\\Chapter Six

163 6 0
                                    

Dedicated to you my friend. Thank you ulit sa pag-edit mo ng bagong wallpaper nito. :3 I love love love and miss you. :* 

--

Behind the Mask is a Deeper Secret. 

[Chapter Six]

Point Of View: 

[Harvey Bautista]

Walang akong magawa sa buong maghapon. Ang gusto naman ni Kenedy ay sya na lang ang magpamisa mag-isa. Edi lamunin nya. Gusto nya yan e.

Lumabas na lang ako at nagpunta sa park para makapagpahangin. Konti lang ang tao at tahimik. Mabuti yun, ganito ang mga gusto ko.

Bumili ako ng ice cream sa cones at nagsimula nang maglibot libot. Until I see a familiar face.

Bree.

Nakaupo sya sa isa sa mga bench. Biglang tatawa. Baliw lang. Nagpunta ako sa likod ng bench na inuupuan nya, mukhang hindi nya ko napansin dahil seryosong seryoso sya sa pakikipagusap nya sa maliit nyang aso.

"Mahigit isang taon na din Misty." Sabi nya sa aso as if naiintindihan sya nito. Baliw talaga 'tong taong 'to. "Parang hindi ka lumaki." Sabi nya tapos biglang tumawa.

Baliw..

"Arf! Arf!" Napansin ako ng aso nya kaya bigla nya kong tinahulan. Pinanlakihan ko sya ng mata.

"Naiintindihan mo ba ko? Tumatawa ka sa joke na corny?" Sira na talaga ang ulo ng babaeng 'to. "Baliw ka ba?"

"Baka ikaw ang baliw." Hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita. Para kasi syang timang.

"N-nagsasalita ka?" Nangangatal nyang sinabi. "Alangan." Sagot ko. Hindi nya pa pala alam na nandito ako sa likod nya.

*Pak~!*

"Aray!!" Nilingon nya ko sa likod. "Bakit ka nakabatok?!" Pasigaw nyang tanong.

"Pake mo? Ang tanga mo kasi e. Nakakainis." Sagot ko sa kanya.

"Che! Wala ka lang magawa e." Sagot nya.

Umupo ako sa tabi nya. Kinandong nya naman ang aso nya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Nacurious lang ako dahil madalas ang mga babae ayaw na naarawan. Nakakapagtaka lang sa kanya. Yung iba kasing mga babae na nakasama ko sa photoshoots, konting araw lang na matapat sa kanila nagrereklamo na sila. Lalo na kapag sa outdoor ang shoot.

"Mm, kasi wala kong magawa sa bahay." Sagot nya. "E ikaw? Diba sabi ni Mr. Bautista magpamisa ka daw?"

Behind the Mask is a Deeper Secret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon