Third Person's POV
1 week na ang nakakalipas matapos ang official break up nang Alien couple, Keegan didn't always attend their practice, and worst is lumalabas lang siya ng kwarto nila ni Rush para kumuha lang ng beer in can na stock ni Ryker.
Hindi na siya nakikita ng Bts na kumain kahit anong sermon ang gawin nila Titus sa kanya walang nangyayari, sabi nga nila Harley mas matindi pa daw si Keegab ngayon kesa nung nakipagbreak sa kanya si Diem.
Wala naman ang dalawang manager nila kasi umalis ang mga ito pagkatapos malaman ang away na ginawa ni Diem at Sadhie, pilit kasi nilang nililinis ang pangalan ni Keegan.
Nakaupo lang ngayon ang Bts sa sofa nila at hinihintay nilang lumabas si Keegan para sermunan ulit ito, di sila mapapagod na gawin yun kahit walang nangyayaring pagbabago, gusto lang talaga nilang gisingin si Keegan sa kaduwagan nito, pilit nilang pinagpipilitan kay Keegan na mali yung ginawa niya, na mali na binitawan niya si Diem.
Habang naghihintay hindi na nakatiis pa si Damon at lumapit na siya sa pinto ng kwarto kung nasan si Keegan.
Keegan Orion Slate kapag hindi ka pa rin lumabas diyan makikita mo ang hinahanap mo, pikon na pikon na ako sayo huh, nananahimik lang ako nun pero ngayon makakatikim ka na sakin!!! Sigaw ni Damon tsaka kinalampag yung pinto ng kwarto kung nasaan si Keegan, sa kwarto muna nila Harley at Rocco si Rush pansamantalang natutulog.
Pagewang gewang namang naglakad papunta sa pinto si Keegan nang marinig niya ang boses nang leader nila kaya kahit sobrang lasing niya na pinilit niya pa ring maglakad para mabuksan lang yung pinto, muntikan niya pang maapakan yung basag na bote sa may pintuan na siya rin ang may kagagagawan.
Pagkabukas pa lang niya ng pintuan isang sapak agad ang sumalubong sa kanya kaya mabilis siyang natumba mabuti na lang at mukhang sinuswerte siya kasi nakaiwas siya sa bubog.
Ano magpapakalasing ka na lang?? Wag ka ngang umasta na parang ikaw yung kawawa, kasi kasalanan mo kung bakit nangyayari ngayon to, duduwag duwag ka tapos magiinom ka at magkukulong dyan sa kwarto na yan? Anong natutulong niyan sayo huh? Sigaw ulit ni Damon, nanonood lang naman ang Bts sa ginagawa ng leader nila, nakakatakot na kasi talaga ang itsura nito parang kapag nakisabat ka bigla kang masuntok, nung una kasi parang wala lang pakielam si Damon sa nangyayari, he is the leader si he need to strengthen his emotions at hindi siya pwedeng basta-basta na lang magpaapekto, but the situation of Keegan and Diem is different, parang kapatid niya na rin ang dalawa kaya di na rin siya nakapagpigil pa.
Hindi naman sumasagot si Keegan at patuloy lang siyang nakaupo sa sahig at walang kibo, nakikinig lang siya sa sinasabi nang leader nila at parang nawala talaga yung pagkalasing niya dahil sa sapak ni Damon
Tapos na? Biglang sabi ni Keegab nang hindi na nagsalita si Damon, tsaka siya tumayo at sinara yung pinto, hindi naman niya yun nalock kaya nabuksan ulit yun, pero hindi na si Damon ang nagbukas nun kundi si..
BINABASA MO ANG
I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )
RandomHighest rank: #469 in Random Category ---------------------------------------------------------------------------------- At first, I only thought that the only problem about our relationship is your bestfriend. I always jealous of her, I always beca...