Tinitigan ko siya
sa kanyang mga mata
pagkatapos sakupin
ng mga labi ko
ang mga labi niya
"Patutunayan ko sa kanila
kung gaano kita kamahal.
Pag-ibig ko sa iyo'y magtatagal."
"Gaano mo ba ako kamahal?"
"Kasinlawak ng langit.
Kasinlapad ngdagat.
Kakayanin ko ang lahat.
Hahamakin ko ang lahat."
"Paano
ang mga magulang ko?"
"Alam ko,
noong ipinakilala mo ako,
naramdaman ko
na hindi nila ako gusto.
Ang totoo,
hindi ka rin gusto
ng mga magulang ko.
Nalaman ko,
ang mga pamilya pala natin
ay magkaaway
mula pa sa ating mga lola't lolo."
"Para pala akong si Juliet.
At ikaw si Romeo."
"Parang paulit-ulit
na eksena sa teleserye.
Parang gasgas
na plot ng telenobela.
Parang kapareho
ng kuwento ng drama sa radyo
at ng pelikulang sinabi mo."
"Pero epektibo pa rin
sa paghadlang
at pagpasakit ng damdamin."
"Ngunit
Hindi natin sila hahayaan
na tayo ay kanilang pigilan."
"Hindi natin hahayaan
na damdamin natin
ay kanilang saktan."
"Kailanman
ay hindi ko hahayaan
na tayo'y maghihiwalay."
"Makakaasa ka
na hindi ako bibitaw
sa iyong kamay."
BINABASA MO ANG
Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]
PoetryIsang Tulaserye, serye ng tulang pasalaysay [narrative poetry].