Thank you sa votes and comments sa Chapter 20! :*
Gustuhin ko mang dalian ang update, hindi po talaga kaya ng schedule ko. Hope you understand. :)
Sorry kung nainip kayo. Here's the next chapter!
Enjoy!
==================================
CHAPTER 21
“Mukhang nakabuti pa sa’yo ang paglalayas mo, hija,” komento ng yaya Diday niya habang pinapanood siya nitong nagluluto.
Napangiti na lamang si Mikay. Isang linggo na mula nang makauwi siya at sanay na siyang nakakarinig ng mga ganitong komento mula sa mga kasama niya sa bahay.
Ang totoo, nung unang gabi niyang muling matulog sa sariling silid ay nanibago pa siya sa lambot ng kama niya. Nasanay na yata ang likod niya sa manipis na kutsong hinihigaan niya sa Aberin.
Laking gulat ng mga kasambahay nila nang sinabayan niya ang mga itong magising ng maaga nang sumunod na araw. She remembered the shock on their faces nang mag-volunteer siyang ipagluto ng agahan ang papa niya.
Noong una ay hindi niya alam kung dapat ba siyang mainsulto sa ginagawi ng mga ito. But then she realized, she deserved it. Brat nga siguro siya noon. Naaalala pa niya kung paano niya utusan ang yaya niyang gawina ng mga maliliit na bagay na kaya naman pala niyang gawing mag-isa.
Alam niyang hindi pa nasasanay ang lahat ng kasama niya sa bahay sa mga pagbabago sa kanya. She can still catch her father and brother eyeing her speculatively every now and then. It was like they were waiting for her to grow wings and a halo.
“Ya, tikman niyo na po,” sabi niya kay Diday.
Lumapit ito sa gasera at inamoy ang luto niya. “Amoy pa lang, masarap na.”
“Thanks ‘ya!”
“Hindi ako nagkamali. Masarap nga, Mikay,” tumatango-tangong sabi nito pagkatapos tikman ang ginawa niya. “Matanong ko lang. Kanino mo ba natutunan lahat ng ‘to?”
BINABASA MO ANG
Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)
FanfictionPara matakasan ang plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa isang lalakeng hindi niya kilala ay naglayas si Mikay. Sa kasamaang-palad ay minalas siya. She found herself suddenly penniless and without anywhere to go to. Enter Gino, ang masungit, bugn...