Denie's POV
Tinignan ko ang I.D niya at nakalagay doon ay Rosalyn Shatei Lee...yaw?
Sounds familiar....
"Tan, kilala mo ba siya?" Tanong ko kay Tristan.
"Ne. Siya ang girlfriend ni Cyan Grey Velasco, yung classmate natin na nasa harapan mo." Sagot naman niya.
"Pero bakit naman niya ako sasaktan gamit ng kanyang blade? Hindi ko panaman kinausap si Cyan eh." Tanong ko ulit.
"Yun ang di ko alam. Baka may sama siya ng loob sayo? Nakilala mo naba siya dati?"
Nagisip isip ako kung kilala ko siya....
"Hindi man eh. Pero parang familiar yung pangalan, di ko alam kung bakit." Sagot ko.
"Tara, baka mahilo kapa sa sobrang gamit ng talents mo, hahaha" sambit ni Tan at napagdesisyunan ko ibalik nalang ang oras pero may mali akong nagawa....
Naalala mo yung blade na ginamit niya? Nagbalik iyon... ang bilis pala, at hindi ko nailagan.
Tsiik!(sorreh, hindi ako marunong ng sound effects)
Tama nito sa aking tiyan. Nanghihina na ako kaya hindi ko magamit ang aking self healing talent.
"Denie!" Dinig kong sigaw ni Tan pero nahilo na ako at na black out.
Tristan's POV
"Denie!" Nakita kong pumipikit ng paunti unti ang kanyang mata.
Dapat nakita ko iyong blade na iyon! Dapat nahinto ko ang oras sa tamang oras! Dapat...Dapat...
Nasalo ko siya in time bago palang niya mameet ang hard floor.
Tumakbo ako kaagad papunta sa clinic kasabay ng pagbalik ng dating oras. Nagbalik dahil nahimatay si Denie, hindi dahil sa akin.
Nang makarating kami sa clinic ay agad kumilos ang nurse.
Inalis niya ang blade at agad tinakpan ito ng bandage. Magical bandage if I may add..
Umilaw ang kanyang mga mata ng kulay berde kasama ng bandage na inilagay sa tiyan ni Denie. Ummm, hindi ako tumingin ah? Nakaalis kasi yung top ni Denie eh...
"Ayos na siya, wala namang natamaan na makapaglalagay sa kapahamakan ng kanyang buhay." Sabi ng nurse habang inalis ang bandage at inilagay ulit ang top ni Denie, not that I'm looking okay?
"Thank you." Sabi ko. Tinignan ko si Denie at biglang bumukas ang kanyang mga mata at humihingal ng malalim.
"Denie!" Sabi ko at linapitan siya.
"T-tan, nakita ko siya" napatigil siya at huminga ng malalim.
"Nakita ko si Rosalyn..."
Blair's POV
Nakita kong wala na si Denie sa harapan. Hinanap ko siya sa mga nakaupo.
Wala man siya dun. Baka nagteleport.
Pero saan galing ang blade na iyun? Hindi naman pwedeng iiwan lang yun ni Denie at hindi titignan...Tumingin ako kay Seraphim at seryoso ang kanyang mukha.
"Phim?" Sabi ko sa kanya at kibalabit ko siya.
"Blair, nasa clinic daw si Denie." Yun lang ang kanyang nasambit.
"Phim saan ang clinic? Tara!" Sabi ko sa kanya. Tumayo nalang kami, nagpaalam kay Ma'am at tumakbo papunta sa clinic.
Nang malapit nakami sa clinic ay binagal namin ang aming pagtakbo. Binuksan ko ang pintuan ng clinic at nakitang nakaupo na si Denie sa kama.
"Denie! Okay kalang?" Nag-aalala kong tanong.
"Oo, okay nako" sagot naman niya at tinignan ang lalakeng.... wait ano kasi pangalan niya? Ah, Tristan.
"Tignan mo! First day palang napunta kana sa clinic! Yan ang sinasabi ni ate eh." Naiinis kong sabi.
"Oo na, oo na." Sabi niya at tumayo na sa pagkakaupo.
"Tara, balik na tayo." Sabi niya.
"Dinismissed na tayo. Break muna daw." Sagot ko. Tinignan ko si Seraphim.
"Phim, pano mo palang nalaman na nasa clinic si Denie?" Tanong ko sa kanya.
"Nagusap kami ni Tristan gamit ang telepathy." Sagot naman niya.
"Sooo, saan ang canteen?" Tanong ni Denie.
"Tara, itotour namin kayo." Sagot naman ni Tristan. At umalis na kami sa clinic at sinundan nalamang sila.
"Wait! Pano sina Ate Jean, Ate Miracle at Ate Shane?" Tanong ko dahil nag aalala ako baka maliligaw sila sa laki ng school na to.
"Sigeeee, wag kang mag-alala, siguro may nameet na silang friends nila at nagpatulong sa kanila. Pero nag-aalala lang ako kay ate Jean. Alam mo naman yun" sabi naman ni Denie.
Meanwhile...
Jean's POV
"Jeeeean! I love youuuuuu!" Sigaw nung mokong na yun.
Pagkatapos kong magpakilala sa harapan namin, dumikit na siyang dumikit sa akin. Ewan ko dun!
"Tigilan mo nga ako!" Sigaw ko dahil hindi na ako makapagpigil dagil nakakairita na siya eh. Kahit lalaki pa siya, ang tining ng boses niya!
"Ayoko nga! Parang magnet ka eh!" Sabi niya sa nakakairitang boses niya.
"Bryan! Bakla ka no? Tigilan mo na ako, buti pa, hatid mo na ako sa canteen!" Kahit ayaw ko mang siya ang maghatid sa akin, wala akong ibang choice eh. Ayaw kong makipag friends, tamad ako.
"Sige cutieee!"
"What the! What did you call me?!" Cutie? Like duh. I'm not cute, I'm fab.
"Cutie, bakiiiit?" Sabi niya habang nakapout. Wow marunong palang magpout tung lalakeng to.
"Aish! Basta, hatid mo na ako sa canteen." Naiinis na ako ah.
Lumabas na kami at nagsimulang pumunta sa canteen. Nasan na kaya sila?
Shane's POV
"Miss?" Ayos lang kaya sila?
"Miss?" Hindi kaya sila naliligaw?
"Miss!""Huh?" Napatingin ako sa taong tavi ko.
"Kanina pa kita tinatawag eh~ Di kaman sumasagot miss." Sabi niya.
"Ah, ako pala si Kenneth Santos . Nice to meet you miss." Sabi niya at nag wink. Eeww, pa wink wink pa, di niya bagay, bleh.
"N-nice to meet you too. Bakit mo ako tinatawag?" Tanong ko naman.
"Nakita ko lang na wala kapang kasama dito sa room kaya linapitan kita at tatanungin sana kung gusto mong gabayan kita papunta sa canteen. So gusto mo?" Sabi niya at nagwink ulit. As in? Ano to? Napupuwing lagi?
"Sige, tutal wala pa naman talaga akong kasama dito." Sagot ko at linagay ko na ang aking notebook sa bag ko.
"Tara."
------------------------------
Salamat sa mga naghintay at sa mga hindi, de joke. Basta! Hahaha, ang haba no? Insert sarcasm. Wala muna pala si Miracle dito, nagpapahinga siya, hahahahaha!Yung nasa pic ang walang iba kundi si Denie!!! Wahahaha
Please comment, vote and share!!! Sorry pala sa mga Typo
-MoonlightGirl88
BINABASA MO ANG
Love & Conflict
Fanfiction(Exo Fanfic) Naranasan mo nabang ma-inLOVE sa taong pinaka ayaw mo? O naranasan mo naba na ang pinaka gusto mong tao ang maging pinaka hate mo? Naranasan mo nadin bang magka-CONFLICT sa taong pinaka-mamahal mo? O yung naramdaman mo na ba yung feelin...