"Jays, may nagawa baya akong story, yung girl may sakit tapos yung gu--" pagshe-share ko nang putulin niya ang aking pagsasalita
"Ano name? dapat andun kami ha" sagot niya
"Happy eh" sagot ko naman
"Bahala ka diyan" reklamo niya'
Hindi ko siya pinansin, maya-maya nakaisip ako nang magandang plano
"Jays" tawag ko
"ANO? MAKAINIS KA MAN UY, WALA NA NAATACK KO PA TALAGA NABAWASAN TULOY ANG TROPHY KO" sigaw niya. HUH? anong pinagsasasabi nito?
"Sorry!" pagpapaumanhin ko
"Ano nga yun?" tanong niya ulit
"Gawaan ko nalang kayo ng story" masayang kong sabi
"Ok" walang kabuhay-buhay niyang sagot.
"Sige Laine. Istart mo na" singit ni Mikaela
So Eto nga sisimulan ko na siya.
Paalala: Ang mababasa niyo po ay hindi nakabase sa totoong buhay, ito ay kathang-isip lamang at paumanhin po sa mga pangalang nasangkot dahil ang mga pangalan po ng kanilang makakatuluyan ay ang mga crushes lang po nila. Ganun kami kadesperada kaya pabayaan niyo na. Ang makakabasa nito na nanggagaling saaming paaralan, please wag mo akong ikahiya kung nagawa ko man ang kwentong ito.
Sana ay magustuhan niyo at sana ay matatapos niyo ang kwento na puno ng ligaya ang inyong mukha :D
Jayson: Kaibigan ngang turing, mamahalin mo parin. Pilit ko namang pinipigilan pero ang hirap talaga eh. Letche, kung pwede lang talagang utusan ang puso na wag nalang siya eh. Friendzone! isang katagang madaling sabihin pero ang sakit aminin. Langya, bat kasi siya pa eh
Angelica: For almost 2 years. 2 years na gustong-gusto ko siyang mapasaakin. Crush! Yung pang elementary na pag-ibig pero pagdating ng high school nasasaktan ka na dahil sa crush na yan. Matalino, mabait, talented, gentleman, basketball player. Nasa kaniya na ata ang lahat eh, ako nalang ang kulang. Charot. Pero masakit palang masaktan nang sobra. Sabi ng nila, nagsara man ang pinto, may bintana pa naman.
Angelie: Parehong mukha, parehong mahilig sumayaw, parehong ugali, lahat nalang pareho kami. Pati ba naman sa pag-ibig sa parehong tao parin kami titibok ang aming puso?Kung 2 years siya, ako 3 years na. Hindi niya alam na gusto ko yung lalaking yun kaya hindi ko siya masisisi. Hindi ko sasayangin ang tatlong taong iyon. Gagawin ko ang lahat mapasaakin lang yung taong minamahal ko.
Eloisa: Sign! Sign na pilit kong pinupush na nagagawa niya lahat. Lagi akong umaasa na darating ang panahon na mamahalin niya rin ako. OO.. Mahirap umasa sa isang taong hindi mo alam kung mamahalin ka niya. Sana nga lang yung mga sulyap niya, nagpapahiwatig that our feelings are mutual.
Mikaela: 3 long years. Tatlong taon akong patagong nagkakagusto sakaniya. Oh yes, ang hirap diba? na kahit alam mong walang chance pinagpatuloy ko parin. Pero dahil sa tatlong taon na yun, nalaman niya. Naamin ko rin sa wakas. Kahit sa chat man lang eh nagkakausap kami. But then one day, nagkahiwalay, nagkalimutan, at higit sa lahat, napako ang napakatagal ng pinangakuan.
Now tell me, paano mo masasabing ang barkada namin ay hindi mo matatawag na FOREVER BITTER.
BINABASA MO ANG
Forever Bitter
RomanceWe're fabulous, amazing and crazy barkada. Halos lahat na ata ng kabalastugan eh nagawa naa namin maliban nalang sa pagdodroga syempre. Dahil sa pagiging addict ko sa wattpad na kahit paggawa ng kwento ay nagawa ko na dito (hindi nga lang natatapos)...