williams pero natatakot ako na maulit yung dati?''
''Hindi yun mangyayari'' tapos lumapit sya sa akin at niyakap ako.
''Magtiwala ka lang ok''
''ok.''
tapos ay sinubukan namin ulit. Alam kong bibiyayaan kami ng isang anak at sana ay matupad yun.
Lumipas ang mga araw at nalaman ko na buntis ako ulit at sa pagkakataong ito ay malusog ang baby at kailangan daw na mag ingat pa rin ako sabi ng doktor kaya yun ang ginawa namin. Naisip ko na si coder williams ang lucky charm naming dalawa . Sila aling tess , coder at pati na rin si coder williams ay inaalagaan ako pero sya ay inaalagaan nya ako. Yung makita ko lang yung mukha nya ay sobrang saya ko na talaga. Hindi nga sya pasaway kay aling tess. Palagi lang syang nasa tabi ko at babantayan daw kami ng kapatid nya.
Kapag umuuwi nga si coder ay inaalagaan nya pa ako imbis na magpahinga na lang dahil alam kong pagod sya sa trabaho nya sa school pero hindi sya papayag na hindi nya ako alagaan man lang.
Lumipas ang maraming buwan na nagbubuntis ako ay dinala ako nila aling tess sa hospital habang si coder ay nasa class nun at nagtuturo. Tinawagan ni aling tess si coder at hindi na nito tinapos yung class nya para lang puntahan ako.
...........
Ok kaya sya dun sa loob? Hingal pa akong nakarating sa hospital at nag aantay sa loob ng labor room ng biglang lumabas yung doktor . Hinahanap daw ako ng asawa ko kaya pumasok ako. Nakita ko sya na hirap na hirap dun. Hindi nya daw mailabas yung baby kaya baka ako daw ang makatulong sa asawa ko. HInawakan ko ang kamay nya at napasigaw na rin kasabay nya. Natatawa pa sya na nasasaktan . Nang hawak hawak nya ang kamay ko ay nasasaktan na ako pero tiniis ko yun at sinasabayan ko sya sa pagsigaw nya.Makalipas ang ilang oras ay lumabas na rin sa wakas ang aming baby girl.
''Anung ipapangalan mo sa kanya?''
''Yumi''
''Magandang pangalan'' sabay ngiti ko
''oo'' sabay nun ay nawalan na sya ng malay.
''ok lang po ba ang asawa ko?''
''Oo? Kailangan lang nya ng pahinga''
Pagkatapos ipakita yung baby namin ay pinaliguan sya ng konti, pinunasan at nilagay na dun sa room ng mga babies. Puntahan ko na lang daw mamaya para tignan ulit sya. Hinalikan ko si conan sa forehead at tahimik na nagpasalamat sa kanya dahil binigyan nya ako ng isang magandang anak.
Pinunta sya ng mga doktor sa magiging room nya at binantayan namin sya hanggang sa magkamalay sya. Tapos nun ay may pumasok na nurse dala ang baby namin at tinignan ito ni conan at hinawakan.
Kitang kita ko sa kanya ang kasiyahan ng mga oras na yun. Alam kong magiging masaya ang pamilya namin sa pagdating ni Yumi, ang angel naming lahat.
BINABASA MO ANG
I WANT TO DIE!!!
Ficção AdolescenteA love story that will teach us how love is strong even death comes to you.