Taguan

534 35 2
                                    

Taguan

ni: Correction Fluid

PASIMPLE kong sinipat ang hitsura ko sa salamin.

Haaay. Ito na naman ako. Nangangarap na naman ako ng gising. Nag-iisip na, ano nga kaya kung sobrang ganda ko? O kaya, sobrang sexy ko?

Oo, hindi ko maipaliwanag ... pero kada makikita ko ang repleksyon ko, hindi talaga ako natutuwa.

Nalulungkot pa 'ko.

Naiinis ako na di ko maintindihan. Pakiramdam ko kasi, ako na ang pinakapangit na nilalang sa balat ng lupa.

Haha. Sabagay, sino ba naman ako?

Isang hamak lang naman akong babae na nagpapakagaga sa isang taong pinaglihi ata sa sama ng loob at wagas na kamanhidan.

Ibinalik ko ang munting salamin sa bag.

Mabilis na kinuskos ang mga mata.

Kinuha ang cellphone.

Sabay tipa ng isang mensahe na ni sa hinagap e di ko alam kung matutugunan pa ba.

"San ka na?"

Pagkapindot ko ng send, marahas akong napabuntong - hininga.

Sino nga ba ang niloloko ko?

Ako lang naman 'to na matiyagang umaasa sa isang tao na ...

Nagulat na lang ako nang may biglang tumunog sa loob ng bag ko.

Excited pa 'kong kinuha ang cellphone ko ...

Pero para lang din pala madismaya sa bandang huli.

"Ahh, ganun ba? Nakow. Walang problema. Wag kang mag - alala. Kaya ko namang umuwi mag - isa. Excuse me?! Ako pa ba?! Oo, pagkatapos kong mahanap yung hinahanap ko, uuwi na ako. Ang dami ko pa kayang gagawin. Oo na, oo na. Sige na. Sayang lang load mo. Salamat. Bye."

Hindi naman masyadong obvious kung anong nangyari, ano?

Edi ano pa nga ba?

Hindi na naman niya ko sinipot.

Haha. Kung tutuusin, di na dapat bago sakin ang mga ganito.

Dapat nga, masanay na 'ko e. Diba?

Buhat noong araw na yun, ipinangako ko sa sarili ko na hinding - hinding - hindi na ko magpapakatanga.

Pero ... ang tanga lang pala ng pangako ko.

Kasi ... matagal ko na palang nabali 'to ...

Buhat palang noong umpisa.

***

"ANONG pag-uusapan natin?" aniya na medyo ikinagulat ko pa.

Na-set up lang naman kami nung magaling naming kaibigan.

"I-ikaw. Ano bang sasabihin mo?!" di ko maiwasang di magtaray.

Marami kasi akong naaalalang mga bagay - bagay ...

Masasakit na mga bagay - bagay.

"Kung tungkol 'to dun sa nangyari nung bakasyon ... gusto kong mag---"

"Wag mo ng ituloy 'yang sasabihin mo. Baka mas lalo akong mabadtrip."

Katahimikan ang sumunod na naghari saming dalawa.

Ilang ulit akong bumuntong - hininga ... siguro ito na rin ang paraan ko ng pagbwelo.

Siguro nga, kailangan ko nang tapusin 'to.

TaguanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon