[one shot]
-Jessica's POV-
Noong bata pa ako lagi ako naniniwala sa soul mates. Isa akong tao na naniniwala sa mga bagay na imposibleng mangyari. Kasi isa akong taong tahimik at lagi kong gustong mapag-isa. Ako si Jessica, "Jeca" kung tawagin.
Isang araw sinabihan ako ng mga kaibigan ko na sumulat ng letter para sa gusto kong maka-soul mate. Kasi kaming magkakaibigan pare-pareho lang ang characteristics namin.
Edi sumulat nga ako.Linagyan ko pa ng short poem sa ibaba. Pagkatapos nun nagulat ako ng bigla nilang linukot ung papel! Eh scented paper pa naman yon! Edi sabi ko.
"Bakit mo linukot?!"
*hinagis niya*
"Kung sino mag babalik sayo niyan, siya ang magiging soul mate mo!" Jaz (one of my friends)
Natawa ako nung sinabi niya yun. Sino pa ba kukuha ng lukot na papel? Siguro tanga nalang pupulot nun!
Nung mga times na iyon meron akong crush, si Seth.
Ang pogi pogi niya at ang galing niya kumanta. Halos hihimatayin ka kapag narinig mo ang mahiwaga niyang boses. Yung parang kapag hinarana ka niya wala ka ng magagawa kundi ngumanga!
Yung parang perfect na talaga siya.
Simula nung sumulat ako nung letter na iyon lagi kong winiwish na si Seth ang makakuha! Kahit alam kong imposible kasi kahit minsan hindi ko pa siya nakakausap. Hindi ko kasi siya classmate pero batch mate ko siya. Isa siya kasi sa pinaka sikat na personalidad sa buong campus.
--FAST FORWARD-
Eto nanaman may isang buong araw nanaman na puno ng kaguluhan. Pero syempre kailangan mag survive kasi sariling mundo mo lang naman ang ginagalawan mo ikaw ang bahala kung ano gusto mo gawin.
--
Eto na andito ako sa school unang-unang sumalubong sakin ay si Jaz sinabi agad niya. "Oh may naka kita na ba ng letter mo?!" paasar niyang sinabi.
"Hay nako Jaz ikaw nalang ang umaasa na may pupulot dun. Pati ako naka get over na!" Sabi ko.
"Nako Jeca! Tara na nga sa classroom!"
Sumunod nalang ako at din a umimik.
--
Lunch time na. Andito kami sa canteen kasama ang mga kaibigan ko.
Kumakain kami at syempre nagchichikahan! Pinag-uusapan naming ang boyfriend ni Jaz kasi nakita ni Nixa na may kasamang ibang girl kaya si Jaz naman umiiyak sa harapan namin ni Nixa.
"Walang hiya yang Justin na yan!" Nage-emo na sagot ni Jaz.
"Edi ibreak mo na! Kung kaya mo!" Paasar kong sabi.
"Oo nga Jaz! Halos pinagloloko ka lang naman ni Justin kung ako sayo magpapakasaya nalang ako sa crush life! Diba Jeca? Hahaha!" Sabi ni Nixa.
"Haha! Oo nga Jaz tingnan mo ako! Ang sarap ng buhay ko kasi alam ko naman na hanggang tingin lang ako kay Seth! Di na ako nag-eexpect na kausapin or kilalanin nya ako okay na sakin ung nakikita ko siya araw araw! Hihi." Pakilig kong sabi.
"Korek ka diyan!" Nixa
"Mga baliw ba kayo? Eh mahal ko eh! Wala na akong magagawa. Baka mabaliw lang ako kapag brineakan ko!" sabi ni Jaz.
"Hay nako Jaz! Edi sana kung pinapa saya ka nya! Tingnan mo ngayon iyak ka ng iyak! At Jaz huwag kang masyadong humagulgol at baka may maka halata sayo!" sabi ko.
"Huhu. Nixaaaaa! Anong gagawin ko?" inalog-alog niya yung balikat ni Nixa. Loka na talaga.
"Gawin mo ang magpapasaya sayo." Nixa